Casilda: SIGE CASSIOPEIA ITULOY MO! ITULOY MO NG MAKITA MONG SABAY-SABAY MAWALAN NG BUHAY ANG MGA ITO!
Tiningnan ni Cassiopeia ang nagsisilabasang mga kawal na nyebe na bawat isa ay mayroong hawak na bihag na mga Punjabwe, mga kawal na Sapiryan, at ang Rama Ybrahim at lahat sila ay walang malay at nakabalot sa nyebe ang kalahati ng kanilang katawan na syang ikinagulantang ng Bathaluman. Tahimik na nag-Ivictus roon si Amihan sa likuran ng isang kawal na nyebe na may hawak kay Ybrahim, ngunit bago pa wasakin ni Amihan ang kawal na nyebe na may hawak sa kanyang Rama ay nag-Ivictus sa kanyang likuran at mabilis na binali ang kanang kamay nito dahilan upang nabitawan ni Amihan ang kanyang sandata at tinutukan ang leeg nito ng kanyang espada na may ngisi sa kanyang labi.
Castrell: Nagkita tayong muli, Dakilang Hara ng Encantadia. At may balak ka pa talagang iligtas ang iyong minamahal na Sapiryan. *smirks*
Kinaladkad ni Castrell si Amihan sa harapan nina Casilda at Cassiopeia na lalong ikinagulantang ng Bathaluman.
Cassiopeia: Amihan. *shocked*
Casilda: Ngayon Cassiopeia, mamili ka. Ang setro, o ang buhay ng mga ito?
Tiningnan ni Cassiopeia ang setrong hawak nya pati na ang kanyang mga minamahal na Encantadong bihag ng mga Vedalje na tila ba namimili kung anong mas matimbang sa mga oras na iyon. Umiling si Amihan sa kanya na tila alam na ang magiging desisyon ng Bathaluman sapagkat kilala na nila ang busilak na puso nito. Tiningnan muli nito ang setro at ang kasabay ng paghinga nito ng malalim habang labag sa loob nyang binababa ng marahan sa harapan ng kanyang kapatid. Isang pagkakataong tinalo na naman ng puso niya sa mga minamahal nyang nilalang ang dapat na nagapi na sanang kapangyarihan ng kambal na syang nagbigay naman dito ng tila matagumpay na halakhak.
Casilda: *laughs wickedly* Magaling Cassiopeia, kahit noon pa ma'y napakadali mo ng kausapin. At napakadali rin namang pigain yang puso mo para sa mga minamahal mong mga Encantado. Kaya ka natatalo, kaya ka humihina. Puso lagi ang iyong sinusunod, na syang magbabaliktad at gagapi sa iyo sa oras ng digmaan!
Cassiopeia: *wisdom symbol lights up on her forehead* Hindi ang puso at pagmamahal ang nagpapahina sa isang nilalang Casilda, kundi ang pagkakasuklam nito sa pagmamahal. *looked at Casilda as she lowers the scepter slowly*
Maya-maya'y naramdaman ng lahat na biglang umiba ang pakiramdam ng paligid. Tila may mali, tila may ibang nilalang na hindi nagpapakita sa paligid. Ngunit nginitian lamang ni Casilda si Cassiopeia na parang alam nito na tama ang kanyang kutob.
Casilda: *grins wickedly* Mukhang may nais pang sumali sa ating kasiyahan aking kapatid. O baka nais nilang iligtas ang kanilang talunan na Bathaluman? *laughs*
Pinakiramdaman ni Cassiopeia ang paligid, tanging mga mata nya lamang ang umiikot, nag-iingat na hindi makagawa ng anumang galaw na hahantong sa madugong digmaan, ngunit alam nyang imposible, nararamdaman nyang hindi maaari ang kanyang nais na walang sagupaang magaganap sa isang kumpas at galaw lamang na kanyang gagawin. May mapapahamak, may mga buhay na nakasalalay, kailangan nyang mamili sa pagitan ng pakikipagdigma o walang laban silang malalagasan ng buhay. At nakapili na siya, na tamang gawing desisyon sa mga oras na iyon.
Cassiopeia: *speaks**fiercely screams* AGTU!
BINABASA MO ANG
ENCANTADIA Season 2 - The Winter War
FantasyMatapos mamalagi at makamit muli ang inaasam na katahimikan ng buong Encantadia, at sa pagsisimula ng kanilang bagong yugto sa bagong panahon, isang hindi na naman inaasahang pangyayari ang magaganap. Isang bagong kalaban pala ang nakatakdang maghim...