Ybrahim: Kung ganon, Avisala Meiste muna sa ngayon aking Hara, matulog ka ng mahimbing.
Amihan: Maging ikaw rin, Ybrahim.
Kinuha nya ang dalawang kamay ni Amihan at hinalikan ito pareho. Kita ang mga ningning sa mga mata nina Amihan at Ybrahim sa lahat ng naganap sa kanila ngayon. Sabik silang makasama muli ng matagal ang isa't-isa ngunit alam ni Ybrahim na may iba pa syang tungkulin sa kanyang kaharian. Kaya kahit ayaw mang humiwalay kay Amihan ay ginawa nya dahil sabi na syang magliwanag upang makabalik muli sa Lireo at makasama ang nag-iisang Hara ng kanyang puso. Naglakad na sya papalayo kasama ang kanyang mga kawal habang palingon lingon kay Amihan habang pinapakita ang kanyang matatamis na ngiti na ngayon nya lamang ipinamalas. Naiwan sina Alena at Amihan sa pasilyo ng parehas magaan ang loob, at nagpapasalamat na sa wakas ay natanggal na rin ang sumpang ikinabit sa kanya at sa Rama ng Sapiro.
Alena:*sigh the smiles* Nakita mo ba ang ngiti sa kanyang labi Amihan? Ngayon nya na lamang iyon ipinakita, at dahil iyon sa iyo. Bumabalik na rin paunti-unti Ybarrong kilala ko at ang Ybrahim na kilala mo.
Amihan: Masaya rin ako Alena, sapagkat sa kabila ng mga kaguluhang nangyayari na naman sa atin ngayon ay may mga ganito pa ring kaganapang makapag bibigay sa atin ng liwanag.
Alena: Halika na edea, masyado ng mahaba ang araw na ito sa atin magpahinga na muna tayo.*smiles*
Naghawak kamay sina Alena at Amihan at sabay nawala sa pasilyong kanilang kinaroroonan at dumiretso na sa kani-kanilang silid.
**********************************
Sa mga nangyari kagabi ay naging magaan na ang dinadalang ni Amihan sapagkat bumalik na rin sa wakas ang kanyang mahal na Rama, at dahil doon pakiramdam nya na unti unti ng bumabalik sa dati ang nawasak nyang puso. Kahit sa pagtulog ay hindi nya maalis-alis ang ngiti sa kanyang mga labi, hanggang sa paggising nya.
= SA SILID NI AMIHAN SA LIREO =
Kapuputok pa lamang ng araw sa Encantadia, ng magising si Amihan dahil pakiramdam nya ay may kasama sya sa kanyang silid. May mainit na hininga syang nararamdaman sa kanyang batok habang nakatagilid ang kanyang paghiga, may mga matitipunong braso ang nakayakap sa kanyang beywang ngunit hindi sya nababahala pagkat sa bawat init na nanggagaling sa katawang nakayakap sa kanya ay napakapamilyar ang sensasyong ibinabahagi nya sa Hara Duri-e na hindi na kayang itanggi pa. At hindi nga nagkamali si Amihan ng akala, dahil pagkalingon nya sa kanyang likuran ay nakahiga doon si Ybrahim na mahimbing ang pagkakatulog habang yakap sya. Kaya marahan naman nyang tinanggal ang kamay nito sa kanyang tyan upang harapin ang tulog na Rama sa kanyang higaan. Hindi ginising ni Amihan si Ybrahim, sa halip ay masaya nya lamang itong tinititigan at malumanay na hinalikan sa noo. At habang tulog, dahan-dahang hinahawi ni Amihan ang harapang buhok ng Rama na natatakpan ang mukha nito. Ilang saglit pa habang hinahawi ni nya ang ibang hibla ng buhok ni Ybrahim ay napansin nyang ngumiti ang Rama kaya tinigil nya ang kanyang ginagawa at tinitigan na lamang ito. Hindi naglaon ay nagsalita na rin si Ybrahim na walang tigil sa pag ngiti.
Ybrahim:*teasing smile while his eyes are close* Baka naman mamaya eh matunaw ako sa katititig mo sa akin, mahal kong Hara.*opens his eyes*
Amihan:*inayos ang upo at umiwas ng tingin kay Ybrahim* A-anong pinagsasasabi mo? Hindi ah.*stands up*
Ybrahim:*still looking at Amihan walking around her room while he sits on the bed* Anong hindi? Wag mo ng ipagkaila, eh kanina ko pa nakita gamit ang isa kong mata na titig na titig ka sa akin, hindi ko lang sinabi agad pagkat nais kong damhin lamang ang iyong mga haplos at halik na matagal ko ng nais maramdamang muli.
BINABASA MO ANG
ENCANTADIA Season 2 - The Winter War
FantasyMatapos mamalagi at makamit muli ang inaasam na katahimikan ng buong Encantadia, at sa pagsisimula ng kanilang bagong yugto sa bagong panahon, isang hindi na naman inaasahang pangyayari ang magaganap. Isang bagong kalaban pala ang nakatakdang maghim...