Cassiopeia:*wisdom symbol lights up on her forehead* Wag nyo na lamang muna intindihin si Casilda. Ang importante ngayon ay makabalik na kayong muli ng Lireo. Amihan, handa ka na bang bumalik sa iyong kahariang pinanggalingan?
Nagtinginan sina Lira at Amihan, ngunit kita pa rin ang takot at pangamba ni Amihan sa kung ano at sinong madadatnan nya sa Lireo. Si Lira naman ay kita ang ningning at ang pagkasabik sa kanyang mga mata kung anong lugar ang sinasabi sa kanila ni Cassiopea.
Lira:*smiles* Kaharian tita model? Nakaka royalty naman yang may kaharian kaharian pa pala dito nay.*amazed*
Cassiopeia:*wisdom symbol lights up on her forehead* Oo Lira.*speaks* Etlar Lireo y delic deya Amihan(ang Lireo na tahanan ninyo ni Amihan).*wisdom symbol lights up on her forehead* Kaya kailangan nyo ng bumalik doon.
Lira: Lireo? Nay ang bongga ng name, excited nako makita yung hometown natin. Tsaka hindi nyo rin po ako ininform na ang shala(gay linggo of rich) pala natin, parang sa mga disney movies lang na napapanood namin... Este ng mga fellow mortals.
Cassiopeia:*looks at Amihan's worried face* Alam ko ang iyong pangamba Amihan at kung sino ang iyong iniiwasang makaharap doon, ngunit kailangan mo itong labanan para makapunta at makabalik na kayo ng Lireo, sapagkat inaantay at nag-aalala na ang mga diwata sa inyong kalagayan, at alam mo iyan dahil nakita mo naman sa mga mukha ng iyong mga kapatid ang labis labis na pangungulila nila sa inyo ni Lira. Maging ang mga Lirean ay sabik ng makita ang kanilang Hara Duri-e na syang nagligtas sa kanilang lahat maraming taon na ang nakalilipas. At isa pa, hindi na kayo ligtas dito sa labas ng palasyo dahil sa aking kapatid na nagsisimula na namang guluhin ang itinayong kapayapaan at kaayusan dito sa Encantadia.
Lira:*holds Amihan's arms* Oo nga po nay, tama po si tita model kailangan po nating makaalis dito bago nya po tayo chapchapin at pagpipirasuhin ng mala-yelong tungkod nyang isang sipa lang putol na. Tsaka sino po ba yung inaalala nyo? Yung mang-hohopia kong tatay na kinabog pa ang Great Wall of China sa haba ng hair kung mambusted?*points her fingers somewhere* Yun? Yung tao--ay este yung Sapiryan na yun na ginawa kang Asado flavor kanina?*smirks* Ako po bahala don, ako pong bahala sa inyo poprotektahan ko po kayo don. Galit ako sa kanya dahil sinaktan ka nya noh, kahit tatay ko man sya wala po syang karapatan na sahugin kayo kanina, kaloka dinaig pa yung ginisa.*crossed her arms*
Amihan:*worried* Ngunit Lira, hindi mo na kailangan pang makialam sa hindi namin pagkakaunawaan ng iyong ama sapagkat labas ka doon. At isa pa, ama mo parin sya at hindi mo dapat pinagsasalitaan ng ganyan. Nauunawaan kong inaalala mo lamang ako anak, ngunit kaya ko na ang aking sarili.*touches Lira's face*
Lira: Eh inay, sorry po pero don't mee, wag ako hindi nyo po yan matatago sa akin. Nakikita nyo papo ba yang sarili nyo?*wipes Amihan's tears* Yung mga mata mo po namamaga na sa ka-iiyak,*touches Amihan's chest* yung puso nyo po kahit hindi ko po yan nakikita alam kong nagdurugo yan.
Amihan: Avisala Eshma sa pag-aalala mo sa akin Lira, ngunit sana'y unawain mo na lamang ako at ang iyong ama. Alam kong hindi nya intensyong saktan ang aking damdamin.*looks down* Ako lamang talaga ang umasang mahal nya pa ako.
Lira: Anak nyo po talaga ako nay, kasi sayo ko pala nakuha ang pagkadrama Princess ko. Syempre ikaw yung Queen.*laughs*
Amihan: *wiping her tears**small laughs*
Lira: Oh diba nay napatawa ko kayo ng slight? Wag ka na pong umiyak, mas maganda ka pag nakangiti. Pero mas maganda pa rin ako, charoot!!
Amihan:*laughs* Oo naman anak, mas maganda ka.*holds Lira's chin**looks at Cassiopeia* Kahit, natatakot ako kung anong madadatnan ko sa Lireo ay kinakailangan na naming magtungo roon dahil hindi ko nais na saktan ni Casilda si Lira.
BINABASA MO ANG
ENCANTADIA Season 2 - The Winter War
FantasyMatapos mamalagi at makamit muli ang inaasam na katahimikan ng buong Encantadia, at sa pagsisimula ng kanilang bagong yugto sa bagong panahon, isang hindi na naman inaasahang pangyayari ang magaganap. Isang bagong kalaban pala ang nakatakdang maghim...