Adamus: Cassandra wag ka ng sumuway! Maaaring ikagalit pa iyon na iyong ina. Makinig ka muna sa akin.Cassandra: Kailangan ko ngang abutan si ina!
Ng matanggal ni Cassandra ang pagkakahawak ni Adamus sa kanyang kamay at ng mahawakan niya si Adamus sa balikat nito ay bigla ba lamang umilaw ang kanyang kamay ng kulay Lila(violet) kaya nagtaka siya dito. At ng ibitiw niya ang kanyang kamay sa pagkakahawak kay Adamus ay nakita niyang nahimatay ito at sumalampak sa sahig. Kaya agad siyang nataranta at sumigaw.
Cassandra: ADAMUS!! *shouts as she started to cry*
Ng mapagtanto na ni Cassandra ang kanyang nagawa kay Adamus ay nilapitan nya ito para gisingin. Lumuhod si Cassandra sa gilid ni Adamus na panay ang daloy ng kanyang luha sa kanyang mga mata.
Cassandra: *crying* Adamus gumising ka! Adamus wag kang namang magkhnwari jan oh, please. Matetegi ako sa nanay mo.*niyuyugyog si Adamus*
Ng marinig niya na may papalapit na mga kawal ay agad nya ng naisip muli ang kanyang pakay kanina. Pinunasan niya ang kanyang mga luha at sabay na tumayo at lumayo kay Adamus habang nakatingin dito.
Cassandra: Pasensya kana Adamus, kung tutulungan kita, mamaya hindj mo na naman ako papayagan. Pramis ko sayo pagbalik ko tutulungan na kita, sorry talaga.*worried to Adamus*
Sa pagsabi noon ni Cassandra ay agad na niyang nag-Ivictus at bigla ng naglaro sa lugar na iyon. Ng mawala si Cassandra, tamang tama namang kaka-Ivictus lamang roon nina Fauna at Aliyah na may ngiti sa kanilang labi, ngunit napalitan ito ng pagkagulat ng makita nila si Adamus na nakaratay sa sahig, at sabay naman silang sumigaw pareho.
Aliyah, Fauna: ADAMUS!*lumuhod sa gilid ni Adamus*
Aliyah: Adamus, anong nangyari sa'yo?!
Fauna: Mga kawal tulungan nyo kami!
Nabulabog naman ang mga kawal sa paligid at mabilis na nagtakbuhan sa kinaroroonan ng mga batang Sang'gre at ng makita si Adamus na walang malay ay pinaligiran nila ang mga bata upang makasiguro na walang vedalje ang nakapasok sa silid. Nagtanong naman si Abog sa mga ito tungkol sa walang malay na si Adamus.
Abog: Mga mahal na Diwani, anong nangyari kay Diwan Adamus?*nataranta*
Aliyah: Hindi po namin batid Ginoong Abog, ng mag-Ivictus kami rito ay nakita nalang namin syang ganyan. *tears fell down her cheek*
Fauna: Opo, Ginoong Abog. Maglalaro sana kami kaso ito yung naabutan namin.*weary face*
Abog: Kung ganon, sasamahan ko muna kayo na ihatid ang Diwan sa kanyang silid ng sa gayon ay matawag ko ang mga Sang'gre patungkol rito.
Aliyah: Ngunit nais rin naming alamin kung nasaan si Cassandra, baka pati siya ay napaano, Ginoo.*worried*
Abog: Ipauutos ko na lamang sa ibang mga kawal, sa ngayon ang mahalaga ay lumisan na tayo rito at magpunta na sa silid ng Diwan. Mga kawal, hanapin nyo ang Diwani Cassandra at iulat sa akin ang kanyang kalagayan.
Mga kawal:*nagbigay pugay* Masusunod, Pinuno.
Kahit pa nag-aalala si Aliyah at Fauna sa kalagayan ni Cassandra ay sinunod na nila si Abog. Hinawakan nina Aliyah at Fauna sina Abog at Adamus at nag-Ivictus na roon upang makapunta na sa silid ni Adamus, habang ang mga inutusang kawal naman ay umalis na upang hanapin at tiyakin ang kaligtasan ni Cassandra.
BINABASA MO ANG
ENCANTADIA Season 2 - The Winter War
FantasíaMatapos mamalagi at makamit muli ang inaasam na katahimikan ng buong Encantadia, at sa pagsisimula ng kanilang bagong yugto sa bagong panahon, isang hindi na naman inaasahang pangyayari ang magaganap. Isang bagong kalaban pala ang nakatakdang maghim...