Habang naghahanda na ang lahat sa palasyo ng Lireo upang ipagdiwang ang masayang paggaling ng mga diwani mula sa ginawa sa kanila ni Casilda, wala paring kaalam-alam ang tatlong tagapangalaga na may pafdiriwang at masaya na palang sasalubong sa kanila pagdating nila ng Lireo dahil hanggang ngayo ay nasa dalampasigan pa rin sila sakop ng Lireo at nagpapahinga muna ng saglit habang hinihintay ang utos sa kanila ni Cassiopea kung ano na naman ang gagawin nila.
= SA DALAMPASIGAN SAKOP NG LIREO =
Habang si Mira naman ay nakikipaglaban kay Paopao, si Lira naman ay nagpahinga muna at uminom ng tubig. Pumunta muna sya sa ilalim ng puno at umupo sa buhanginan. Malungkot na pinagmamasdan ang dalawa nyang kaibigan na ganadong mag ensayo. Hanggang ngayon kasi ay inaalala nya parin ang kanyang anak na si Cassandra, umaasang gumana nga ang sinabi sa kanya ng kanyang ashti Pirena. Habang nakaupo, binuksan nya ang kanyang mga palad at lumabas doon ang brilyante ng hangin. Tinititigan nya ito habang kinakausap ang brilyante ng pinakamamahal nyang ina.
Lira:*malungkot na titigan ang brilyante* Inay, sana gumaling na si Cassandra noh? Nag-aalala na kasi ako sa kanya eh. Ganito din ba ang nafeel mo inay nung hindi mo pa ako kasama?*tumingin sa langit sabay balik sa brilyante* Sana lang magising na sya. At sana rin karapat dapat ako sa tiwala sa aking ng brilyate mo. *napaisip* Ano pa kaya ang kayang gawin ng brilyante mo nay noh? May kambal-diwa nga ba to? Try ko nga. *clears throat* Brilyante ng Hangin, kung meron ka mang kambal diwa, gusto kitang makita, magpakita ka sa akin.
Nakita naman ni Lira na parang wala namang nangyari sa brilyante, umilaw lang ito at bumalik sa datin. Naisip nyang hindi naman sinunod ng brilyante ang utos nya kaya walang kambal-diwa ang nagpakita sa kanya.
Lira:*tumingin sa paligid*Fake news naman ata na may kambal-diwa to, wala namang nangyari eh.*tinago na ang birlyante* Makasali na nga doon sa kanila.*tumayo na sa buhangin at pinagpag ang kanyang damit*
Aalis na sana si Lira ng bigla syang makaramdam ng ihip ng hangin sa kanyang batok na nagbigay sa kanya ng kilabot at kakaibang pakiramdam kaya tumigil sya at tumingin sa kanyang likuran. Nagulat syang may nakatayo roon na isang magandang diwata at nakatingin ito sa kanya. Hindi naman malaman ni Lira kung sino at saan nanggaling ang babaeng kanyang nakita, maganda ang suot nya at parang syang diwatang sumulpot lang kung saan dahil ngayon nya palang ito nakita sa buong buhay nyang namalagi sa Encantadia.
Lira: Uhm, Encantada sino ka? Saan ka nanggaling kasi hindi pa kita nakikita dito eh at grabe in fairness ah, ang pretty mo.*smile*
Encantada: Poltre kung hindi ko maunawaan ang iyong ibang tunuran, aking panginoon.
Lira:*confuse* Nagkakamali ka ata Encantada, isa lang akong diwata kaya bakit mo ako tinatawag na panginoon? Ang chaka ah, hindi bagay sakin.*pagbibiro*
Encantada: Hindi ba't nasa iyo ang brilyante ng hangin?
Lira: Pano mo nalaman? Stalker ba kita?
Encantada: Dahil ang brilayante mo ay ang aking tahanan, aking panginoon. Ikaw ang tumawag at nagpalabas sa akin mula sa loob.*smile*
Lira:*shocked* Ikaw ang kambal-diwa ng brilyante ng hangin?
Encantada: Syang tunay, mahal na panginoon. Ako nga pala si Hyumid.*nagbigay-pugay*
Lira: Avisala! Grabe hindi ako makapaniwala na may kambal-diwa nga ang brilyante ni inay!*amazed while looking at Hyumid*
BINABASA MO ANG
ENCANTADIA Season 2 - The Winter War
FantasyMatapos mamalagi at makamit muli ang inaasam na katahimikan ng buong Encantadia, at sa pagsisimula ng kanilang bagong yugto sa bagong panahon, isang hindi na naman inaasahang pangyayari ang magaganap. Isang bagong kalaban pala ang nakatakdang maghim...