KABANATA 3 Part IX | Lihim na Kambal at Nakaraan

522 31 0
                                    


Alena: Sino sya Cassiopea? Sino ang Encantadang iyong ka wangis?


Cassiopea:*wisdom symbol lights up on her forehead* Sya ay walang iba kundi si Casilda, ang aking lihim na kakambal.



Nang sinabi iyon sa kanila ni Cassiopea, Hindi nila inasahan ang kanilang narinig dahil ni minsan ay wala syang binanggit sa lahat na mayroon pala syang kakambal o kapatid kaya lahat sila ay nagulat sa sinabi ni Cassiopea. Maging si Imaw ay wala ring kaalam-alam na may ganitong lihim pala sa kanila ang sinaunang reyna.



Imaw: Mahabaging Emre! Totoo ba ang narinig ko na sinabi ng aming Bathalumang Cassiopea? Totoo ngang may kakambal ito? Na kahit ako na isa sa pinakamatandang Adamyan na nabubuhay pa sa Encantadia ay walang alam tungkol dito. Hay.

Pirena: May katotohanan nga ba ang sinasabi mo Cassiopea? O baka isa lamang ito sa iyong palusot upang matakasan mo ang iyong mga kasalanan sa amin. Agape Ave bathaluman, ngunit hindi ako maniniwala sa iyo hangga't hindi ka naglalabas ng proweba sa amin. Hindi ako isang deyande(tanga/bobo) katulad ng aking ama.


Ybrahim: Tama si Pirena mahal na Bathaluman. Dahil hindi kasi kapani-paniwala ang iyong mga sinasambit dahil wala man lang nakakaalam ni isa tungkol sa lihim mong kakambal. Maging ang kasaysayan ng Encantadia ay hindi man lang sya pinakilala. Paano mo kami mapapaniwala?


Cassiopea:*nagsalita*Aranto alsha ese arse(totoo lahat ng sinasabi ko).*wisdom symbol lights up on her forehead* Kapatid ko si Casilda na matagal na naming tinago ng Bathalang Emre sa lahat.

Alena: At bakit nyo naman kailangan itago ito ng mahal na Emre sa lahat Cassiopea?

Danaya: Bakit hindi man lang sya nabanggit at nasilayan dito sa Encantadia? Bakit nyo sya nilihim sa amin?

Cassiopea: *kinukwento habang pinapakita sa kanyang mahiwang salamin sa lahat*Sapagkat ayaw na ni Emre na ma-alala pa ng lahat ang ginawa ni Casilda noon. Dahil maraming namatay na Encantado sa kanyang unang paglusob sa Encantadia noong si Dimetria pa ang reyna ng Lireo. Ang kanyang paglusob noon ay isa sa mga pinakamadugong digmaan na nangyari sa kasaysayan ng Encantadia. At halos lahat ng mga sinaunang diwata kagaya ko ay napaslang ng mga panahong iyon. Ako na lamang at si Casilda ang natirang sinaunang diwata magmula ang pagsugod nya noon sa Lireo, na nagresulta sa pagkamatay ng marami at kasama na roon ang anak ni Dimetria na si Esmeralda.

Imaw: Si Esmeralda, ang ina ng minamahal nating sina Mine-a at ng kapatid nitong si Amihan. Kaya pala nahihiwagaan kami sa kanyang pagkamatay noon Bathalumang Cassiopea. Ang iyong kapatid pala ang may gawa noon.


Cassiopea:*wisdom symbol lights up on her forehead*  Oo nunong Imaw. Noong mga panahon ng aking pamumuno hanggang sa panahon ng pamumuno ni Dimetria, akala namin ay tanggap na nyang hindi na sya maaaring maging reyna ng Lireo pagkat umalis sya ng Encantadia. Ngunit nagkamali ako. Humingi pala sya ng karagdagang kapangyarihan kay Arde at sa Bathalumang Ether upang may sapat syang kapangyarihan upang bumalik at gumanti. Binigyan sya ng kapangyarihan ng nyebe ng dalawa at inipluwensyahan siya na gumanti sa Encantadia lalong lalo na sa Lireo. Kaya bumalik sya noon sa Lireo upang maghasik ng lagim ng gabing iyon, kasama ang kanyang mga kawal na gawa sa yelo. 



Cassiopea:*wisdom symbol lights up on her forehead*Binalutan nya rin ng malalamig na hangin at nyebe ang ubong Encantadia kaya halos manigas at mamatay sa lamig ang mga halaman at mga pashena sa gubat. Sinugod nila ang buong palasyo na dahilan upang dumanak ang dugo. Sya rin ang pumaslang kay Esmeralda dahil ayaw ni Casilda na mayroon pang mapasahan si Dimetria ng kanyang korona at trono upang sya na ang maging reyna ng Lireo. Ngunit hindi nya alam na nagka-anak pala si Esmeralda sa isang ordinaryong diwatang Encantado, dahil tinago ko ang dalawang paslit na kanyang isinilang ilang araw pa lang ang nakalilipas at inilayo ko muna sa Lireo bago k sya harapin at tulungnan si Dimetria na mailigtas sa kamay nya si Esmeralda, ngunit pag dating ko'y huli na pala ang lahat. Sa tulong ng Ynang brilyanteng binigay sa akin ng bathalang Emre, ay natapatan ko ang kanyang lakas at kapangyarihan kaya nagawa kong matalo sya at ang mga kawal nyang gawa sa nyebe, at naitaboy ko sya ng Encantadia ng matagal na panahon. Nang malaman iyon ni Emre ay bumaba sya ng Encantadia at sinabi sa akin na nalulungkot sya sa sinapit ng kanyang lalang sa kanyang lupain, kaya ibinilin nya sa akin na gawan ko ng paraan upang hindi na nila muling maalala at maranasan ang ganoong karahasan.

ENCANTADIA Season 2 - The Winter WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon