Nagpaalam sina Alena at Danaya kay Adamus upang kausapin ang hukbo ng mga gunikar na kanilang tutukan nila sa pag eensayo sa pakikipag laban kasama ang tatlong kahariang naghahanda na rin sa mga possibleng mangyari. Kaya kinausap muna ng Hara ng Lireo ang mga gunikar na gustong mag-ensayo sa laban.
Alena: Adamus anak, jan ka lang muna sa tabi ni Aquil at Amarro huh? Wag kang lalayo at mawawala sa paningin nila. NAiintindihan mo ba?
Adamus: Opo ina. Kausapin nyo na po ang mga gunikar ina, mukhang naghihintay na sila sa inyo ni ashti Danaya.
Alena:*hinalikan sa noo ang anak* O sige na, magpakabait ka sa kanila huh? Wag kang maging sakit ng kanilang mga ulo.*smiles then walked towards an army of gunikars with Danaya beside her*
Nakipag-usap na sila Alena at Danaya sa isang hukbo ng gunikar na nais magensayo sa Lireo upang mahasa pa nila lalo ang galing nia sa pakikipaglaban at bilang pagtanaw na rin ng loob kay Alena sa pagbabangon at pagsasa ayos ng kanilang minamahal na Adamya. Ipinakilala na ng pinuno ng mga gunikar na si Gamo ang mga gunikar na nais maunang magsanay sa Lireo.
Gamo: Mahal na Hara, narito na po ang isang hukbo ng gunikar na nais maunang magsanay sa Lireo. Poltre sa kanilang bilang sa ngayon pagkat ang iba ay hindi pa sigurado sa pagsali sa inyong kawal.
Alena: Ayos lang Gamo. Sa ngayon ay sapat na muna ang isang hukbo na mag-eensayo sa Lireo. Nagagalak rin akong pina-unlakan nyo ang aking pahayag na pakikipagtulungan ng Adamya sa tatlong kaharian.
Gamo: Walang anuman iyon mahal na reyna. Ito na rin ang paraan namin ng pagbawi sa inyong mga nagawa sa Adamya, kahit na isa kayong mataas na uri ng diwata'y hindi nyo tinalikuran ang aming tahanan.
Alena: Hinding hindi ko tatalikuran ang Adamya, Gamo. At bilang tagapangalaga na rin ng brilyante ng tubig na minsa'y naging brilyante nyo rin, ay hinding hindi ako magsasawang tumulong sa inyong mga Adamyan.
Danaya: At wala rin sa lahi ng isang nilalang upang makatulong sa kanila. Kahit anong oras Gamo, ay handang tumulong kaming mga diwata sa lahat ng suliranin na mangyayari dito sa Encantadia.
Gamo: Kaya napakataas ng respeto at pagtingin namin sa inyong mga sang'gre kahit noon pa man. Sapagkat handa kayong magsakripisyo at ibuwis ang inyong mga buhay sa kahit sinong nilalang ng Encantadia. Mga bayani kung aming tatawagin.
Alena: Avisala Eshma sa iyong matatamis na papuri sa amin Gamo. Sa ngayon, hayaan nyo munang ipaliwanag ni Danaya ang mangyayari sa pag-eensayo ng mga gunikar sa Lireo.
Gamo: Masusunod mahal na Hara.
Agad na munang lumayo si Alena sa kinaroroonan ni Danaya at ng mga Gunikar. Nakaramdam kasi sya ng kaba sa kanyang puso sa hindi malamang dahilan. Hinawakan nya ang kanyang dibdib na pilit pinakakalma ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Habang pinapakalma nya ang kanyang sarili ay bigla na lamang nag flash sa kanyang isipan si Adamus. Nagtataka sya kung bakit nya agad naisip ang kanyang anak, gayong nasa labas lamang sila nina Aquil at Amarro kung iisipin.
Alena:*kausap ang sarili habang nasa dibdib ang kanang palad**kinakabahan at mabilis ang tibok ng puso*Anong nangyayari sa akin? Bakit ganito na lamang kabilis ang pag-tibok ng aking puso nang maisip ko si Adamus? *sigh* Kalma Alena, nasa labas lamang ang iyong anak at ligtas sya.*trying to calm herself but does not work*
Pagkatapos ng pakikipag-uusap ni Danaya sa hukbo ng gunikar ay napansin nya ang nangyayari kay Alena sa gilid kaya nilapitan nya ito para kamustahin at kausapin ang kanyang kapatid dahil maging si Danaya ay bigla na ring nakaramdam ng kaba sa kanyang dibdib.
BINABASA MO ANG
ENCANTADIA Season 2 - The Winter War
FantasyMatapos mamalagi at makamit muli ang inaasam na katahimikan ng buong Encantadia, at sa pagsisimula ng kanilang bagong yugto sa bagong panahon, isang hindi na naman inaasahang pangyayari ang magaganap. Isang bagong kalaban pala ang nakatakdang maghim...