KABANATA 1 Part I| Bagong Henerasyon

1.3K 46 33
                                    

(LUMIPAS ANG TAON AT MEDYO HINDI NA GANON KABATA ANG MGA SANG'GRE KAGAYA SA SEASON 1 FINALE.)


Nagsisitakbuhan ang mga batang sang'gre sa dalampasigan na sina Adamus , Cassandra, Aliyah at Fauna papalayo sa kanilang tumayong guro na si mashna Muros sa pageensayo nila sa pakikipaglaban. Lahat sila'y tumatawa dahil kanila na namang naisahan ang mashna ng Lireo. At nung napagod, huminto sila at umupo sa buhanginan para sumagap ng sariwang hangin sa tabing dagat.


Cassandra:*panting while laughing*  Hayy, ang galing talaga natin dahil natakasan na naman natin si mashna Muros! Ayos! *highfives Adamus*
Adamus: Oo nga, nakakapagod kayang mag-ensayo araw araw.
Aliyah: Tama ka Adamus isa pa napaka sungit at strikto ni mashna,tsaka ang sakit narin ng buong katawan ko. *napahiga sa buhangin*


Fauna: Alam nyo bang mali tong inulit natin ang takasan si mashna Muros? Kapag nalaman na naman ito ng ating mga magulang malalagot na naman tayo. 

Cassandra: Hello? Tatlong beses palang natin ginawa to sa buong buhay nating pageensayo. Sure akong mauunawaan nila tayo. 


Fauna: H-hello? S-sure? Cassandra ano na namang mga salita ang sinasambit mo hindi na naman namin maunawaan.
Cassandra: Diba ang cool noh? Tinuruan kasi ako ni inay Lira ng ibang mga salita ng mga tao dahil doon siya lumaki. 


Ang tatlo:*nagtinginan ang tatlo sabay tingin lahat kay Cassandra* Cool? *sabay kamot ng mga ulo*
Cassandra: Bahala na nga kayo jan, sa susunod magpaturo na kayo kay kuya Paopao o sa aking ina. Sa ngayon magpahinga na muna tayo dito.


Habang nagpapahinga ang mga diwani, hindi nila alam na nasundan sila ni Mashna Muros at papalapit na sa kanila.


Muros: *clears throat* Ahhheemmm..

Bigla silang nagulat lahat dahil hindi nila inasahan na matutuntun sila ni mashna Muros.

Cassandra: M-mashna Muros nasundan mo pala kami. Hehe. *sabay tingin sa baba*
Muros: Anong ginagawa nyo rito mga mahal na diwani at diwan Adamus? Sa aking kaalaman, oras pa ng inyong pagsasanay*uupo sana si Adamus pero hindi natuloy*. At wala pa akong pinapaupo at pinagpapahinga *nakatingin kay Adamus*. Kinausap ko lamang ang aking mga kawal ng sandali tapos pagkalingon ko'y gumamit na kayo ng Ivictus para ako'y inyong takasan. *lahat ng mga sang'gre ay nakayuko* Ano na namang sasabihin ng inyong mga magulang kung kakaunting hirap at sakit ng katawan ay sumusuko na kayo? Paano ninyo maipagtatanggol ang inyong mga sarili kung hindi kayo seryoso sa aking mga itinuturo?



Fauna: poltre mashna, kanina ko pa sila pinagsasabihan na mali ang ginawa naming pagtakas muli sa inyo ngunit kay titigas ng kanilang mga ulo. *kibit balikat nyang sabi sabay tingin kay Cassandra at nagtinginan naman silang lahat sa kanya*
Cassandra: Hala sya, parang di naman kayo sumama sa trip ko. FYI pare pareho po tayong tumakas hindi lang ako noh. *sabay isnab kay Fauna*


Fauna: Si Cassandra ang nag-isip mashna—
Cassandra: Aysus! Sumama ka naman— *inaasar si Fauna*
Fauna: Na hindi ko dapat gagawin—
Cassandra: Pero sumama ka parin. *ngumiti at inisnab si Fauna at medyo nainis si Fauna*


Muros: Ssheda! Hindi na importante kung sinong may pakana at sumama. Lahat kayo ay may sala kaya bago pa dumating ang inyong mga magulang sa lugar ng ating pinag sasanayan at nadatnan kayo na wala roon, ako ang malalagot. Tayo na mga diwani, diwan Adamus. *tumalikod at maglalakad na sana pero naramdaman nyang walang sumusunod sa kanya* Kailangan ko pa ba kayong bilangan?*humarap sa mga paslit* nagkatinginan silang lahat Ivre!...... Due!.....

ENCANTADIA Season 2 - The Winter WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon