Part XXX | Pangamba Sa Bantang Inihayag Ni Casilda

808 29 267
                                    

Sa pagsabi ni Casilda noon ay bigla nyang itinaaas ang kanyang palad at biglang nilabas ang brilyante ng nyebe na kanyang pagmamay-ari. At ng makita iyon ng mga Sang'gre ay hindi maitatanggi sa kanilang mukha ang pagkagulat sa kanilang nakita. Hindi nila akalaing mayroong brilyanteng sarili si Casilda na maaari nyang gamitin sa kanila. Sa nakitang ekspresyon ni Casilda sa kanila ay tinawanan nya lamang ang mga diwata.




Casilda: Ngayon pa lamang ay pinaaalalahanan ko na kayo mga Sang'gre, wag na wag ninyo akong mamaliitin. Sapagkat hindi nyo pa ako lubos na kilala, at hindi nyo alam kung gaano ako katagal naghintay para lamang mangyari ang lahat ng ito. At ikaw, minamahal nilang Amihan, balang araw ay kakainin o ang LAHAT ng iyong sinambit sa akin ngayon, Makikita mo.*smirks*


Iyon na ang huling sinambit ni Cassilda sa lahat ng nandoon bago pa sya biglang mawala at lisananin ang Lireo. Nang maglaho ang masamang kakambal ng Bathaluman sa kanilang harapan, hindi pa rin maikukubli ang gulat na reaksyon sa kani-kanilang mga wangis sa lahat ng kanilang nasaksihan at narinig kay Casilda. Pagkadismaya at pangamba naman ang nasa mukha ng Bathaluman, ng harapin nya ang apat na magkakapatid at tinitigan sila sa mga mata. Hindi pa rin naman maiwasan ng apat na magtanong sa kanilang Bathaluman sa lahat ng kanilang nasaksihan.

Pirena: Hindi na ito maganda, Cassopeia. Nabibigay na ng banta ang iyong kapatid!*worried* 

Amihan:*fierce* At dinamay nya pa ako sa kanyang mga balikong pagdadahilan, Bathaluman. Na kahit kailan ay hinding hindi ko naman gagawin sa inyo at sa Encantadia.

Danaya: At hindi lang iyon ang aking ikinababahala, may kakaibang brilyante sya sa atin na pinakita. Na ngayon lamang natin nakilala, at tiyak akong gagamitin nya ito laban sa atin at sa buong Encantadia.*worried*

Alena: Isa pa, batid natin na hindi galing kay Bathalang Emre ang brilyanteng ipinakilala nya sa atin. Dahil hindi magbibigay ang Bathalang Emre ng ganoong klaseng brilyante sa isang nilalang na gagamitin lamang ang kapangyarihan para sa kasamaan at pansariling kagustuhan.*worried*

Cassiopeia:*wisdom symbol lights up on her forehead* Mga Sang'gre, batid nyo naman na hindi lamang si Emre ang may kakayahang lumikha noon ng mga makakapangyarihang brilyante katulad ng mga brilyanteng ibinahagi niya sa atin. Sapagkat hindi lang naman sya ang Bathalang, may malakas na kapangyarihan. Marahil ay ang mga Bathalang salungat sa atin at kay Emre ang pumanig at lumikha ng brilyanteng nasa kamay ng aking kakambal.

Pirena:*fierce* Sina Arde at Ether.

Alena: Hindi iyan imposible, Pirena. May posibilidad na hinikayat nila si Casilda na mas lalong sumalungat sa kabutihan, kaya nila binigyan ng ganong kapangyarihan ang kakambal ng Bathaluman.

Cassiopeia:*wisdom symbol lights up on her forehead* Isa rin iyon sa dahilan ng lalong pagkamuhi sa akin ni Casilda, maaaring inimpluwensyahan siya noon ng mga Bathalang salungat kay Emre na gumawa ng kahindik hindik na bagay. Sa ngayon ay mas kailangan na nating mga-ingat mga Sang'gre, dahil nakikita ko sa aking mata na hindi siya titigil hangga't hindi napapasakamay ng aking kakambal ang kanyang ninanai sa sa atin at sa Encantadia. 

Danaya: Ngunit kahit anong proteksyon ibinigay namin dito sa mga palasyo gamit ang mga brilyante ay hindi na tumatalab sa kanya Cassiopeia, mamaya ay hindi na natin namamalayan na sinugod nya na pala tayo at nagsimula na sya  ng digmaan. Anong maaari nating gawin?

Cassiopeia:*wisdom symbol lights up on her forehead* Huwag kayong mag-alala, kung hindi kayang pigilan ng proteksyon mula sa mga brilyante ang kapangyarihan ni Casilda, maaari kong bigyan ng karagdagang kalasag ang mga palasyo dito. Kilala ko ang aking kakambal, ngunit nawa'y sa aking pagiging Bathaluman ay mapigilan nito ang kakayahan nyang pasukin ito kahit pa nag-iiba ang kanyang wangis.

ENCANTADIA Season 2 - The Winter WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon