Batang lalaki: *sniffs as he cry* M-mahal na Hara, kinuha nila ang ama ko, iligtas nyo sila Hara. Hindi ko nais malaway sa amin ni ina si ama, parang awa nyo na po Hara.
Sa pagpatak ng luha ni Pirena habang tinitingnan nya ang batang Punjabwe ay dahan-dahan itong bumaba at pinantayan ang mukha ng batang lalaki sabay na pinunasan nito ang kanyang mukha na puno ng luha gamit ang ang kanyang mga kamay.
Pirena: Huwag kang mag-alala, ililigtas namin ang iyong ama at lahat ng mga Punjabweng dinakip nila. Tahan na.
Ng bitawan nya ang batang Pubjabwe, tumayo na si Pirena at tumabi sa kanyang asawa na may awang tingin sa mag-inang Punjabwe.
Azulan: Sisiguruhin namin ng mga Hara at Rama ng Encantadia na aayusin namin itong lahat at ibabalik namin ang mga Punjabweng binihag ng mga vedaljeng iyon. Sa ngayon, nais kong sumama muna kayo sa amin at manatili muna sa Hathoria. Mas ligtas kayo roon ng iyong anak, at naroon rin ang ibang mga Punjabweng sumama sa aming manirahan noon.
Babaeng Punjabwe: Avisala Eshma mahal na Rama. *kisses her son's head*
Pirena: Kumapit na kayo sa amin upang tayo ay makaalis na rito, masyado ng mapanganib ang lugar na ito sa inyo ngayon.
Kumapit ang babaeng Punjabwe sa balikat ni Pirena na hawak-hawak ang anak sa isang kamay at si Azulan naman ay sa beywang ng kanyang Hara at sabay-sabay na silang nag-Ivictus pabalik mulinng Hathoria.
= SA SILID NI ALENA SA LIREO =
Masayang nagkukwentuhan sina Alena, Adamus at Khalil na nakahiga sa higaan at yakap yakap ang kanilang ina na katatapos lang sa kanyang mga gawain. Naisipan ni Alena bigyan ng oras ang kanyang mga anak ngayon kahit sandali lamang upang makamusta ang mga ito kahit na sandali lamang. Marahan nyang hinahagod ang buhok nina Adamus at Khalil ng biglang magsalita ang kanyang bunsong anak.
Adamus: *hugging Alena* Ina, alam namin ni Adto na abala ka sa iyong mga gawain, ngunit Avisala Eshma at binigyan nyo pa rin po kami ng panahon ngayon upang makasama ka, sumaya ang araw namin. *smiles*
Alena: Walang anuman aking irog. Kulang pa nga itong panahong inilalaan ko sa inyo ngayon, hindi ko kayo masyadong naasikaso ng iyong Adto kaya patawarin nyo sana si ina. *brushing Adamus' hair as she smiles sadly at Khalil*
Khalil: Ina nauunawaan naman namin ni Adamus iyon, at isa pa kaya na naming alagaan ang aming mga sarili at kaya kong protektahan at alagaan si Adamus. Narito na nga ako upang akayin ka sa kahit anumang bagay hindi ba ina?
Alena: Na syang lubos na ikinalulugod ng aking Corra, anak. Nagpapasalamat ako sa mahal na Emre na ibinalik ka nya upang punan natin ang mga panahong hindi tayo magkasama noon.
Adamus: Oo nga po ina, pangarap ko nga rin pong makilala si Adto Khalil eh. At tsaka masaya na ako ngayon sapagkat hindi na ako matutukso nina Aliyah, Fauna at Cassandra na nag-iisang lalaki sa kanila. *laughs*
Alena: *pinched Adamus' nose gently* Nakikita ko naman na talagang magkasundo kayo ng iyong Adto. *laughs* Naiinggit nga ako sa tuwing magkasama kayo dalawa at inaaliw ang isa't-isa, habang ako'y puro gawain lamang sa Lireo ang aking kaharap lalo na ngayon. *frowns*
Khalil: Huwag kang mag-alala ina, sa susunod ay kami na mismo ang magpapatigil ng iyong gawain upang masamahan mo kami ni Adamus na maglaro sa hardin. *smiles*
Alena: *touches Khalil's cheek* Avisala Eshma Khalil, nasasabik na akong mangyari iyon. *smiles*
Adamus: *looks up at Alena* Ina, kapag po ba dumating ang panahong kailanganin na ng Adamya na may mamumuno sa kanila, maaari bang si Adto muna ang iyong italaga?
BINABASA MO ANG
ENCANTADIA Season 2 - The Winter War
FantasíaMatapos mamalagi at makamit muli ang inaasam na katahimikan ng buong Encantadia, at sa pagsisimula ng kanilang bagong yugto sa bagong panahon, isang hindi na naman inaasahang pangyayari ang magaganap. Isang bagong kalaban pala ang nakatakdang maghim...