Part XXII | Ang Sumpa Ni Casilda Kay Alena

590 29 127
                                    




= BILANGGUAN SA KAHARIAN NG EIRANIA =




Cassiopea:*wisdom sybol lights up on her forehead* Naganap na ang lahat, magbabago na ang takbo ng kapalaran at may higit na masasaktan sa sumpang ikinabit sa kanya ng aking kakambal. Na hindi ko mababatid kung sumpa ngang maituturing iyon ni Alena kapag natuklasan na nya kung anong magagawa ng engkantasyong ibinigay sa kanya ni Casilda.*worried*





= SA BULWAGAN SA KAHARIAN NG EIRANIA =



Pagkatapos isumpa ni Casilda si Alena ay nawalan ng malay ang Hara ng Lireo kaya mabilis naman syang sinalo ni Castrell upang hindi mabagok ang kanyang ulo. Hiniga ni Castrell ang katawan ni Alena sa sahig bago kinausap ang kanyang reyna.

Castrell: Mahal na reyna, anong ginawa nyo sa Hara ng Lireo? Kung sinaktan mo man sya, bakit tila wala akong nakikitang galos o sugat sa kanyang katawan?

Casilda: Sapagkat hindi ko naman talaga siya sinaktan, Castrell. Binigyan ko lamang sya ng isang mumunting sumpa. Kung sumpa nga itong maituturing ni Alena.*wicked smile*

Castrell:*confused* Anong ibig mong sabihin mahal na reyna?

Casilda:*bumalik ng upo sa kanyang trono* Napansin ko ang labis labis nyang pagtingin sa Rama ng Sapiro, simula noong una nya itong nakilala at inibig at lahat ng iyon ay alam ko.*sigh* Ngunit sa kasamaang palad ay umibig ang kanyang pinakamamahal na Rama sa kanyang bayaning kapatid na Hara, na alam kong iyon ang rason sa pagdurugo ng kanyang puso magpahanggang ngayon. Kaya may inilagay akong gayuma sa kanyang mga mata na sa oras na makita at titigan sya ng kanyang iniirog ay mapapamahal itong muli sa kanya, at tiyak akong kapag mangyari muli iyon bago pa dumating ang mga pashneang diwata na nasa mundo ng mga tao ay tiyak na hindi nila matatanggap iyon, lalong lalo na si Amihan na nagbabalik sa mga nabubuhay. At iyon ang aking plano, Castrell. Na sa pagdating ng minamahal na Sang'gre ng Lireo ay sya namang pagkawasak ng kanyang puso't damdamin, na sana'y pinangarap nya na lamang na hindi na sya dapat nagbalik pa sa Encantadia kung ganon lang naman ang kanyang madadatnan. Na ang pinakamamahal nyang Rama, ay muli na namang iibig sa kanyang pinakamamahal na kapatid na si Alena.*wicked laugh*

Castrell: Maganda nga ang iyong naisip mahal na reyna. Kung hindi mo man mapigilan ang pagbabalik ng mga Diwata dito sa Encantadia sapagkat nasa kanila ang susi ng Asnamon na hindi mo kinuha sa Luntaie(savior reffering to Lira), ay sasaktan mo naman ang kanilang mga damdamin lalo na ang Hara Duri-e Amihan. Mas masakit pa sa pagkamatay ang mararamdaman ng Sang'greng iniibig rin ang Rama kapag nakita nyang wala na sa kanya ang pagtingin nito.*villain smile*

Casilda: Tiyak akong magkakagulo at mag-aaway na naman ang magkapatid dahil lamang sa iisang lalaking kanilang iniibig pareho. Sandaling panahon na lamang ay tatalab na ang sumpang ibinigay ko kay Alena.*looks at Alena lying on the ground unconscious* At isa pa, hindi ko lamang ibinalik ang kanyang minamahal na Ybarro noon bagkus binigyan ko na sya muli ng pagkakataong tuparin ang naudlot nyang pangarap na magkaroon ng masayang pamilya.*laughs**sigh* Tunay nga talagang mapaglaro ang tadhana, hindi ba Mashna?

Castrell: Syang tunay mahal na reyna. Hindi ko akalaing makakaabot tayong sa ganito, ang magkaroon ng pag-asa upang gumanti at pahirapan ang mga diwata.*villain smile*

Casilda: Nagsisimula palang tayo, wag kang mababagot pagkat hindi lamang ito ang kaya at maaari nating ihandog sa kanila. Sa ngayon ang tanging plano muna nating gagawin ay saktan ang mga kalooban ng mga parating na diwata at pasayahin naman ang mapagmahal na Hara na ito, at hindi muna tayo gagawa ng anumang hakbang sa Lireo at sa Encantadia. Panonoorin ko muna kung paanong unti-unting mawawasak ang puso ng kanilang Dakilang Amihan.*wicked laugh* Castrell, puntahan at gawin mo muna ang aking ipinag-uutos sa Rama ng Sapiro bago pa ito magising si Alena.

ENCANTADIA Season 2 - The Winter WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon