Part XXXVI | Nandrang Itinalaga Para Sa Paghirang Ng Unang Reyna

553 30 51
                                    

Alena: Cassandra apo, Poltre sa mga sinabi ko kanina. Hindi ko lamang nais na may masamang mangyari sa aking anak.

Cassandra: Ila, wala po yun. Tsaka gets ko naman po kayo eh, syempre po nag-aalala lang po kayo bilang mother dearest ni Adamus.

Alena: Kung gayon, nais mo ba akong samahan sa silid ni Adamus upang gisingin siya mula sa kanyang pagkakahimbing?

Cassandra: Sige po Ila.*smiles*



Ng makapagpaalam si Cassandra sa kanyang ina, kinuha ni Alena ang kamay ni Cassandra upang sabay silang mag-Ivictus papunta sa silid ni Adamus sa Lireo.




= SA SILID NI ADAMUS =





Ng makapag-Ivictus roon sina Alena at Cassandra, nakita nila doon sa tabi ng kama ng nakahigang Adamus sina Fauna at Aliyah na agad namang tumayo ng makita silang dalawa.



Aliyah, Fauna: Cassandra, Ashti Hara!*worried face*





Tumunghay ang mga walang kaalam-alam na mga Diwani kay Adamus na nag-aalala pa rin sa kalagayan nito at ibinalik sa kadarating lamang na sina Cassandra at Alena na walang bakas ng pag-aalala sa kanilang mukha. Umupo si Alena sa gilid ng kama ni Adamus na mahimbing pa rin ang tulog dulot ng ginawa ni Cassandra sa kanya at hinalikan at hinimas ang ulo nito ng dahan dahan. Lumapit si Aliyah kay Alena na hindi malaman ang salitang unang bibigkasin tungkol sa nangyari kay Adamus.



Aliyah: A-ashti H-hara. Nais po naming magpaliwanag sa inyo ni Fauna, tungkol sa nangyari kay Adamus. Hindi po namin alam kung sino ang may kagagawan sa kanya nito, ngunit paniguradong hinahanap na siya sa buong palasyo at siguradong wala na siyang takas.

Fauna: Ashti, Agape Ave sa mga nangyari, batid ko ang pangangambang inyong nadarama ni Cassandra sa mga nangyari kay Adamus. Maging kami ni Aliyah ay hindi pa rin malaman ang gagawin. Poltre kung hindi namin siya naipagtanggol ni Aliyah.*frowns as she bows down her head*



Dahil hindi na mapigilan ni Cassandra ang ngumisi, dahil wala pang kamuwang-muwang ang dalawa sa nangyayari kaya't nagsalita na ito.



Cassandra: Okay na guys? Tapos na ba kayong magspeech? Pwede na kaming magmoment. *small laugh*

Fauna: Cassandra, pati ba naman sa ganitong kalagayan ay nakuha mo pa ring magsaya at manudyo? Maging seryoso ka naman kahit minsan.*scoffs as she rolls her eyes*

Aliyah: Tama si Fauna, Cassandra. Hindi biro ang dinaranas ngayon ni Adamus.

Fauna:*looks at Alena* Ngunit nagtataka lamang ako Ashti, bakit tila ng masilayan mo si Adamus ay hindi ka nagpakita ng pangamba?

Cassandra:*laughs* Saglit lang time first muna guys mag papaliwanag kami ni Ila Alena sa inyo. Wag kayong mag-alala nasa maayos lang na kalagayan si Adamus.

Alena: Natamaan lamang sya ng kapangyarihan ni Cassandra na nakapagpapatulog sa kahit sinong nilalang. Kaya sa ngayon ay nahihimbing lamang ang aking anak, kaya huwag na kayong mabahala, Aliyah, Fauna.*smiles* At nagpapasalamat rin ako sa inyong dalawa pagkat hindi nyo pinabayaan ang inyong pinsan, Avisala Eshma mga Diwani.*touches their cheeks*



Hindi makapaniwala ang dalawa sa sinabi ng kanilang Ashti Hara at nagtinginann sila sa isa't-isa at sabay na tiningnan muli ang natutulog na si Adamus.



Aliyah:*still shock* Ang ibig nyo po bang sabihin sa amin Ashti ay walang masamang tinamo si Adamus? Na magigising na sya anumang saglit?

Alena: Oo Aliyah. Salamat rin sa inyo ni Fauna sapagkat hindi niyo sya pinabayaan, siguradong matutuwa ang inyong mga magulang sa aking ipahahayag sa kanila maya-maya.*smiles* Dahil, nararamdaman kong anumang saglit ay gigising na si Adamus at makakapaglaro kayong muli, hindi ba Cassandra?

ENCANTADIA Season 2 - The Winter WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon