Part XXXIV | Balak Na Paglalakbay Para Sa ala-ala Ng Luntaie

458 30 52
                                    

Paopao: Kung ganon po saan po tutungo si ate Lira mabalik lang yung ala-ala nya?

LilaSari: Maaaring ang batis ng katotohanan ang siyang tinutukoy ng Bathaluman, tama ba ako? Sapagkat ang batis na iyon ay ang muling nagbalik ng aking ala-alang kinuha rin ng Bathalumang Ether sa aking isipan matagal na panahon na ang nakalilipas.

Cassiopeia:*wisdom symbol lights up on her forehead* Hindi ka nagkakamali, LilaSari.*looks at Lira* Kaya Lira, handa ka bang magpunta at lakbayin ang batis na aking tinutukoy mabalik lamang ang lahat ng mga nawaglit sa iyong isipan?

Sa itinanong ni Cassiopeia kay Lira, ay kita ang pangangamba ng kanyang mga magulang na ngayon ay pareho ng nakalapat ang mga palad sa kanyang braso at balikat, maging si Lira ay nagdadalawang isip sa suhestiyon ng Bathaluman sa kanya.

Amihan: Hindi kami papayag na ilagay mo sa alanganin si Lira, Bathaluman. Minsan na siyang nawalay sa akin kaya't hindi ko na hahayaang maulit pa iyong muli. *worriedly looks at Lira then gently embraced her head*

Ybrahim: Sang-ayon ako sa aking mahal, Bathaluman. Lalo pa't hindi mo pa kami hahayaang samahan siya sa kakailanganin nyang paglalakbay.

Lira:*looks at her parents* Pero nay, tay, gusto ko na rin pong mabalik ang memories ko para maka train na ulit ako kasama nina Bessy. Ayoko na rin po kasing naka tengga nalang sa gilid na walang magawa kasi hindi ko alam kung paano gamitin yung kung ano mang powers ko diba, isa lang alam kong magic, yung pag i-Ivictus ko. Ngayon po kasi unti-unti ko ng nafifeel na pabigat lang ako sa Encantadia kung wala naman ako maalala na kaya kong gawin, diba?

Mira: Hindi ka naman pabigat sa amin, Bessy. Nauunawaan ng lahat ang iyong kalagayan ngayon.

Paopao: Oo nga po ate Lira, kahit kailan hinding hindi po namin iisipin na pabigat ka, andami mo na po kayang nagawa para sa Encantadia.

Alena: Ngunit may punto si Lira. Kung hindi siya makikipagsapalaran ay walang mangyayari sa kanya. Isipin nyong sila na nga lang ang natitirang tagapangalaga na ating pag-asa, na makatutulong sa paglaban at pagprotekta sa buong Encantadia.

Amihan: At ano Alena, para ipain ang sarili niya sa patibong ni Casilda na naghihintay lamang sa kanya?

Pirena: Amihan magtiwala ka sa kakayahan at katapangan ni Lira, kung ano man iyang patibong na iyong iniisip tiyak akong malalampasan at malalabanan niya iyon.

Amihan: Ngunit hindi nakasisiguro ang lahat ng katiyakan na inyong sinasabi, maraming posibilidad ang maaaring mangyari sa pagtahak lamang ni Lira sa daang patungo sa batis.*volumes up her voice*

Danaya: Amihan-*hindi na natapos pa dahil kay Muros*

Muros: Sandali lamang mga Sang'gre, mawalang galang na kung aking puputulin ang inyong pag-uusap sapagkat nararamdaman na namin ang pagtataasan ng inyong mga boses, hindi namin nais na dito magsimula ang hindi pagkakaunawaan.

Amihan: Agape Ave, Mashna kung iyon ang iyong naramdaman. Nadala lamang ako sa bugso ng aking damdamin, labis labis lamang ang pangamba at pagmamahal ko kay Lira, maaaring dala na rin ito ng mga mapapait na nakaraan. Alena, Pirena, paumanhin sa aking nasabi. *teary-eyed*

Pirena: Lahat naman kami ay nangangamba para sa aming Hadia, Apwe. Ngunit, sadyang sinusubok lamang tayong lahat ngayon. Tandaan mo, Tagapangalaga si Lira, at gaya nga ng sabi ni Cassiopeia mas ikapapahamak niya ang ipagpatuloy ang laban sa Encantadia ng walang naaalala sa kanyang kakayahan bilang isang Luntaie at Diwata.

Alena: Lalo siyang babantayan ni Casilda at maaari pang gamitin laban sa ating lahat kung mapasakamay niya na naman si Lira dahil sa kakulangan niyang kaalaman upang lumaban.

ENCANTADIA Season 2 - The Winter WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon