Part XVIII | Lahat Ay Mayroong Paraan

507 22 44
                                    

Pagaspas: Ang lagusan ng mga mulawin sa himpapawid, Lira.


Namangha naman si Lira sa sinabi ni Pagaspas sa kanya at nagpapa palakpak.


Lira: Ay ang taray naman pala ng mundo namin cutie birdman, pati pala sa langit may daanan. Mas bet ko yung gate sa langit nakaka anghel ang dating.*hinampas ang braso ni Pagaspas*

Lawiswis: Lira, oo nga't magandang pakinggan ang lagusan ng mga mulawin sa himpapawid ngunit napakadelikado naman nito para sa inyo ang lagusang iyon, pagkat maaari kayong mahimatay dahil malakas at mabilis ang hangin  doon para sa inyo sa ibabaw, na sa sobrang bilis at lakas ay hindi na kayo masyado makakahinga. Tanging mga mulawin na gaya lang namin ang makakatagal doon at dahil na rin siguro sa taas ng lagusan kaya baka mahirapan kaming ilipad kayo roon.

Amihan: Ngunit kung wala ang susi ng Asnamong sinasabi ni Enuo, wala kaming ibang dadaanan pa kundi ang lagusan ninyong mga mulawin. Dahil kailangan na nga talaga naming makabalik sa aming tahanan doon at maaaring hinihintay na kami ng aming mahal sa buhay. 

Khalil: At kung mayroon ngang nangyayaring kaguluhan doon sa Encantadia ay maaari na kaming tumulong sa kanila, kaya wala na talaga tayong lagusang madadaanan pa kundi ang sa inyo.



Nag-isip ng malalim ang mga mulawin sapagkat ayaw lang naman nilang masaktanat mapahamak ang mga diwatang idadaan nila sa kanilang sariling lagusan dahil alam nila na maaaring hindi na makaabot pa nang buhay ang mga iyon kapag idinaan nila doon. Huminga ng malalim si Almiro sa kaiisip ng isang mahalagang desisyon pagkat sa kanila nakasasalalay ang buhay at kaligtasan ng mga diwatang makikipag-sapalaran sa lagusang nasa itaas.



Almiro:*sigh* Ano sa tingin mo ginoong Enuo? Kakayanin ba nila ang bilis at lakas ng hangin sa himpapawid?

Enuo: Kung iyon na lamang ang tanging paraan upang makabalik sila ng Encantadia, makikipagsapalaran nalang tayo sa delikadong lagusan ninyo, Haring Almiro.

Anya: Ayaw sana naming mapahamak ang mga diwatang ito, ngunit kung iyon na nga lamang talaga ang paraan ay wala tayong magagawa kundi subukang makapasok doon nang hindi napapahamak ang mga ito.

Enuo: Kung gayon ay humayo na kayo at aantayin ko na lamang kayo sa aking tirahan, mga mulawin. Dahil iuulat nyo sa akin ang lahat ng mangyayari sa inyo pagkatapos nyo silang ihatid ng Encantadia. At kung maayos naman ba silang makakalapag sa kanilang mundo.

Pagaspas: Makakaasa ka na aming aalagaan ang mga diwatang ito, ginoong Enuo. At babalik kami sa inyong tirahan upang mag-ulat sa inyo kung nagtagumpay ba kami o hindi. Kaya paalam muna sa ngayon.

Enuo: Siguraduhin nyo lamang na walang mga tao ang makakakita sa inyong paglipad maliwanag?


Tumango naman ang lahat ng mga mulawin at pumwesto na sa tatlong diwata kung sino ang kanilang dadalhin at ililipad. Sinigurado na kuna nila na walang taong nakapaligid sa lugar na iyon bago nila tinangal ang mga tabing sa kanilang pakapak at ulo bago sila lumipad at dinala ang tatlong diwata sa kinaroroonan ng lagusan ng mga mulawin.


= SA KAHARIAN NG EIRANIA =



Katatapos lamang bisitahin ni Castrell ang batang sanggreng nakakulong sa isa sa kanilang selda doon sa Eirania dahil sa utos ni Casilda na wag na wag itong matatanggal sa kanilang mga mata dahil gagamitin pa nito ang kaawa-awang Cassandra sa pagpapahirap sa mga damdamin ng mga diwata. Pumunta si Castrell sa bulwagan kung saan nakapuwesto ang trono ni Casilda at pinagmasdan ito nang biglang may nag Ivictus sa kanyang harapan kaya lahat ng kanilang mga kawal na gawa sa nyebe maging sya ay tinutukan ang nilalang nang mag Ivictus nang basta basta sa kanilang palasyo.

ENCANTADIA Season 2 - The Winter WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon