Epilogue (2/2)

1.6K 73 20
                                    

Bottom's Up: Epilogue (Part 2)

Teodus Venturero

This is not me. I am not a risk taker...before! But now?! What did he do to me?! A risk taker, Teodus Venturero started to like Hydrolin Condevilla, not a girl but he makes him happy beyond expectations.

My feelings for him pushed me to go beyond my control and doings. Ngayon ay parang gusto ko na talagang subukan ang lahat kung siya rin naman ang kapalit sa huli.

"Set aside na natin yung yaman mo. Uhm, sobrang guwapo mo, matangkad, responsable, mabait na anak, at unti unti ka nang natututong magluto! Dagdag points. At sure ako na mabuti ka ring boyfriend..." he said and smiled that made my heart flutter.

Napayuko tuloy ako at napakagat sa labi sabay iwas ng tingin dahil parang namula ang mukha ko sa sinabi niya. Halos lahat ng tao ay pinupuri ako pero iba talaga kapag nanggagaling sa kaniya.

"Since topic na natin ang girlfriend boyfriend na yan. Ano bang mga gusto mo sa isang tao? No specific gender na coz you're bisexual..." I queried.

Napasinghap siya sabay tingin sa kawalan na parang iniisip niya pa ang mga gusto niya. Hindi naman mawala ang titig ko sa kaniya lalo na't ngayong nagseseryoso siya samantalang ang puso ko ay walang tigil sa pagkabog. Napalunok ako nang napatingin sa ilong at sa labi niya.

Wala akong pakialam kung hindi siya babae, kung ganito naman ang nararamdaman ko sa kaniya ay handa ko siyang mahalin. Kung noon ay hindi ako naniniwala sa ganitong uri ng atraksyon ay ngayon ay paniwalang paniwala na ako.

It is true that you will fall in love deeper when you witnessed the inner side. Outside beauty is just a decoration that attracts you, inner side is the content that you have to decide if you read or end it.

Also love has no boundaries, basta tinamaan ka at nasapul ka, hindi ka na muling makakabangon pa. Kahit sino pang tao yan, kahit ano pang kasarian niya.

"Wala akong pake sa physical appearance. Basta kaya niya lang akong samahan sa ano mang sitwasyon, malungkot man o masaya, mahirap man o madali. At gusto ko yung pantay ang pagmamahal namin sa isa't isa. Hindi puwedeng mas mahal niya ako, hindi rin puwedeng mas mahal ko siya. Pantay dapat..." he said and boy that was easy!

I can do it! Mas sobra pa sa simpleng bagay na hinihingi niya ang kaya kong ibigay. Oh Teodus, ayan ka naman sa pagiging atat mo eh! Calm down you idiot!

"Kaya ko rin siyang samahan sa kahit anong pagkakataon. In short, sandalan namin ang isa't isa..." aniya.

At siguro, doon niya pinagtibay ang nararamdaman at pagtingin ko sa kaniya. Na doon ko nasabing... Siya na talaga.

Siya ang kailangan ko na hindi ko hiningi pero binigay sa akin. At hindi ko naisip na kakailanganin ko pala.

That's why I made up my mind. Aamin na talaga ako sa kaniya bago pa mahuli ang lahat.

"Hey, Teodus the lonely," tinabig ako ni Dion.

"Ba't ka nandito? Ayaw ko mag volleyball, kayo nalang..." I said then sipped on my beer.

Kaharap ko ngayon ang kalmadong dagat kasama ang papalubog na araw at nagkukulay kahel na langit. Walang humpay ang hampas ng hangin na tumatama sa balat ko at gumugulo sa buhok ko. Nakapamulsa ako habang umiinom ng beer sa tapat ng dagat. Imbes na makihalubilo sa mga pinsan ay ito ang pinili ko.

Nandito kasi kami ngayon sa may Boracay dahil birthday ni Realyn, ang pinsan ko na anak ni Tita Rubylyn at apo ni Lolo Delfin, ang kapatid ng Lolo Valentino ko.

Bottom's Up (Street Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon