Chapter 15

1K 39 1
                                    

Chapter 15: Market

Wala siyang hawak na basket o bayong nang pumasok siya sa wet market kaya baka hindi siya mamamalengke. Baka may bibilhin lang siya.

Pumasok na rin ako at naabutan ko pa siya. Nasa likod niya ako at nakahinto kami dahil hinihintay namin na dumaan ang mga kargador. Pasimple siyang lumingon sa akin at nang nakitang nakatingin ako ay nag iwas siya at tumikhim.

Nakadaan na rin kami at akala ko maglilihis na kami ng daan pero pumasok siya sa hanay ng mga karne at doon din ang punta ko!

As usual, marami na naman ang tinitignan siya at namamangha pa yung iba. Huminto siya sa isang chicken stall. Halos mapabalikwas ang tinderang babae nang makita siya. Nag ayos pa ito ng buhok at naglagay ng lipstick. Ganyan kalakas ang epekto ng isang Venturero. Pero may girlfriend na yan, huwag na silang umasa.

Sa tapat ng chicken stall ay ang beef stall at doon ako bibili. Nagpunta na ako at bumili na ng baka. Bulalo kasi ang gustong ulamin ni Mama at Papa at marunong naman akong magluto nito.

"Thank you po..." saad ko nang ibinigay na sa akin ang sukli.

"Thanks," I heard Teodus.

"Welcome, pogi! Hihi..." ang tindera.

Sabay pa kaming nagkaharap. Tumaas ang kilay niya. Tinignan ko naman ang binili niyang two whole chicken. Umalis na rin ako bigla na parang hindi siya nakita. Naglalakad na ako papunta sa gulayan nang maramdaman ko siya sa likod ko, nakasunod. Baka sa gulayan din siya pupunta kaya hindi ko na siya papansinin.

"Mga tatlong mais din po pala!" dagdag ko nang sabihin ko sa matanda ang bibilhin kong gulay.

"Nay, ano po ba sahog sa adobo at tinola?" tanong ng nasa tabi ko na palang si Teodus.

Parang namangha ang matanda kay Teodus at siya muna ang inuna kaysa yung mais ko!

Tinignan ko si Teodus. He looks out of place in a public wet market. Lahat nalang ng leeg nababali kapag naglalakad siya. At... siya ba ang magluluto ng mga pinamili niya? Suminghot ako at ako nalang ang kumuha ng mais dahil abala ang matanda kay Teodus.

"Naku! Ikaw ba ang magluluto, hijo? Oh eto, kunin mo. May tawad na yan ah! Para sayo!" hagikgik ng matanda.

"Nako, salamat po!" ngisi ni Teodus sabay tingin sa akin at napawi bigla ang ngisi niya.

"Oh, ikaw, hijo? Ayos na yung mais? Ano pa?" ang matanda sa akin.

"Okay na po ito, nay. Magkano po?" giit ko at kinuha na ang pera sa bulsa.

"One fifty pero one thirty nalang sayo, apo! Ikaw din ba ang magluluto niyan?" tanong niya.

"Opo. Salamat po, ito na po." ngiti ko sabay abot sa bayad.

Nagkatinginan ulit kami ni Teodus. Inaayos niya na ang mga gulay na napamili niya at parang ako ang nahihirapan sa bitbit niya dahil ang dami na noon at mukhang may bibilhin pa siya. Bakit kasi hindi niya ipasok yung isang supot sa mas malaking supot para isang bitbitan? Pero...

Bakit ko ba siya pinapakialaman?

"Ang guguwapo niyo at ang sisipag pa! Ang suwerte ng mapapang asawa niyo mga apo!" she said happily.

Sabay pa kaming napakamot sa batok ni Teodus at napangisi dahil sa sinabi ng matanda. Nagkatinginan kami kaya parehong nalusaw ang ngisi namin.

Nauna na akong lumabas sa kaniya sa palengke at akala ko may bibilhin pa siya doon pero nagkasabay na naman kami sa paglabas. Puro supladong tingin lang ang ginagawad namin sa isa't isa.

Bottom's Up (Street Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon