Chapter 18

1K 37 5
                                    

Chapter 18: Game

When we arrived at the school, a bunch of people were already there. Nagtawanan kaming apat dahil mas marami pang estudyante ngayon kaysa sa mga normal na araw kung kailan may klase.

Pormado pa ang ilan at yung iba ay may pa banner pa. Naalala ko ang mga sinabi ng kaklase ko na ganoon din ang gagawin nila bilang suporta sa amin ni Jorie at Adam.

Unang bumaba si Eli at Brandean. Sumunod ay ako at si Jorie tapos si Teodus at Dion na. Automatic na napatingin ang mga tao sa banda namin at may naghiyawan pa nang makita ang dalawang Venturero na mukha naman walang mga pake. Marami rin ang bumati sa amin ni Jorie at sa dalawa.

"Good luck!" tinapik ni Teodus ang likod ni Dion tapos ay tumingin siya sa amin ni Jorie.

"Hey, Jorie. Good luck..." Dion uttered.

Tumango at ngumiti lang ang kabadong si Jorie. Lumapit si Teodus sa akin. He patted my head before he smirked.

"Good luck. Im rooting for you..." he said happily.

Napayuko ako at kinagat ang labi. "Thanks,"

Inakbayan kami ni Dean at Eli at kung ano ano ang sinabi sa amin.

"Huwag kabahan, Jorie! Intrams lang yan, kapag kalaban niyo na ibang school, doon ka nalang kabahan!" giit ni Eli.

"Oo nga. Tingin ka lang sa amin, patatawanin ka namin, ha?!" si Brandean at tinapik ang likod ni Jorie at hinagod.

Kumalas na ako sa akbayan namin. "Ginagawa niyo namang bata si Jorito! Tara na, Jorie! Hoy, Eli at Dean! Sumigaw kayo ah! Kailangan yung mababasag lalamunan niyo!" paalala ko sa mga ito.

"Hindi lang mababasag. Lalabas din!" sigaw ni Eli at nagtawanan kami.

Pumasok na kami at nagkahiwalay na kami ng daraanan pero bago iyon ay bigla nalang akong napalingon kay Teodus. He smiled at me widely and I can't help but to smile too. Papunta kami sa likod ng court at sila Teodus ay sa bleachers naman.

"Nginingiti mo diyan? Hindi ka kinakabahan?" si Jorie nang mapansin ang ngiti ko.

"H-Ha? Siyempre, kinakabahan!" bawi ko.

"Jorie, Hydro, dito na ako. Good luck!" si Dion at pumasok na sa isang pinto kung saan ang mga basketball players.

Nandito kami sa likod ng court at naririnig ko na ang ingay at hiyawan ng mga tao sa may bleachers. May mga sumisigaw pa ng chants bilang suporta. Sumilip kami ni Jorie sa may court at mas lalo lang kami kinabahan dahil sobrang daming tao! Puno ang bleachers! Sa kanang bahagi ng bleachers ay ang mga grade 7 students at grade 10, sa kaliwang bahagi naman ang grade 9 at grade 8. Natanaw ko ang mga kaklase ko at may hawak sila na malaking banner na ang sinasabi ay: Eight Watson's players are the best!!!

Sobrang effort nila dahil may suot pa silang hat at may pa lobo pa! May ilan pa silang hawak na banner na para suporta kay Jorie, kay Adam at sa akin. Jorie and I smiled because we appreciate their efforts. Mas lalo tuloy kaming ginanahan.

Kalahating oras na nagsalita si coach sa amin at may pa libre pa siyang pagkain kaya kumain kami habang nagsasalita siya.

"Kailangan niyong manalo dahil halos lahat ng mapeh teachers ay nagagalingan sa inyo!" aniya.

Tumango tango kami at nang natapos kumain ay nag warm up na kami then we formed a circle. Magkakaakbay kami habang nakayuko dahil nagdadasal kami pagkatapos ay pinagpatong patong namin ang aming mga kamay.

"Grade Eight for the win!!!" we cheered before we go to the court.

Naghiyawan at tilian ang lahat nang lumabas na kami pero hindi pa kami maglalaro. Mga basketball players muna at uupo lang kami sa may gilid para manood dahil pagkatapos ng laban nila ay kami naman.

Bottom's Up (Street Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon