Chapter 4

1.2K 48 2
                                    

Chapter 4: Owe



The one thing I hate and pushed my buttons to plant hatred and anger is the fact that I saved him before but it was negligible for him.

( 5 years ago...)

Grade 4 na ako at kahit kailan, hindi na ako sumama sa mga magulang ko sa Casa Poblacion. Sumasama nalang ako kay Ate sa kung saan man ang lakad niya at kapag ayaw niya ay umiiyak at naglulupasay ako kaya sa huli ay pumapayag na siya.

Nababagot ako minsan dahil mga kasing edad ni Ate ang mga kaibigan niya, gusto ko mang makisali sa usapan nila ay hindi puwede siyempre dahil matatanda na sila at wala akong ideya sa mga sinasabi o pinag uusapan nila. Dala ko lang ang ilang laruan ko at naglalaro mag isa. Gusto ko sanang magpaiwan nalang sa bahay at makipaglaro kina Ipot pero bawal talaga. Wala akong kasama at mapapagalitan si Ate Neon.

Hanggang sa sumapit ang kaarawan ni Lola at kailangan ko nang sumama sa Casa Poblacion. Hindi ko talaga gusto pero nangako naman sila Mama na sa bahay lang kami ni Lola kaya pumayag na ako dahil miss ko na rin naman si Lola at nagtatampo na siya dahil ang tagal na noong huling punta ko doon.

Ganoon nga ang nangyari, nang makarating kami sa Casa Poblacion ay nasa loob lang ako ng bahay ni Lola habang sila ay abala sa pagluluto. Gusto rin kasing mamigay ni Lola ng pagkain sa buong street kaya naghanda ng marami.

Nanonood lang ako ng cartoons habang pinapaandar ang laruang kotse sa sahig. Bigla nalang kumidlat kaya nagulat ako.

Napatingin ako sa labas. Bukas kasi ang pinto at kita ko ang gate. Humahangin nang malakas at nagdidilim. Mukhang uulan pa ata. Birthday pa naman ni Lola tapos uulan? O baka regalo iyon ng langit kay Lola?

Narinig ko ang bell ng nagtitinda ng ice cream. Natuwa ako at nagmamadaling humingi kay Papa ng pera, nagiihaw si Papa sa likod bahay at nagluluto si Mama at Lola. Si Ate Neon ang gumagawa ng panghimagas.

"Saan ka ba bibile, Hydrolin? Baka maligaw ka pa!" giit ni Papa.

"Diyaan lang po sa labas, Papa. Nasa tapat lang po siya ng bahay natin." sabi ko at humawak pa sa damit ni Papa para mangulit.

"Diyaan ka lang sa tapat, Hydrolin ah! Kapag nakabili, pasok agad! Kuha mo?" paaalala ni Papa. Tumango ako ngumiti nang ibigay na niya ang sampung piso.

Tumakbo na ako palabas at binuksan na ang gate. Akala ko, nasa tapat pa rin ng bahay namin ang ice cream pero wala na. Walang tao sa labas, at tinignan ko ang daanan dahil nagbabaka sakali na nandoon pa ang tindero pero wala na akong nakita. Baka nakalabas na sa street na ito at pumunta sa kabila!

Nilingon ko ang bahay namin,  abala sila at hindi na nila ako mapapansin. Hahanapin ko lang naman ang naglalako ng ice cream. Tumakbo ako hanggang sa makarating sa kanto ng street. May mga dumadaan ng tricycle sa harap ko at kapag tumawid ka ay nasa palayan ka na.

Tahimik ang buong paligid, tanging hangin, tunog ng iilang tricycle lang ang maririnig. At ang mga puno at halaman sa harap ko ay sumasayaw, nakikisabay sa hangin.

Tumingin ako sa kaliwa, wala doon. Tumingin naman ako sa kanan at nakitang pumasok ang tindero sa isang street kaya tumakbo ako patungo doon. Hawak ko pa ang laruan kong kotse at trumpo. Nilagay ko ang trumpo sa bulsa ko dahil paano ko mahahawakan ang ice cream?

Habang tumatakbo ay naaninag ko ang paparating na puting van. Hindi ko ito pinansin dahil dadaan lang naman ito pero tumigil ito sa kanto ng street kung saan pumasok yung tindero. Kumunot ang noo ko at naglakad nalang, hindi na tumakbo.

Nakahinto lang ang puting van, walang lumalabas. Nakahinto lang. Hindi ko nalang ito pinansin at lumiko na sa street at natanaw ko na ang tindero.

Bottom's Up (Street Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon