Chapter 3

1.2K 49 5
                                    

Chapter 3: Quarrel

"Oh, ikaw pala yan, Hydro! Bilin sa akin ng Mama mo na ibigay sayo ito..." si Ate Vera, ang isa pang kusinera dito sa mansion.

"Nasaan po si Mama?" tanong ko at kinuha ang pagkain.

"Ah! Kasama ni Madam." aniya. Hindi na ako nagtanong dahil abala sila at ewan ko kung anong mayroon, siguro may mga bisita.

Lumabas na ako dala ang pagkain at naglakad na papunta sa court.

"Hydro!" tawag ni Lance, ang anak ng kasambahay dito.

"Maglalaro kayo basketball?" aniya at tinignan ang dadaanan ko.

"Hindi ako. Sila lang..." sagot ko.

"Talaga? Susunod ako! Tutal tatlo lang naman sila? Akala ko kumpleto na kayo eh!" saad niya na nagpakunot sa noo ko.

"Tatlo?"

"Nagpunta doon si Teodus. Maglalaro din ata basketball. Ang weird nga eh kasi nandito mga kaibigan niya pero nandoon siya sa court?" kamot batok ni Lance.

Tumango ako at nagpatuloy na sa paglalakad. Wala naman akong pake kung nandoon siya, hindi ko naman siya pinapansin at para sa akin, hangin lang siya. I choose to ignore him because I don't like his attitude...before. Alam kong medyo naging mabait na siya ngayon dahil siyempre nagmatured.

Pero kapag malaki ang galit mo sa tao noon, hindi naman ata mawawala iyon nang basta basta. At napagtanto ko na kaya kong magtanim ng galit sa tao, akala ko hindi. Hindi ako basta basta nagpapatawad, hindi ako marupok.

(10 years ago...)

Todo ang iyak ko kay Lola dahil tinukso ako ni Teodus at ng mga kaibigan niya. Pikon na pikon ako at si Lola ay hinahagod ang likod ko para matahan. Si Ate Brenda ay nasa tapat namin, pinapaypayan ako.

"Bakit ka naman nila tatawaging bakla, apo?" si Lola.

"E-Ewan ko po!" hagulgol ko habang nakayakap kay Lola.

Nagkatinginan sila ni Ate Brenda at kahit si Ate ay hindi alam ang sagot. Nandito nalang ako sa sala ng mansion, tahimik na nakaupo katabi si Ate habang hinihintay ko si Lola. Ayaw ko nang lumabas dahil nandoon sila at tutuksuhin na naman ako.

Tumingala ako at nakita ang chandelier. May mga malalaking sofa sa sala. Sa bawat dingding ay may naglalakihang bintana at kurtina na na mas mataas pa sa tao. May malaking TV at kung ano ano pa. Ang gaganda talaga ng mga gamit dito, bago lahat sa paningin ko.

Napatingin ako sa mga dumating. Sila Teodus iyon, masama ang tingin ko sa kanila. Akala ko aasarin nila ako pero tumatawa nalang sila hanggang sa pumasok sila sa isang kuwarto. Nilingon ako ni Teodus at nagbelat ulit siya bago niya isarado ang pinto.

Sama ng ugali mo! Susumbong kita kay Mama! Iyon ang nasa isip ko. Naiirita talaga ako ngayon dahil sa kaniya at kaya ako sumama kay Lola dito dahil akala ko mag eenjoy ako at makakahanap ng kalaro pero galit ang nakuha ko. Maganda ang lugar na ito, pero mas maganda kung wala ang Teodus na iyan dito! Sarap niyang sapakin sa mukha.

Sa isip isip ko ay hindi na ako babalik sa lugar na ito. Pero isang araw ay sinabi nalang ni Mama na dadalaw ulit kami kay Lola. Sabay na kasi ang oras ng pasok nila ni Papa at hindi ako mababantayan ni Ate dahil may pasok siya sa school.

Nagtago ako sa ilalim ng lamesa dahil ayaw ko talagang sumama sa kanila. Sinilip ako ni Mama.

"Hydrolin, walang magbabantay sayo dito---"

"Kaya ko naman pong bantayan sarili ko, Mama..." katwiran ko.

Napasinghap si Mama, hinihila niya ako pero ayaw ko talaga.

Bottom's Up (Street Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon