Chapter 31

1K 36 0
                                    

Chapter 31: Prove


Inaasahan ko na, na mangyayari ito pero hindi ngayon! Kaya gulantang ako at parang hindi pa naging handa. Dahil sa lakas ng loob ay nagawa kong titigan pa ang mga mata niya pero hindi ko na nagawa dahil parang nakakapaso ang tingin niya.

"Gusto kita, Hydro..." ulit niya pero ngayon, mas malinaw.

Napayuko ako at napakagat labi dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Sobrang lapit niya pa sa akin at parang pag nagsalita ako ay mag uutal utal ako.

"Please say something..." he pleaded and he came closer.

I swallowed and step back but I couldn't because the wall is the end. Napatitig nalang ako sa sahig dahil hindi alam ang sasabihin at gagawin.

"Tangina. Kaya ayaw ko pang umamin eh dahil alam kong ganito ang magiging reaksyon mo pero..." aniya at pinadyak ang isang paa na parang naiirita.

Umayos siya nang tayo at hinawakan niya ang siko ko at kinalabit pa ako.

"Hey, please say something..." he almost begged.

Nakailang lunok na ako ngayon at nangangawit na ang ulo ko sa pagyuko para lang hindi siya matignan. Dapat may lakas ng loob ako ngayon dahil sa alak at dahil din alam ko na na gusto niya ako pero ewan ko bakit bigla nalang akong natahimik at kinabahan.

Hinila ako ni Teodus at biglang niyakap nang mahigpit. Gulat na gulat na naman ako at hindi ko alam kung yayakapin ko ba siya pabalik o huwag nalang.

Pero parang gusto ko.

Kumalas siya sa yakap at tinitigan ako sa mata, ganoon na rin ang ginawa ko. He's looking at my eyes gently while he caressing my hand softly.

"Sorry dahil nagustuhan kita---"

"Bakit ka nagsosorry? Ako ba nag sorry noong nagustuhan kita?" putol ko na labis niyang ikinagulat.

Huminga ako nang malalim. "Nagustuhan kita noon, Teodus..." I clarified.

Napakurap siya sabay basa sa labi. "Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

I smiled without humor. "Kapag sinabi ko ba... Magugustuhan mo ako pabalik?"

He swallowed. Natahimik siya nang ilang sandali.

"Pero noon yon. Ngayon, hindi na kita gusto." sambit ko.

Yumuko siya sabay kagat sa labi. "Sayang..."

"Bakit sayang?" tanong ko.

"Kung sinabi mo sa akin noon na gusto mo ako---"

"Mandidiri ka at magagalit sa akin." I concluded.

Kumunot ang noo niya at may dumaang galit sa mga mata niya. Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko pero hindi naman masakit.

"Bakit ako mandidiri, Hydro?! Bakit ako magagalit?!" iritado niyang tanong at lumapit ulit sa akin, hindi na ako nakaatras.

"Kasi hindi ako babae."

"Pero gusto kita," gatong niya na nagpatahimik sa akin.

"Kung sinabi mo sa akin noon na gusto mo ako... Edi sana noon palang, pinag aralan na kitang mahalin..." he said softly.

Nagtagal nalang ang tingin ko sa mga mata niya.

"Dahil sa totoo lang, hindi ka naman mahirap mahalin, Hydro." he added that's why my tears fell in an instant.

"Pero okay lang. Mas gusto naman kita ngayon." he said and smiled. Pinunasan niya ang luha na dumadaloy sa pisngi ko.

"Bakit ka umiiyak?" he asked and continue stopping my tears from falling.

Bottom's Up (Street Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon