Chapter 27

1K 37 1
                                    

Chapter 27: Voice

"Bukas na ang valentines day. Pustahan tayo kung sino mas maraming matatanggap na letters?" hamon ko.

Nandito kami ni Jorie sa isang coffee shop at abala kaming pareho sa pagpaplano at paggawa ng research namin. Papunta palang ang iba naming kagroup.

He sipped on his iced coffee before he shook his head. Mabilis ang pagtitipa niya sa laptop niya. Daming idea talaga ng isang ito.

"Hindi na. Alam naman na natin kung kanino ang pinakamarami," he bragged.

I rolled my eyes. "Hoy! Noong last year, ikaw pinakamaraming natanggap. Pero noong grade 8, ako!!!" laban ko.

Ngumisi siya. "Kasi, bago palang ako noon..." aniya.

Magbubunganga na sana ako sa kaniya kaso may bigla siyang nginuso. It was like he's pointing out someone. Nilingon ko iyon at bahagyang nagulat dahil nandito pala si Teodus. Nasa bandang dulo siya kaya hindi namin napansin kanina. Mag isa lang siya. Kaharap niya ang kaniyang laptop at sa gilid ang iced coffee at croissant at sa kabilang gilid ang mga papel. He's wearing a white branded T-shirt, a stripe trouser and his usual balenciaga triple s but it was white.

I noticed that he was busy these past few weeks because I guess, he's gradwaiting. And its good that he's taking his study very very serious.

"Anong strand niya? ABM? Buti nalang HUMSS kukunin natin," singhap ni Jorie. Bumalik na ang tingin ko sa kaniya at humigop sa iced coffee.

"Oo nga eh. Si Brandean din laging busy..."  I said when I remembered Brandean always excusing that he's busy. And I guess he was.

"Oo. Si Eli din eh. Ang ingay niya sa group chat natin. Puro daw sila coding at laging computer ang kaharap..." gatong ni Jorie.

I nodded and laughed. "Malamang. Nasa ICT siya eh, bobo talaga!" halakhak ko.

Maya maya lang ay dumating na ang mga kagrupo namin. Tatlo kaming lalaki sa group at dalawang babae. Responsible naman sila at super ang cooperation nila sa research na ito. Close rin namin ni Jorie ang mga kagrupo namin kaya no hassle and uncomfortable atmosphere.

"Ready?" sambit ni Jessi, ang isang kagrupo namin na medyo kalog pero matalino.

"Yes!!!" sigaw naming lahat at nagunat unat na at nagpatunog na ng mga daliri. Nagpusod na rin ng buhok si Jessi at May pagkatapos ay nagsimula na kami sa paggawa.

Ang saya lang at nadadagdagan ang sipag ko dahil lahat kami ay nagsheshare ng ideas at mariin naming pinapakinggan ang ideya ng bawat isa. Si Jorie ang napili naming leader dahil deserve niya naman. Siya lagi ang nagpapaliwanag at kaming lahat ay isa isang nagdadagdag ng detalye at idea. I swear, this is the ideal group! Sana sa research namin sa senior high ay ganito ulit ang mga kagrupo ko!

Halos dalawang oras kaming nagtrabaho para sa research. Mabuti nalang din at may tig iisa kaming laptop kaya mas convenient. Hinilot ko ang batok at inikot ang ulo sabay unat dahil natapos na ako sa ginagawa ko.

Humikab naman ang iba kong kagrupo at nag unat unat na rin. Si Jorie nalang ngayon ang abala pa rin at tinutulungan siya ni Den, ang shy type but cute naming kagroup din.

Nakita kong siniko ni May si Jessi sabay may itinuro si May. Tinignan ni Jessi iyon at tinignan ko na rin. Si Teodus ang itinuro ni May. Tahimik silang nagtilian at naghampasan.

"Crush niyo si Teodus?" ngisi ko.

Hinarap nila ako at namumula na ang pagmumukha nila sabay tango.

"Super!!! Alam mo ba siya wallpaper ko sa cellphone!? Sobrang guwapo niya!!!" hiyaw ni Jessi.

"And hot also! Shet ang ideal! Parang model!" gatong ni May.

Bottom's Up (Street Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon