Chapter 33

1K 37 4
                                    

Chapter 33: Miss

The month of May ended happily. Noong May 25 ay birthday ni Eli at nilibre niya lang kaming kumain at arcades. At kaming dalawa ni Teodus ay kung hindi kami nanonood ng movie sa kuwarto niya o naglalaro ng PS4 ay umaalis naman kami at gumagala sa kung saan.

"Next time, magtravel naman tayo," sambit niya noong pauwi na kami galing sa isang amusement park.

"Puwede. Kapag may trabaho na tayo?" sambit ko. Seryoso siyang nagmamaneho at ako ay kumakain ng cotton candy.

"Hmm. Kapag may trabaho na ako, let's travel around the world pero next year ay sa mga local beach muna tayo..." aniya.

Medyo namangha ako sa ideya niyang iyon at nakaramdam ako ng excitement. Tumango tango ako sa sinabi niya at napangisi naman siya sabay buka sa bibig niya, senyales na subuan ko siya ng cotton candy at ganoon ang ginawa ko.

"Talaga? Excited ako!" I said enthusiastically.

He smiled and nodded. "I promise you..." he said and winked boyishly at ako na naman itong nag iiwas ng tingin para pigilan ang pagngiti nang malaki.

Ikatlong linggo na ngayon ng Hunyo at dalawang linggo nalang ay pasukan na namin ni Jorie. Nag enrol na kami noong April palang at sinamahan kami ni Eli at nagpaschool tour pa kami.

Hindi rin naiiba ang laki ng Abad Santos sa Casa High School. Nakapalibot ang mga building at katulad sa CHS. Sama sama ang grade 11 sa iisang building pero magkakaiba ng strand. Sa bawat palapag ay may limang kuwarto at ang una at pangalawang palapag ay kuwarto ng mga HUMSS students, tapos ang natirang dalawang palapag ay sa ABM na. Kumbaga may tig dalawang building ang grade 11 at grade 12 at yung ibang building ay para na sa mga vocational at sports track ang pinili.

Jorie and I are both excited yet nervous. Gusto namin maging kaklase ang isa't isa at mukhang hindi malabo na mangyari iyon dahil ang sabi ni Eli ay kapag sabay kayong nag enrol ay mataas ang possibility na maging magkaklase and that helps to ease our nervousness.

(2 months later...)

Tagaktak ang aking pawis pero mas matindi pa rin ang determinasyon ko na manalo kami. Nilingon ako ni Jorie, nagtanguan kami sa isa't isa at bumuwelo na rin siya.

Nang naipasa na sa amin ang bola ay sinalo agad ito ng kateam namin at nang na kay Jorie na ang bola at nang ipasaere niya na ito ay buong lakas ko itong binayo.

"Good job!!!" sigaw ng coach namin. Nag apiran kami ng mga kateam namin at bumalik na ulit sa puwesto.

Nagpatuloy ang seryoso at tensyonadong laro sa pagitan namin na grade 11 HUMSS at Grade 11 ABM. Naririnig ko na rin ang mga suporta ng kaklase namin at ang malakas na sigaw ni Eli, Teodus at Dion.

Matapos ang kalahating oras at ilang minuto nalang ang natitira kaya mas lalo kong pinag igihan at nang naset na ni Jorie ang bola ay bumuwelo ako sabay talon saka hampas nang malakas sa bola at hindi ito nasalo ng kalaban namin.

We won.

Nagtatalon kami sa tuwa habang akbay ang isa't isa. Dinumog na kami ng mga kaklase at kaibigan namin para bumati at icheer kami. Pumila na rin kami para ibigay ang medalya at sertipiko. Nagtagal ng halos isang oras ang pakikipagusap namin sa lahat ng kaibigan at kaklase na sumuporta, nang natapos ay lumabas na kami ng school.

"Saan niyo gusto kumain?" tanong ni Dion pero kay Jorie nakatingin, so kumbaga si Jorie lang ang tinanong niya!

"Sa may coffee shop nalang para malapit," sagot ni Jorie at tumango naman ako habang nagpupunas ng pawis. Nagkatinginan kami ni Teodus at kunot ang noo niya. Magtatanong na sana ako kung bakit pero bigla siyang lumapit at biglang inalis ang mga papel na galing sa confetti na nasa ulo ko.

Bottom's Up (Street Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon