Prologue

3.7K 63 7
                                    

Bottom's Up: Prologue


"Bottoms Up! Bottoms Up!" my friends cheered.

Mabilis kong nilagok ang isang hindi pamilyar na alak at nanuot ka agad sa lalamunan ko ang pait nito. Inabutan ako ni Ivan ng lemon at hindi ko alam para saan iyon pero kumagat nalang ako sa lemon at medyo nawala ang pait dahil lumasa ang asim. Tinignan ko ang brand na iniinom namin. Cuervo. Hindi ko nga kilala ito dahil mayayaman lang ang nakakabili nito. Red horse at empi palang ang alam ko dahil... Grade 8 palang ako!

Malay ko ba sa mga pangalan ng alak na yan. Ang nakikita ko lang na iniinom ni Papa at minsan ng mga kaibigan ng Ate ko ay yung red horse nga at empi o di kaya san ginebra na hinahalo sa tang powder juice. Well, mayaman din kasi itong kaibigan ko na ito at grade 10 na sila kaya siguro pinapayagan na silang uminom?

"Nice, Hydro!" sambit ng katabi kong si Ivan. Nag high five kami at siya naman ang nacheered dahil siya na ang iinom ng alak.

Marami akong kaibigan sa grade 10 at halos lahat sila ay close ko na. Ayaw ko sanang sumama dito pero mapilit sila at nagtampo pa si Ace, ang may birthday kaya wala na akong nagawa. Ang paalam ko kay Mama ay gagawa ng project.

"Isang linggo palang ang nakakalipas mula noong pasukan niyo, may project na agad?" giit ni Mama.

Napapikit ako. That's invalid reason. May punto nga naman si Mama. Puwede naman na akong matulog at hindi na sumama pero kukulitin nila ako bukas at makokonsensya pa ako dahil nangako ako kay Ace.

"Mayroon nga, Ma. Mahirap siya kaya sisimulan na namin ngayon," pambawi ko.

"At anong oras ka naman uuwi?" si Papa.

"Uhm... Ten?"

"Ha?! Aba bakit ganoong oras ka uuwi?" histerya si Mama.

"O sige nine!" I said frustratingly.

Nagtama ang mata namin ni Ate Neon. Sinusuri niya ako at parang kung tignan niya ako ay parang hindi siya naniniwala. Nanliit ang mga mata niya at ngumisi. Hindi nga talaga siya naniniwala.

"Project ba talaga, Hydrolin?" sabat ni Ate.

Binilisan ko ang pag-kain at nang natapos ay nilagay ko na ito sa lababo at uminom ng tubig. Aalis na ako dahil mang uusisa na si Ate hanggang sa malaman nila Mama na hindi totoo ang dahilan ko!

Alas sais ako umalis sa bahay at mag aalas otso na at nahihilo na rin ako dahil walang preno ang bibig ko sa kakadaldal sa mga kaibigan ko kaya siguro tinamaan na ako ng alak ngayon.

"Crush ko kaya yan si Hydro. Chic boy yan ng grade 8 eh!" sambit ni Yna.

"Shut up, Yna. Hindi tayo talo..." agap ko.

"Ay oo nga pala at bisexual ka? Pero talo pa rin tayo kasi puwede kang mainlove sa akin kasi hindi ka naman bakla! Bisexual lang?" giit pa ni Yna.

"Mas matanda ka sa akin..." sagot ko.

Magsasalita pa sana siya pero natigil kami dahil may mga dumating pang bisita si Ace. Nandito kami sa swimming pool area ng bahay nila Ace at sabay sabay naming nilingon ang dumating.

Ang dalawang Venturero iyon. Si Teodus Venturero at ang pinsan niyang si Froilan Venturero. They're both handsome while  walking towards us. Maraming natahimik na mga babae dahil crush nila si Teodus o Froilan. Tumayo naman si Ace para salubungin ang dalawa.

"Hoy, Tagay!" sigaw ko para matauhan ang mga girls dahil natatameme na!

"Uy, Hydro..." si Froilan nang nakalapit. Tumango lang ako sa kaniya at medyo nakaramdam ng hiya. Alam nilang bata pa ako pero nandito na ako.

Bottom's Up (Street Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon