Chapter 32

1.1K 43 2
                                    

Chapter 32: Birthday



"Happy Birthday, Hydro," he greeted when I opened the door.

Akala ko kung sino ang kumakatok nang pagkaaga aga. Siya pala. I smiled widely and let him go inside.

"Maligo ka na, aalis tayo," aniya at sumalampak sa sala namin.

"H-Huh? Saan tayo pupunta?" malat pa ang boses ko. Nagtungo na ako sa kusina para magtimpla ng kape pero sumunod siya sa akin at pinigilan ako.

"Sa coffee shop tayo mag aalmusal. Maligo ka na," he insisted and he get my towel and start pushing me.

"Make it faster," he said and smirked.

Sinara ko na ang pinto ng banyo pero hindi ko maalis ang ngiti sa labi ko kahit na noong tapos na ako maligo. Paglabas ko ay nakatapis lang ako ng tuwalya. Naabutan ko siyang nakaupo sa sofa habang may kausap sa cellphone. His stare landed on my body. Nagtaas siya ng kilay at may papatubo ng ngisi sa labi niya.

I crossed my arms as if I have boobs! But I have nipples! Nagmamadali akong pumasok sa kuwarto ko bago pa may masabi ang Teodus na iyon na kabaliwan.

He's wearing a khaki shorts, and off-white Tshirt and sneakers. Kaya iyon nalang ang ginawa kong reference para sa outfit ko ngayon. Then I found the T-shirt from luxury brand that he gave. Iyon nalang at jeans tapos sneakers and Im done.

Lumabas na ako sa kuwarto dahil nakaayos na ako at maglalagay nalang ng gel sa buhok tapos suklay. Naabutan kong nakahilig ang ulo ni Teodus sa backrest ng sofa, nakatingala at nakapikit. Napatingin ako sa wall clock.

Alas siyete palang. Anong oras kaya ito nagising? For sure mga 5am kasi isang oras ito kung mag ayos na akala mo babae at nag agahan pa plus ginawa pa ang morning routine niya.

So... He woke up early for this? Because it's my birthday? Thinking about it makes me happy and kilig.

Nang natapos na ako ay umupo na ako sa tabi niya tapos marahan siyang kinalabit. Dahan dahan niyang dinilat ang mata pero hindi pa bumangon. Nilingon niya ako at tinitigan muna. I smiled and mouthed. "Let's go?"

He held my hand abruptly. Medyo nagulat pa ako pero sa huli ay ngumiti. Bakit ba hindi pa rin mag sink in sa akin ang lahat ng ito. Marami na siyang effort at suporta na ginawa sa loob lamang ng ilang buwan. At lahat iyon ay na-appreciate ko, sobra sobra. He's really serious on showing to me that he like me. Kulang na nga lang ay araw araw niya iyong gawin.

"Let's stay here for about 20 minutes..." he whispered then he pulled me.

Kaya napahiga ako sa braso niya at magkalapit na ngayon ang mukha namin. Mabibigat ang paghinga naming dalawa at masuyo niya akong tinitignan.

"Bakit?" tanong ko.

"Nothing. I just want us to have a moment privately before we go," sambit niya, nakatingin siya sa labi ko.

Na conscious tuloy ako kaya hinawakan ko ang labi. Napangisi naman siya at natawa.

"Ayos lang ang labi mo. I just couldn't stop myself from staring..." he said and bit his lip.

We stayed at this position for about 20 minutes. Nakinig lang ako sa mga kuwento niya at ganoon din siya sa akin at pagkatapos noon ay umalis na kami.

Habang nasa sasakyan kami ay hindi ko mapigilan ang tumitig sa kaniya dahil parang ang ginagawa namin ngayon ay gawain na ng isang...

Ugh, don't want to say it in the mean time.

Sa isang malaking coffee shop sa may Santa Rosa kami pumunta. Akala ko sa usual coffee shop na kinakainan namin. Mabuti naman at malayo layo para walang mang abalang kakilala sa amin pero mukhang kaibigan ni Teodus ang may ari!

Bottom's Up (Street Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon