Chapter 20

1K 44 2
                                    

Chapter 20: Easier


Maybe just a friends. After all the hate and anger there's friendship.

That's it.

Hindi sa kung ano pang dahilan kaya ko ito nararamdaman. Iyon nalang ang ipapasok ko sa utak ko. Dahil iyon naman talaga ang dapat...

Ang maging kaibigan lang siya at wala ng iba pa. Kaya lilipas din itong mga nararamdaman ko na binuhay niya, hindi rin ito magtatagal.

At siguro, mas maganda nga na ganoon nalang ang trato namin sa isa't isa at bakit ba kasi ganoon nalang ang mga pinakita niya sa mga nakalipas na araw.

Nagustuhan ko tuloy siya.

(7 Months later...)

"Smile everyone!" the photographer said as he clicked the camera.

We both gave our wide and boyish smile. Inakbayan namin ang isa't isa habang nakangiti dahil sa sunod sunod na pagkuha ng litrato. Kinagat din namin ang medalya namin at nag jump shot pa kaming apat.

Today is the recognition day. With honors ako, si Jorie, si Brandean at si Eli. Nagtagal ng ilang minuto ang pagkuha sa amin ng litrato pagkatapos ay pumunta na kami sa isang restaurant bilang celebration kasama ang aming mga magulang.

"Congrats to us! To Eli, buti nakabawi ka, pre!" si Dean sabay tapik sa likod ni Eli.

"Siyempre! Hindi puwedeng kayo lang, dapat ako din!" ani Eli.

Umakbay ako kay Jorie na busy sa pagkain niya. Ngumiti kami sa isa't isa.

"Salamat, Jorie. Sa sobra sobrang tulong mo!" madrama kong sabi dito. Natawa naman siya at tinulak niya ako.

"Tumigil ka nga, ang OA mo..." halakhak niya.

"Sa totoo lang, Jorie! Salamat talaga... Pakiss nga..." biro ko at lalapit na sana ang nguso sa pisngi niya pero nagtakip siya ng fried chicken at iyon ang nakagat ko.

"Magaling ka, kaya ka nagka medal!" giit ni Jorie.

"Aw..." si Dean at Eli na matakaw na kumakain. Busog na ako at ice cream nalang ang nilalantakan. Ang mga magulang namin ay nasa kabilang lamesa.

Pero ang totoo talaga ay tinulungan ako ni Jorie sa lahat kaya mas naging posible na magkaroon ako ng medal. Siyempre sa tulong din ni Brandean.

"Grade 9 na kayo! Good luck!" Dean said.

Jorie and I sighed and nodded. Medyo nalulungkot ako dahil baka hindi ko na siya maging kaklase kaya ngayon palang ay magdadasal na ako nang lubusan.

"Graduating na kayo! Saan kayo mag senior?" tanong ko.

"Baka sa Abad Santos?" Eli was not sure with his answer.

"Hindi sure? Eh ikaw, Dean?"

He just shrugged and made a face. "Not sure,"

Napasinghap ako dahil walang nakuha na matinong sagot.

"Huwag nalang kaya kayo mag aral?" I mocked them.

Ngumiwi si Jorie. "May mga tao talaga na hindi pa sigurado, Hydro..." he nagged.

Halos irapan ko siya. "Whatever. Ako kasi, sure na kung saan ako mag aaral sa senior," I bragged.

"Ikaw yun, kami hindi." Eli smirked.

Binato ko siya ng tissue. Binato niya rin ako at doon na nagsimula ang asaran namin at hindi naman kami inawat ng dalawa dahil nag usap nalang sila, sinasagot ni Brandean ang mga tanong ni Jorie tungkol sa mga magiging lessons sa grade 9.

Bottom's Up (Street Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon