Chapter 26

1K 36 3
                                    

Chapter 26: Standards

The remaining days of the year spent well and we face the new year with so much positivity and hope.

Sobrang bilis ng oras na hindi namin namamalayan na pasukan na pala bukas. Linggo ngayon at nandito kami sa court. Like usual, kumakain lang kami ni Jorie habang nanonood sa kanila na naglalaro ng basketball.

Nilingon ako ni Teodus at ngumiti siya. Ganoon din ang ginawa ko at pinakita sa kaniya ang juice dahil baka nauuhaw na siya. Pinasa niya ang bola kay Dion at tumakbo palapit sa akin sabay kuha sa juice.

"Pasukan niyo na bukas," he said.

Jorie nodded. "Bilis nga eh,"

"Ilang buwan nalang naman ah?" Teodus replied.

"Kaya nga pero parang kulang ang holiday break. Hay!!!" Jorie sighed heavily.

"Himala tinatamad kang pumasok?" siniko ko siya.

Natawa naman siya. "Wala. Katamad lang..."

Tumawa kami ni Teodus at napailing nalang.

"Nga pala, Hydro. Marunong ka ba magluto ng sinigang?" biglang tanong ni Teodus sa akin.

Mayabang akong tumango. "Siyempre,"

"Nice! Edi turuan mo ako. Magluluto ako mamaya," aniya.

"Para saan naman ang lulutuin mo?"

"Para sa'yo--- sa inyo, pala. Para sa inyo!" he said and he laughed awkwardly.

"Ah sige. Ngayon na ba?"

He smiled. "Pagkatapos namin,"

Ganoon nga ang nangyari pagkatapos nilang maglaro. Tinawag ako ni Teodus sa kusina nang natapos na sila sa paglalaro. Hindi ko na kasi siya nahintay sa court dahil inutusan ako ni Mama.

"Hydro, tara..." he called. Tumango ako at tumayo na at naglakad palapit sa kaniya.

Nang makalabas sa kitchen ay akala ko ayos na siya o nakabihis na pero hindi pa pala. Pawisan pa siya at naka jersey sando at short pa din siya, sa balikat niya ay nakasampay ang bimpo.

"Ganyan ka lang?" I uttered then I surveyed his body.

"Of course not! Maliligo pa ako, tara samahan mo ako!" aniya at mabilis akong hinila sa taas.

"H-Huh? Sasamahan kita maligo?!" I said shockingly.

He laughed boyishly. "Gusto mo ba? Ayos lang sa akin---"

"Shut up. Manonood nalang ako ng TV habang hinihintay ka. Bilisan mo ah!" I ordered.

"Siyempre!"

Kahit hindi naman dito ang mansion nila Teodus, may sariling kuwarto siya dito at ewan ko kung bakit madalas siya dito gayong may sarili naman silang mansion.

Kaya nang nakapasok na kami sa kuwarto niya ay iyon agad ang tinanong ko habang nililibot ang tingin sa buong kuwarto niya.

"May sarili kayong mansion ah? Bakit ka nandito?" I inquired.

"Boring doon. Halos parating walang tao," he answered.

"Dito rin naman ah," sagot ko.

"At least dito may iilang tao, doon halos kami lang ni Froilan eh," sabi niya na parang nagrereklamo sa akin.

Pagbukas ng pinto ay bubungad ang malaking kama at sa harap ng kama ay may sofa at coffee table tapos flat screen TV. Sa gilid ay ang study table niya kung saan ang kaniyang personal computer, mini book shelf, at iba pang gadgets niya.

Bottom's Up (Street Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon