Chapter 11

1K 46 3
                                    

Chapter 11: Insist

Kinatok ko na ang kuwarto ni Dion. Nakatingin pa rin ako sa dinaanan ni Teodus habang kinakatok ang pinto. Hindi ko na namalayan na napapalakas na pala ang katok ko.

"What the fuck?!" Dion opened his door frustratingly.

At halos makotongan ko na ang noo niya! Kinuha niya lang ang kamao ko. Nagkatitigan kami at agad kong binawi ang kamay ko. Nakasando siya at boxer shorts, magulo pa ang buhok at nagkukusot ng mata.

"What?!" aniya, iritado.

"Pinababa ka sa sala!" giit ko. He nodded and he shut the door.

Halos mapapapikit pa ako dahil sa lakas non. Umamba akong sasapakin ang pinto pero lumabas na siya kaya bigla kong binaba ang kamay at ngumiti sa kaniya.

"Morning, pre!" saad ko. Tumango siya sa akin at sabay na kaming bumaba.

Buti pa itong si Dion, saglit lang mairita pero mabait na sa huli. Hindi ako makapaniwala na nilipat siya dito, sa Casa Poblacion at sa public school pa! Ang sabi ay gulo ang dala niya sa private school doon sa Sta. Rosa kaya dito nilipat dito para madala. Mabait naman si Dion, magaling makisama. Noon pa man ay pumupunta na siya dito kaya nasasabi ko na mabait siyang tao at ngayon, dito na siya titira at mag aaral.

He has a tanned skin, not so thick red lips, almond eyes and long eyelashes and thick eyebrows. Ang isang kilay niya ay may hiwa pa sa gilid. Bad boy type, street type, cool type, name it. Matangkad siya nang kaunti kay Teodus at maganda din ang katawan niya. Tamang tama lang sa edad niya.

I can say that all the Venturero heirs are all good looking. Magkakaiba lang sila ng dating pero pare parehong guwapo. At ang dating ni Dion ay lalaking lalaki at mukhang sa babae lang talaga siya maiinlove.

Well, my point is, some boys may fall in love to gays or bisexual, like they're straight at the start but ending up falling in love at the same gender. And you can tell by looking at their faces, you can make hunch and perspective.

But, at the time like this, its rare. Dahil karamihan, bisexual falling in love to bisexual or gay and straight guy falling in love to a straight girl. Because as they said, that's how it supposed to be. But who knows? Especially when cupid's bow hit you. And love has a power to change people.

Mas magaan ang loob ko sa kaniya kaysa doon sa Teodus na yun. Dapat si Teodus nalang ang sa Sta. Rosa at itong si Dion ang dapat nakilala ko noong bata.

"Naglalaro sila Brandean ng basketball?" he asked.

"Oo. Sali ka ba? Punta ka nalang doon!" sambit ko. Tumango siya bago lumiko papunta sa sala at ako, sa kusina.

Halos dalawang oras na din ako sa kusina, kumakain ng ubas habang naghihimay at naghihiwa minsan ng gulay at karne. Gustong gusto rin ng mga kusinera na nandito ako dahil may mauutusan sila. Masunuring bata ata ito!

Napalingon nalang ako sa double glass door dahil nakakarinig ako ng yabag. Papasok na sa kusina si Brandean at...may kasama siyang guwapong lalaki. Halos pareho kami ng height, at tingin ko ang weight din dahil halos pareho kami ng pangangatawan! Medyo maputi siya, pinkish ang labi niya, maliit na matangos ang ilong, at ang mata ay parang pamilyar. Parang mata ni Ate Vera! So... Anak niya ito? Guwapo ah.

"Uy, Brandean!" saad ko. Pero doon ako sa anak ni Ate Vera nakatingin. He's handsome and tall. Laking Maynila at parang naniniwala na ako na mas guwapo ang mga taga Maynila kaysa sa probinsya pero mas guwapo pa din mga Venturero sa lahat.

Lumakad sila papalapit. Napakurap ako dahil parang may naramdaman at napansin ako. O baka guni guni ko lang? Pero ang tipid at hinhin ng kilos niya. Pansin ko na mahiyain din siya and I wonder how Dean handle him? Bakit nga pala sila magkasama?

Bottom's Up (Street Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon