Chapter 19

1.1K 36 1
                                    

Chapter 19: Friends



Bakit ba ganoon ang inaasahan ko? At una sa lahat bakit ganoon ang mga iniisip ko?

Naglalakad na kami ni Jorie palabas sa mansion dala niya na ang gamit niya na kinuha niya sa library. Nag uunat unat siya habang naglalakad kami samantalang ako ay tulala at pinoproseso ang mga nangyayari sa akin.

"Napikon din ako sa mga grade 9 kanina pero hindi ko naman kaya makipag away. Buti nalang sinagot mo, Hydro..."

"Siyaka totoo nga yung sabi ni Jenmar, mukhang nagpapasikat lang sila, hindi naglalaro siyaka wala silang unity..."

"Hydro!!!" tinulak ako ni Jorie.

"H-Ha? Ano?"

"Nakikinig ka ba sa sinasabi ko?! Sasabihan mo ako na parang tanga kapag tulala eh ikaw din!" bulyaw niya.

Napawi ang iniisip ko at natawa sa sinabi niya. At ang cute magalit ni Jorie. Siguro minsan ko lang din siya makita na iritado at ang sarap niya pala iritahin.

Umakbay nalang ako sa kaniya sabay pisil sa pisngi niya.

"Kuwento mo nalang ulit mamaya. Doon tayo sa bahay namin, kain tayo!" aya ko sa kaniya at masaya naman siyang tumango dahil wala rin naman siyang gagawin daw sa bahay nila.

Ganoon nga ang nangyari, pagkatapos niyang umuwi sa kanila ay dumiretso agad siya sa amin gamit ang bike niya. He's wearing a track pants and oversized tshirt. Napatingin ako sa suot ko dahil pareho kami.

Nagluto muna kami ng carbonara dahil may mga sahog naman dito sa bahay namin at tawanan kami nang tawanan habang pinaguusapan ang nakakatawang pangyayari kanina sa laro. Hanggang sa matapos kami sa pagluluto.

"Teka, walang tinapay? Bili ka tinapay tapos gawa tayo garlic bread!" saad ni Jorie nang nasa lamesa na kami.

"Kailangan pa ba noon? May biko na tayo siyaka minatamis na saging oh," sagot ko sabay turo sa mga binanggit kong pagkain.

"Hindi naman dessert eh! Pang paganda lang!" aniya.

Sumuko na ako at hinayaan na siya. Ang lalaking ito, ang daming alam.

"Ako nalang bibili." giit ko at tumayo na.

"O sige. Ako sana bibili eh pero buti nalang nagpresinta ka kasi tinatamad ako," he smirked happily.

"Ha? Huhugasan mo mga pinaglutuan natin! Akala mo ah!" I smirked too.

Nalukot ang mukha niya at tumayo na rin. "Tss...Oo na! Bilisan mo lang ah!" aniya.

"Okay. Hugas well..." paalam ko.

Sa huling kalye pa ang bakery at may mini market din doon. Doon ang daanan din papunta sa Parke ng Casa. Nilabas ko na ang bike at sumakay na dito.

Tumingala ako at kahit alas kuwatro palang ay medyo nagdidilim na o baka may paparating na ulan mamaya. Sana nga para mapasarap ang tulog ko at sigurado ako na mahaba haba iyon dahil pagod ako. Pero mahina lang naman na ulan dahil alam ko naman na maraming naghihirap at napeperwisyo kapag may bagyo, lalo na ang palayan dito sa Casa Poblacion.

Binaybay ko na ang daan at sa may palayan ay binati ko ang ilang magsasaka na kakilala ko. Kumaway sila sa akin at matamis akong ngumiti sa kanila.

Mabilis naman ako nakarating at bumili ng isang loaf bread pagkatapos ay umalis na din ako pero natanaw ko na maraming tao at mga bata na naglalaro sa Parke ng Casa, kapag ganito talagang oras naglalabasan ang mga tao dito. Ang Casa Poblacion ay isang napakapayapa at tahimik na lugar. Mula noong natira kami dito, wala akong nababalitaan na may naganap na anu mang uri ng krimen. Disiplinado rin ang mga tao dito kaya hindi lang payapa kundi maganda at malinis din ang buong baranggay.

Bottom's Up (Street Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon