Chapter 16

1K 39 2
                                    

Chapter 16: Cooking

"Really? That's great! Thank you in advance..." masaya niyang sabi.

"Small things, pre..." sabi ko at inubos na ang ice cream.

"Huwag na sabing 'pre', ba't ba pinipilit mo pa yon?" iritado na naman siya.

"Bakit? Magkaibigan naman tayo... hindi ba?" giit ko. Suminghap siya na parang problema talaga ang pagtawag ko sa kaniya ng ganoon.

"Just... Don't call me that. I don't like it," suplado niyang saad at inubos na rin ang ice cream niya.

"Kung ganoon, Teodus nalang?" dagdag ko.

"Yes... Please." he sighed again.

Tumango ako at sumandal sa upuan sabay lapag ng cup sa lamesa dahil ubos ko na ang sundae. Nagtagal ulit ang tingin ko sa kaniya, napakamot naman siya sa batok nang makitang tinititigan ko siya.

"Anong ginagawa mo?" aniya, nakayuko at nakahawak sa batok.

"Ha?" wala sa sarili kong sabi.

"Bakit mo ako...tinititigan?" patuloy niya.

I blinked and just laughed awkwardly.

"Ah! Wala lang. Naalala ko lang na... Diba sabi mo ayaw mo na akong makita?" sambit ko.

Nagseryoso bigla ang mukha niya. Pero bigla rin naman siyang ngumisi.

"Bakit hindi ka umiwas kung ganoon?" may yabang sa ngisi niya.

"Ako ba dapat ang iiwas? Sige..." giit ko at tumayo na. Kinuha ko na ang mga pinamalengke ko at maglalakad na sana pero humarang siya.

"Nagbibiro lang naman. Tara na!" nakakaloko ang ngisi niya tapos inunahan niya na akong lumabas.

Nang nakalabas na kami ay napansin ko na magkatapat lang din ang bike ko at ang motor niya. At habang pinagmamasdan ko siya na inaayos ang mga napamili niya ay para siyang naligaw na prinsipe. Hindi mo talaga maiiwasan na purihin siya kahit sa anong sitwasyon.

"Saan ka ba magluluto?" tanong ko bago sumakay.

"Sa may dirty kitchen. Walang tao doon ngayon eh," aniya, naniningkit na ang mata dahil tumatama ang liwanag ng araw sa pagmumukha niya.

Nauna kong paandarin ang bike at sa likod ko ay siya. Mainit na pero malakas pa rin ang hangin, pansin ko na parang ganito lagi ang panahon kapag sabado o tingin ko lang?

"Diretso tingin! Baka masemplang ka!" sigaw niya.

Pinagmamasdan ko kasi ang buong paligid habang nagbabike at siyaka maraming beses ko na itong ginagawa so bakit masesemplang? Hindi ko na siya sinagot dahil hindi niya rin naman na ako maririnig dahil sa lakas ng hangin. Narinig ko lang siya dahil ang lakas ng boses niya at medyo malat pa iyon, lalaking lalaki. Siguro kung sumigaw din ako nang ganoon kalakas ay baka pumiyok ako.

Mabilis kaming nakarating sa Casa Poblacion at lumiko agad ako sa Guadalupe Street. Sa pag aakala ko na dumireto si Teodus sa mansion ay nagkakamali ako.

Nakasunod siya sa akin! Ngayon ko lang napagtanto nang bumaba na ako sa bike at siya ay pababa na rin sa motor niya.

Kunot noo ko siyang tinignan habang isa isang kinukuha ang supot sa basket ng bike ko.

"B-Bakit ka sumunod?" tanong ko. Papalapit na siya sa akin at tinignan niya ang bahay namin.

"Hindi ba sabi mo tuturuan mo ako?"

Tumango ako pero hindi ko naman sinabi na sumunod siya pero bahala na. Nandito na siya alangan naman na sipain ko siya palabas sa street namin.

"Magluluto lang ako, maglilinis ng bahay, tapos tuturuan na kita. Kuha mo?" saad ko at binuksan na ang gate namin.

Bottom's Up (Street Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon