Chapter 13

1.1K 45 3
                                    

Chapter 13: Irritation

Nakatunganga ako nang makarating sa classroom. Maaga kaming pumasok na tatlo. Si Jorie kasi ay naghihilik pa daw sabi ni Ate Vera kaya nauna na kami. Ayos lang naman, kami ang may mali dahil sobrang aga naming pumasok.

Maya't maya ang paghikab ko habang tinitignan ang wallet ni Teodus. Kanina ko pa ito hawak at pinagmamasdan. Leather ito at mukhang mamahalin. Medyo makapal din at siguro maraming cards at pera ang lalaking iyon. Ayaw ko lang buksan dahil parang naging pakialamero naman ako non.

Nagpatuloy ang klase at kung noon ay lilingon pa ako kapag magtatanong sa mga kaklase ko ay ngayon ay hindi na dahil kusang pinapaliwanag sa akin ni Jorie ang isang topic. At hindi na rin ako inaantok dahil puwede kong daldalin si Jorie at masarap naman siya kausap. Noong wala pa kasi si Jorie ay hindi ko naman madaldal ang katabi ko dahil sa bukod na babae ay sobrang tahimik pa na puro lang tango at iling.

At masasabi kong kauri ko nga si Jorie dahil bukod sa kumportable agad ako sa kaniya, kung magbitiw siya ng mga salita pati kumilos ay parang babae. But, I can't deny the fact that he's cute and handsome and I guess people who don't know him may find him boyish. Sa unang tingin ay ganoon siya pero kapag nakausap mo na at nakasama kahit saglit lang ay masasabi mo na hindi siya straight.

He's a quiet person. Pero hindi yung sobrang tahimik dahil kapag tinanong o kinausap mo naman siya ay sasagot siya at dadaldal din. That's why I like him and I can't wait to know him more. I guess, I found a new bestfriend. I could feel it...

"Tara na, Jorie. Recess na..." saad ko dahil patuloy pa rin siya sa pagsulat kahit lumabas na ang teacher namin.

"Saglit nalang to..." aniya at kinagat ang labi. Ang guwapo niya talaga. Hindi ko rin masisisi ang mga kaklase ko na nilalandi si Jorie sa group chat pero nahihiya naman sila sa personal.

I looked at him and I surveyed his face, every details. He's really cute, I can't help but smile. I bit my lip and I don't know why I am happy at the moment. Para akong lumulutang.

"Tara na!" he said, finally. Tinulungan ko siyang mag ayos ng gamit niya at hindi ko talaga mapigilan ang tignan ang mukha niya.

Nang nahuli niyang nakatingin ako ay ngumiti siya. And that's smile brightens my day. Wait...

Do I like him? Do I?!

Yes, I like him as a friend and I am just happy and comfortable with him. May mga ganoon naman talagang tao diba? Masaya ka kapag nakikita mo presensya nila kahit walang dahilan.

Bumaba na kami at nakinig lang ako sa mga kuwento ni Jorie tungkol sa buhay niya sa Maynila at masaya ako dahil kumportable din siya sa akin kahit ilang araw palang kaming nagkakasama.

Nahinto nga lang kami sa paglalakad dahil sa isang kumosyon. Hinawakan ko ang kamay ni Jorie dahil baka madamay o matamaan kami. Tatlong lalaki iyon at hinahabol nila si Dion. Nang nahuli nila si Dion ay akala ko mabubugbog na siya pero malakas siya at mabilis kumilos kaya nasapak niya na ang tatlong lalaki.

Kumunot ang noo ko nang matanaw si Brandean at Eli at nagbabalak pa na sumugod at tulungan si Dion! Ang mga tukmol na ito, makikisali pa! Sisigawan ko na sana sila pero dumating na ang dalawang guard at isang head teacher.

Ayaw pa nilang tumigil pero sa huli ay naawat na at pinapunta sila sa guidance. Dion on his second day made a trouble. Kaya siya nilipat dito para magbago pero imposible na ata iyon. Sino kayang babae ang magiging inspirasyon ni Dion para magbago?

Napatingin ako kay Jorie. Sinusuri niya ang paligid at parang hindi natakot sa nangyari. Oo nga pala at laking Maynila siya kaya hindi na siya bago sa ganitong eksena.

Bottom's Up (Street Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon