Chapter 8

1.1K 40 1
                                    

Chapter 8: Closer

I am looking at him while drinking. Hindi ko naramdaman ang pait dahil sa kung anong dahilan. Nakangisi pa rin siya at sumandal pa siya na parang isa akong palabas na pinapanood niya. Kumuha siya ng isang chicken nuggets at nilagay sa harap ko. He licked his finger.

Kinuha ko ang nuggets at galit na tumingin sa kaniya. Nakakainis lang kasi para siyang nang iinis o naghahamon. Hinahamon niya ba ako sa inuman? Gusto niya bang makita akong uminom ulit at malasing nang matindi?

I don't want that to happen...again! Parang nagbago na din ang panlasa ko sa alak na kung noon ay curious ako sa lasa at noong natikman ko at nalasing ako nang todo, parang ayaw ko na. Parang amoy pa lang, masusuka ka na.

Maybe because I am too young for alcohol drinks. Hindi naman dapat ganito ang ginagawa ng isang grade 8 student na kagaya ko pero in reality, nangyayari talaga ang mga ganito. Lalo na sa panahon ngayon na kaming mga kabataan ay punong puno ng curiosity.

But, before you feed your curiosity think first what may the consequences. And don't go beyond your limits, that's what I am doing. Kahit na ganito ako, hindi ko naman pinapabayaan ang sarili ko, ang mga priorities at tungkulin ko bilang isang anak, student at kabataan. At kung hindi naman ako inaya, hindi ako sasama o mag aaya ng mga kaibigan para dito.

Isang bote lang ang ininom ko, I mean kalahati kasi si Teodus ang uminom ng kalahati. Pagtapos non ay hindi na ako kumuha pa at hindi na rin naman ako napansin ng mga kasama ko dahil puro lasing na sila at puro tawanan nalang. Ako lang ata ang hindi lasing?

Ang kulit at ang daldal na ngayon ni Froilan Venturero at si Teodus naman ay natatawa nalang sa pinaggagawa ng pinsan niya. Pareho na rin silang namumula. Ang kaibahan lang, si Teodus ay chill at relax pa din kahit lasing na.

"Hoy! Tama na yan, Ace!" saway ko sa kaibigan dahil kukuha pa ng alak eh halos matumba na nga!

"Ha?! O sige...sabi mo eh," ani Ace at wala ng balance noong umupo siya.

"Sabay ba kayo nito ni Ace, Hydro?! Paano yan pareho kayong lasing? Dito na kayo matulog!" si Billy.

"Oo nga! Dito nalang tayo tulog, pre!" dagdag ni Moby.

"Kaya ko pa naman. Siguro si Ace nalang ang matutulog dito..." I stated. Hindi ako lasing, isang bote lang ang ininom ko at san mig pa yon! Samantalang sila ay halo halo na.

"Ha?! Ang gara mo naman! Huwag mo naman akong iwan, Hydro!" giit ni Ace at aamba pang tatayo para lumapit sa akin pero napaupo rin siya dahil wala ng balance.

Nagpatuloy sila hanggang sa nagpaalam na ang iba. Nakipag apiran din ako sa kanila kahit hindi ko close.

"Lapit na kayong grumaduate sa junior high school, pre! Congrats!" sambit ng isang kaibigan ni Billy.

Peke akong tumawa at tinapik ang balikat niya bilang pamamaalam. Akala ata nila ay grade 10 na rin ako dahil siguro sa tangkad ko at kilos.

"Oo nga eh... Ingat kayo, pre ah!" sabi ko sa kanila at may ilan pang nakipagsangga sa akin bilang pagpapaalam.

"Ingat! Ingat!" I keep on saying while tapping their back. Parang ako tuloy ang may birthday ah at bahay namin ito? Si Billy kasi ay nandoon pa rin, lasing na lasing na imbes na siya ang maghahatid sa mga kaibigan niya dito sa labas. Wala namang may birthday, pakulo lang ito ni Billy.

"Wow, grade ten na... Talino!" biglang sabi ng katabi kong si Teodus.

"Hindi pa ba kayo uuwi? Umuwi na kayo!" irita kong sabi. At bakit niya pa ako sinamahan dito?

Hindi ako lasing kaya ako ang naghatid sa mga kaibigan ni Billy pero bumuntot pa siya? Anong pinagmamalaki niya? Na hindi siya lasing? Tss!

"Kailan graduation, Hydro?" dagdag niya pa nang nilagpasan ko na siya.

Bottom's Up (Street Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon