Chapter 22

1K 37 0
                                    

Chapter 22: Play

Nang sumapit ang recess ay nagmamadali akong bumaba. Tinawag pa ako ni Jorie at sumigaw na hintayin ko siya pero importante ito at ayaw ko nang patagalin pa ang kagaguhan kong ito.

I need to apologize to Hana. At first, I didn't know my intention why I entered into this kind of relationship. Huli na nang malaman ko na kaya ko gustong magka girlfriend ay para kalimutan ang nararamdaman para kay Teodus.

And that's bullshit. I am evil.

Kulang nalang ay magteleport ako papunta sa canteen dahil for sure nandoon na sila dahil maagang pinapalabas ang mga highest section. High section lang kami ni Jorie--- 9-Sulfur ang section namin at 9-Hydrogen ang pinakamataas sa grade 9.

Medyo marami na ang tao at puro mga high sections na ang nandoon. Natanaw ko agad ang grupo nila Hana na seryoso at tahimik silang nag uusap ng mga kaibigan niya.

Palapit na ako sa lamesa nila at napatingin ang ilang kaibigan niya sa akin. Siniko ng isa sa kanila si Hana kaya nilingon na ako ni Hana at nagulat ako dahil bigla siyang tumayo na para bang nagulat o naalarma.

Hindi niya na ako hinintay na makalapit sa lamesa nila dahil sinalubong niya na ako at hinawakan na ang kamay ko tapos hinila!

"Saan tayo pupunta?" mabilis ang lakad ni Hana kaya binilisan ko rin.

Marami na ang nakatingin sa amin at pinagbubulungan na kami.

"Sila pala?"

"Taray ni Hana no? Nakuha si Hydro! Edi siya na!"

"Maganda naman si Hana kaya bagay siya kay Condevilla!"

"Mas bagay sa akin si Hydro, teh! Tumahimik ka!"

"Nagmamadali sila, saan punta? Cr siguro tapos LP! Haha!"

Nanlaki ang mata ko dahil sa narinig. What the hell? Bakit nila naiisip ang ganoong ka wild na sitwasyon? Nakakairita ah.

Nakasalubong namin si Jorie kasama ang mga kaklase namin.

"Hydro! Saan ka?!" si Jorie. Sumenyas lang ako na mag hintay sila.

"Omg! Totoo yung chismis na sila ni Hana?!" narinig ko pa si Mariz.

"Hydro, saan kayo pupunta?!" sigaw ni Sheena pero hindi na ako nakasagot dahil pabilis nang pabilis ang lakad ni Hana.

Medyo nagulat ako nang lumiko kami sa daan papunta sa banyo at bibitawan ko na sana siya dahil baka kung ano ang plano niya pero lumihis kami ng daan at nang nasa likod na kami ng stage ay siyaka niya palang ako binitawan at hinarap.

Tinignan namin ang buong paligid at tanging hangin lang ang maririnig. Bawal kasing magpunta ang mga estudyante dito sa may open field dahil maraming nagkakalat hindi lang sa field pati rin sa stage dahil doon kumakain ang iba. Mabuti nalang at walang nagbabantay na student council kaya nakapunta kami ni Hana.

Nang nakumpirma namin na walang tao at nakasunod ay tinignan na namin ang isa't isa. Hinihingal siya, nakayuko siya at kagat ang labi habang pinipisil ang mga daliri na akala mo'y isang bata na may ginawang kasalanan.

"Hana..." I called her attention.

Hindi siya makatingin sa akin kaya humakbang ako papalapit. Umatras naman siya kaya tumigil na ako. Mas matangkad ako sa kaniya at medyo mataas naman siya. Maganda si Hana, halos crush din ito ng iba kong kaklase. Sa itsura niya ay para siyang inosente at parang aral lang ang inaatupag kaya medyo nagulat ako noong sinagot niya agad ako kahit dalawang araw palang akong nanliligaw.

Bottom's Up (Street Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon