Chapter 35

995 36 0
                                    

Chapter 35: Bigger

"Congratulations!" sabay naming bati ni Jorie sa tatlo.

Nag group hug kami at kulang nalang ay magtatalon sila sa tuwa dahil sino ba naman ang hindi matutuwa sa graduation hindi ba?

Nakasuot sila ng toga and I must say they looked cute and Eli was like a very very good student! Tinignan ko si Jorie at Dion na may sarili na namang mundo kaya kami nila Eli at Dean nalang ang naguusap usap at nagtatawanan.

"Boys! Join us at lunch! Come on," si Madame Catalina katabi ang kaniyang asawa na si Sir Gerardo, ang parents ni Dion.

Sa isang high end restaurant kami kumain dahil siyempre libre ni Madame dahil tuwang tuwa ito kay Dion at nakagraduate na rin sa wakas. Napansin ko rin na ang laki ng pinagbago ni Dion ah. At si Jorie din...may pinagbago.

Nakangisi lang ako habang pinapanood silang dalawa na nagkukuwentuhan. Katabi ko kasi si Eli at Brandean na parehong abala sa masarap na pagkain. At sa harap ko naman ay si Jorie at sa tabi niya ay si Dion.

Nawala rin ang tingin ko sa kanila dahil sa bagong dating na si Teodus. Humalik muna siya sa pisngi ni Madam Catalina at nagmano kay Sir Gerardo bago pumunta sa lamesa namin. He looks so handsome on his outfit! He looks like a hot and young entrepreneur!

He's wearing a black slacks and a white dress shirt tucked in and a black leather loafer. Halos malaglag ang panga ko at tumulo ang laway sa kakatitig sa kaniya.

Kaya nang nagkatinginan kami ay mayabang na siyang nakangisi dahil alam niyang tinitignan ko siya! Napalunok tuloy ako at inubos nalang ang pagkain. Umusod si Dion at Jorie at doon naupo si Teodus kaya magkatapat kami.

"Congratulations, Eli! Dean! And of course my cousin, Dionisio! Im very proud!" he greeted.

Tumayo siya at niyakap ang dalawa sabay tapik sa likod at bumubulong bulong pa na akala mo'y pulitiko. At kay Dion naman ay pinagsangga lang nila ang kamao nila.

"Drama nito," said Dion then Jorie smirked.

"Yes. Coz Im so proud of you, Dionisio. In fact, all the Ventureros are." Teodus replied.

"I know right." Dion smirked arrogantly and continue talking to Jorie.

"Salamat, brad!" si Dean. Nagtanguan sila ni Teo.

"Thank you, pre. Pero wala ka bang regalo?" Eli blathered.

Siniko siya ni Brandean at natawa naman kaming lahat. Akala ko hindi seseryosohin ni Teodus pero...

"Ano bang gusto niyo?" aniya kaya humiyaw si Eli dahil sa tuwa.

Kapal talaga ng apog nito. Tinignan ko si Brandean at aba gusto din pala ng regalo! Pero deserve naman nila iyon. Kami rin naman ni Jorie ay may regalo sa kanila na isang taon naming pinag ipunan.

"Punta tayo SM. Mamaya? Laro din tayo arcades. G?" sambit ni Teodus.

Kumakain na siya ngayon at nang nakita niyang wala ng laman ang pinggan ko ay nilagyan niya iyon. Ngumiti ako at nilagyan naman ng juice ang baso niya. Ngumiti siya at ngumuso. Para na kaming timang na ngumingiti sa isa't isa.

Pagkatapos naming kumain ay nagpunta na kami sa SM at doon inubos ang oras na napuno naman ng tawanan at kasiyahan.

Lumipas ang mga araw at dumating na ang unang araw ng Mayo. Malapit na ang birthday ko at nasabi ng mga magulang ko na magswimming nalang sa pansol at sila ang magluluto ng handa pero hindi sila sasama. Kami kami lang daw ng mga kaibigan ko at pumayag na ako doon.

Bottom's Up (Street Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon