Chapter 23

1K 42 5
                                    

Chapter 23: Someone


Umupo ako sa tabi niya. Nilapag niya sa harap ko ang isang sandwich. Natira sa kaniya ay pasta at juice.

"You want that or this?" aniya at tinuro ang pasta. Hindi na dapat niya ako binigyan at gusto kong tumanggi kaso huwag nalang.

"Ayos na'to," sagot ko at kinagatan na ang sandwich. Sa akin naman siya nakatingin habang kumakain. Nailang tuloy ako kaya nilibot ko ang tingin sa library at masasabi kong maraming pinagbago.

Nakita ko rin ang isang bagong shelf na ang taas ay kulang nalang dumikit sa ceiling. Puro mga bagong libro ang nandoon. Ang mga lamesa din ay bago na, pinalitan ng mas modern.

"Ganda no? But I prefer the old one, yung ancient..." saad niyang bigla.

"Ayos lang. Mas classic nga noon pero maganda na rin na nirenovate," I uttered.

He nodded. Pansin ko na mabilis siyang kumain kaya konti nalang ang pasta. Kalahati nalang din ang sandwich ko at nang natapos na siya ay uminom siya sa juice tapos nilapag niya na sa harap ko ang ininuman niya.

"Ubusin mo na, puwede naman akong kumuha sa baba," agap ko pero umiling siya at nilayo na ang tray. Nilapit niya na ang laptop sa harap niya at binasa ang ilang mga papel.

"Ubusin mo na. Arte mo naman..." he smirked.

"Hindi sa ganoon baka kasi bitin ka lang---"

"No. Inumin mo na. Masustansya din ang saliva ko kaya masuwerte ka," aniya.

Napangisi ako nang bahagya at ininom na rin ang juice tapos nilagay na sa tray. Tumayo na ako at kukunin na ang tray pero nagsalita siya.

"Dito ka muna sabi..." pigil niya.

"Baka kasi may iuutos sila Mama,"

"Tell them na inutusan kita. Hindi naman sila magagalit," he's determined. Ano naman ang gagawin ko dito? Panonoorin siyang mahirapan?

"Ano naman uutos mo?"

He shook his head. "Wala. Basta dito ka lang sa tabi ko..."

I remain statue because of what he uttered. Parang may kahulugan iyon sa akin pero binaliwala ko na dahil nahihibang ako kung iyon ang iisipin.

Inayos ko nalang ang mga papel na nagkalat sa lamesa at ni-guide niya ako para ma compile ko nang maayos at hindi shuffle.

Natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakatitig sa kaniya. Seryoso siyang nag aaral at kahit alam mong nahihirapan, ang chill at relax pa rin ng mukha niya. Ang guwapo pa rin.

"Stop it..." he beamed.

"H-Huh?" I composed myself.

"Stop glancing at me. Nadidistract ako, Hydro..." giit niya.

"H-Hindi naman kita tinitignan," I lied. Inabala ko nalang ang sarili sa mga papel at pilit na inintindi ang mga iyon pero baka dumugo ang utak ko kung magpapatuloy ako.

"Anong strand ang kukunin ni Dion sa senior?" I asked nonchalantly while looking at the paperworks.

"ABM. Bakit?"

"Wala lang. Siguro ito na ang huling taon na tuturuan siya ni Jorie kasi wala ng idea si Jorie sa ABM eh..." I stated.

He nodded and sighed softly. "Yeah. I guess so,"

"Dito ka ba sa Laguna magkokolehiyo?" I asked again.

"Oo, ayaw ko nang lumayo pa..." sagot niya.

Bottom's Up (Street Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon