Chapter 29

1K 35 1
                                    

Chapter 29: Like

It was him.

I remained silent and froze. My eyes are still on shock and the it feels like every second, minute, hour...my heart beating faster than to its normal speed.

Parang nadikit na ako sa sahig at hindi na makagalaw, hindi ako makapaniwala. At parang sumagi pa sa isip ko na kaboses niya lang iyon pero hindi ako puwedeng magkamali. Lalo na nang natapos na siyang maligo at lumabas na siya sa shower room pagkatapos ay naglakad papunta dito sa sink para siguro mag tooth brush and I heard it again.

That voice.

"Oh my heart hurt so good, I love you babe... So bad...so bad..." he sang.

Ngayon, kumpirmado ko na at hindi na ako puwede pang magkamali. Siya talaga iyon- the boy who sent me a message saying that he like me and he also sent a video with black background only him singing nicely.

Si Teodus iyon. Gusto ako ni Teodus. At parang ang hirap paniwalaan. Parang ang hirap isipin na gusto niya nga ako. Isang Venturero gusto ang isang katulad ko.

Parang sa panaginip lang puwede mangyari ito pero hindi! Totoo na gusto niya ako.

And I wonder why he likes me? I am not a girl. And before, I couldn't imagine that he may fall in love to  someone like me. I only imagining him liking, courting, and loving a girl. That's it. That's why I am so so shock at the moment. At mukhang hindi pa ako mahihimasmasan.

Lumabas na siya sa banyo matapos ang kaniyang routine sa may sink. Naghintay pa ako ng ilang sandali at nang marinig ko na ang pagsara ng pinto ay nagbilang muna ako hanggang one minute bago tuluyang lumabas dito.

Nakauwi na ako sa bahay at binagsak ko agad ang sarili ko sa kama para isipin ulit ang natuklasan kanina.

Kahit kailan, hindi siya sumasagi sa isip ko habang pinapakinggan ko iyong boses. As in never. Marahil hindi ko rin kasi alam na maganda pala ang boses niya! Ni hindi ko pa nga siya naririnig na kumanta pero alam kong sobrang hilig niya sa music. Pero may mga pagkakataon na kapag natatanaw ko siya sa malayo kapag nasa mansion ako ay parang sinasabayan niya ang kanta na tumutugtog sa headset niya habang ginagala niya ang kaniyang pug dog.

At ang daming beses ko na siyang nakasama at kanina lang ay magkasama din kami! Pero bakit hindi ko nahahalata? O talagang magaling lang siyang magpanggap.

"Tangina... Bakit ako," bulong bulong ko sa sarili ko at gumulong gulong sa kama ko saka nagpapadyak padyak pa at ginugulo ang ayos ng kama ko.

"Bakit ako?!" sigaw ko pa na hindi ko naisip na may tao sa sala.

"Hoy, Hydrolin! Sino ba yang kausap mo?!" sigaw ni Ate kaya natikom ako.

Nagpapadyak nalang ako at nagwala dito sa loob ng kuwarto ko dahil ang dami kong tanong. Gulong gulo ako at sobrang hindi makapaniwala.

Natigil ako at natulala nang may maalala: Ang mga mata niya kapag nakatingin sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit malambot at may amusement sa mga mata niya kapag nakatingin siya sa akin. Ang mga kilos niya rin noon na akala ko kaya niya ginagawa eh dahil magkaibigan kami pero hindi. At ito pala ang dahilan. Gusto niya na pala ako!

Kailan kaya nagsimula? At naalala ko na nagkagusto rin ako sa kaniya at sinubukan kong ibaon ang feelings ko, nagtagumpay naman ako. Ngayon, siya naman ang may gusto sa akin. At hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung masaya ba ako o ano.

Ewan ko! At paano ko siya haharapin ngayon? Hindi ko kayang tignan siya ng casual matapos ang lahat ng nalaman ko. At parang hindi ko mapipigilan ang tanungin siya kung bakit niya ako nagustuhan dahil alam ng lahat na imposible siyang magkagusto sa katulad ko.

Bottom's Up (Street Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon