Chapter 43

1K 35 2
                                    

Chapter 43: Fine

"Hydrolin! Nandito na si Jorie at Dionisio!" katok at sigaw ni Mama.

"Opo!" sigaw ko pabalik.

Bumangon na ako kahit hindi naman ako natulog. Nakahilata lang ako at nakatitig sa kisame sa loob ng limang oras na dapat ay matutulog ako.

Tumayo ako at kinuha na ang tuwalya. Hinubad ko na ang boxer shorts and brief bago pumasok sa banyo para maligo. And yes, kung kailan nandito sila siyaka pa lang ako naligo! Dapat kanina pa!

Paglabas ko ng banyo ay halos mapatili ako nang makita si Jorie na nililibot ang kuwarto ko!

"Kagulat ka naman!" napahawak pa ako sa dibdib ko.

Nilingon ako ni Jorie na ngumingisi siya pero nanlaki rin ang mga mata nang makita ang katawan ko. Tanging puting tuwalya lang ang nakatapis sa akin dahil hindi naman ako nagbibihis sa loob ng banyo.

"Woah. Ang hot and sexy!" he said and smirked. I smiled arrogantly too.

"May pa wet abs pa shet!" dagdag niya at pinagpatuloy ang tour sa kuwarto ko.

"Ikaw ba wala pa ring abs? Workout workout din!" anas ko habang nagbibihis.

"Iyan nga rin ang sabi ni Dion. Don't worry, iyan ang gagawin naming hobby..." he replied.

Tumango ako. "That's good. Sweet niyo talaga no? Ba't di pa kayo nilalanggam?" I tease.

"Bitter nito!" giit niya kaya natawa ako.

Habang nagbibihis at si Jorie ay kung ano anong tinitignan sa kuwarto ko ay pinagmamasdan ko naman siya at kung ano anong pumapasok sa isipan ko.

He's wearing a branded T-shirt and a pants with his black sneakers. He's taller than before and became more handsome and attractive.

Nga lang, nagtagal ang tingin ko sa may leeg niya dahil parang may red marks doon. Hindi ko na napigilan ang mapangisi at matawa. Kaya naman nilingon ako ni Jorie na kunot ang noo pero natatawa na rin.

"Tinatawa tawa mo riyan?" aniya.

And I wonder if... They made love already? I mean, at their age? Hindi malabo. Nasa twenties na naman kami kaya puwede na rin. At hindi na ako magtatanong kung sino ang top at bottom dahil alam na alam na kung sino, no!

I can imagine Jorie being bottom, that's why I laughed louder. Mas lalo naman kumunot ang noo ni Jorie at parang iritado na akong tinignan.

"Para ka namang tanga!" bulyaw niya.

Nang natapos magbihis ay nagsuklay na ako pero natatawa pa rin ako. Natatawa lang naman ako dahil sa hickeys ni Jorie at sure kasi ako na kapag tinanong ko siya ay magiging in denial siya.

But about the sex thingy. It's normal naman. They're lovers so why not? Parte iyon ng relasyon at pagmamahalan. May mga tao lang talaga na makitid ang pagiisip at tinuturing na sakit o salot ang pakikipagtalik pagdating sa parehong kasarian.

Romantic sex is one of the way to show affection and love.

"Si Dion nasa baba?" tanong ko nang natapos na.

"Yup. Kausap si Tita Esther..." Jorie said as he keep on roaming around my room.

"Oh. Sure ako na magiging emotional si Mama---"

"Yes, she was..." Jorie added.

Bumaba na rin kaming dalawa ni Jorie at naabutan namin si Mama at Dion na ngayon ay nagtatawanan na. Nang magtama ang mata namin ni Mama ay bakas sa mata niya na umiyak siya.

Bottom's Up (Street Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon