Chapter 23

1.3K 62 5
                                    

NAGTAKA si Dylan nang hindi niya Makita si Lani sa loob ng opisina. He's already late pero mas late pa sa kaniya ang dalaga. Napabuntong-hininga si Dylan at lumabas ng opisina.

"Alisson, where's Ms. Sandoval?" Tanong niya sa sekretarya.

Umiling ang sekretarya. "I don't know, Sir. Is she not in your office?"

"She's not inside. She always comes early but now she's late." Ani Dylan.

"I'll contact her, Sir."

"Okay."

Bumalik si Dylan sa loob ng opisina.

Napatingin siya sa table ni Lani. Napabuga ng hangin si Dylan. Naramdaman niya na nitong mga nakaraang araw at iniiwasan siya na ng dalaga. Hindi naman niya alam kung ano ang nagawa niyang mali para iwasan siya nito.

Lumipas ang limang minute at pumasok si Alisson. "Sir, Ms. Sandoval is sick."

Napatayo si Dylan. "Cancel all my appointments today, Alisson."

"Why, Sir? You have to meet---"

"Just call my appointments today, Alisson. I'm going somewhere important."

"But, Sir---"

Pero nakalabas na ng opisina si Dylan. Nagmamadali siyang nagtungo sa elevator. Sa sobrang pagmamadali niya, nang bumukas ang elevator, mabilis siyang lumabas at nagtungo sa parking lot. Hindi na niya pinansin ang mga empleyado na bumabati sa kaniya.

Mabilis siyang sumakay sa kotse. Nang makalabas siya ng parking lot. Halos paliparin na niya ang kotse para lang mabilis na makarating sa condo ni Lani.

Nag-aalala si Dylan kay Lani. Mag-isa pa naman ito sa condo nito.

Nang makarating si Dylan sa condominium ni Lani. Kaagad siyang nagtungo sa kwarto nito. Nagdoorbell siya pero walang nagbukas. Dylan pushed the doorbell again. Pero wala pa ring nagbubukas.

Dylan blew a breath. Hinawakan niya ang doorknob. Nagulat siya ng malamang bukas pala ito.

Napailing si Dylan. Bakit hindi naglo-lock si Lani ng pinto? Hindi ba niya alam na masyadong delikado kapag nakabukas ang pinto.

Itinulak niya pabukas ang pinto at pumasok sa loob.

"Lani!" Tawag niya sa pangalan ng dalaga.

"Lani!"

Tinungo ni Dylan ang kwarto ng dalaga at nakita niyang nakakumot ito.

"Lani."

Tinanggal niya ang kumot ng dalaga.

"It's cold..."

Kaagad ding ibinalik ni Dylan ang kumot ni Lani. Idinampi niya ang likod ng palad sa nuo nito.

"Ang taas ng lagnat mo." Ani Dylan.

Hinubad ni Dylan ang suot na coat at itinupi hanggang siko ang suot na long sleeve polo. Lumabas siya ng kwarto at nagtungo sa kusina. Kumuha siya ng palangganita at nilagyan ng maaligamgam na tubig. Bumalik siya sa kwarto ni Lani at inilapag ang palangganita sa bedside table. Pumasok siya sa banyo at kumuha ng bimpo.

Napabuntong-hininga si Dylan habang nakatingin kay Lani. Alam niya kung bakit ito nilalagnat ngayon. Malakas ang ulan kahapon. Nagprisinta siya ihatid ito pero tumanggi si Lani at mas piniling suungin ang ulan.

Napailing si Dylan at umupo sa gilid ng kama. Binasa niya ang bimpo at piniga. Inilagay niya ito sa nuo ni Lani. Pero biglang hinawakan ni Lani ang kamay niya.

Hindi mapigilan ni Dylan ang mapangiti ng hawakan ni Lani ang kamay niya ng mahigpit.

Inayos niya ang kumot nito.

A Second Chance Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon