Chapter 31

1.8K 64 5
                                    

MAHIGPIT na niyakap ni Lani ang pamilya niya ng salubungin siya ng mga ito.

"Namiss ko po kayong lahat."

Hindi mapigilan ni Lani ng mapaluha habang yakap niya ang mga magulang at kapatid niya.

"Namiss ka naming, anak.' Sabi ng kaniyang ina.

Ngumiti si Lani. "Ako din po. Kumusta naman kayo?"

"Heto. Araw-araw ka naming namimiss. Mabuti nga at nakauwi ka na." Ani naman ng kaniyang ama.

"Oo nga, Ate. Buti na lang umabot ka sa birthday ko." Sabi naman ng bunso niyang kapatid.

"At may makakasama na naman akong mang-asar kay bunso." Ani ng ikalawa niyang kapatid.

Napailing si Lani. "Ah, oo nga po pala. Kasama ko po si Dylan." Nilingon niya si Dylan na nasa likuran lang nila.

Nagkita na ang mga ito pero through video call lang 'yon.

"Kumusta po kayo?" Tanong ni Dylan.

"Aba. Bihasa ka pala magsalita ng tagalog." Ani ng kaniyang ama.

Mahina lang na tumawa si Dylan at nagmano sa mga magulang niya. Napangiti na lang si Lani. Hindi niya inaasahan na gagawin 'yon ni Dylan. Iba naman kasi ang traditions ng mga Pilipino sa mga taga-ibang bansa kaya medyo nagulat siya na alam ni Dylan ang ganitong tradisyon. Ang pagmamano sa magulang ng kasintahan kapag unang beses na nagkita ang mga ito.

"Hi, Kuya Dylan." Bati naman ng mga kapatid niya.

"Hi. It's nice to meet you in person now. Through video call lang kasi tayo nakakapag-usap." Sabi ni Dylan at tumabi ito sa kaniya.

Napansin naman ni Lani ang tingin ng ama niya kay Dylan. Napailing na lang si Lani at bumulong sa ama. "Papa, huwag mo naman masyadong ipahalata na inoobserbahan mo siya."

"Masisisi mo ba naman ako, anak. Syempre natural lang sa isang ama na obserbahan ang kasintahan ng anak niya." Bulong ng ama.

Napailing na lang si Lani.

"Ang mabuti pa sa loob na lang tayo mag-usap." Sabad ng kaniyang ina at tumingin sa kanilang dalawa ni Dylan. "Magpahinga na muna kayo. Hinanda ko na ang kwarto mo, Lani. Doon ka muna sa kwarto ni Lennie at si Dylan sa kwarto mo."

"Okay."

Pumasok silang lahat sa loob ng bahay.

Napangiti si Lani nang makitang maaliwalas ang loob nito. Hinawakan niya ang kamay ni Dylan. "Have some rest. Wala kang maayos na pahinga kay magpahinga ka na muna."

Tumango si Dylan.

"Oo nga naman, anak. Pati ikaw din, Lani." Ani ng ina.

"Tatawagin na lang naming kayo mamaya." Sabi naman ng ama.

"Sige po, Papa."

"Okay po." Dylan said.

"Welcome to the family, Dylan." Sabi ng ama niya.

Natuwa naman si Dylan sa narinig. "Salamat po."

Tumango lang naman ang ama. "Sige na. Magpahinga na muna kayo."

Tumingin si Lani kay Dylan. "Halika na."

Umakyat silang dalawa sa ikalawang palapag.

"Your home is cozey and homey." Sabi ni Dylan.

"Really? Thanks. Actually, si Mama ang nag-design sa bahay na 'to." Aniya.

"Anyway, saan mo ba gusto? New York or Philippines?"

A Second Chance Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon