INILAGAY ni Lani ang laptop sa bag at napatingin sa kape na inilapag ni Lyca sa harapan niya. Tumaas ang kilay ni Lani.
"Really? Coffee? Ang init-init." Reklamo niya sa ka-trabaho.
Umirap si Lyca. "Kesa magreklamo ka diyan. Inumin mo na lang ang kape mo bago tayo bumalik sa opisina dahila ayaw mo pa naman." Anito.
Lani deeply sighed.
"Oh. May problema?" Tanong ni Lyca.
"May nakita kasi akong folder." Aniya at hindi niya alam kung sasabihin ba niya o hindi.
Kumunot ang nuo ni Lyca. "Anong folder? Confidential ba? Tungkol saan?" Sunod-sunod niyang tanong.
"Easy. Ang dami mo namang tanong. Isa-isa lang pwede?" Sabi ni Lani at maingat na inilapag ang kape sa mesa at pinagsiklop ang mga kamay. "Hindi ko naman sinasadyang makita ang laman ng folder na 'yon. It was just an accident."
"Okay. Anong folder ba 'yon?"
Dinala ni Lani ang magkasiklop na kamay sa likod ng kaniyang ulo at tumingin kay Lyca. "Hindi mo naman ako isusumbong di'ba?"
Lyca rolled her eyes. "Anong tingin mo sa akin? Sipsip? Go. Sabihin mo na. Hindi naman kita isusumbong."
"Yon nga. Aksidente kong nakita ang dalawang folder na 'yon. Hindi ba tayo ang nasa financial department so nakita ko sa opisina ng head natin ang dalawang folder na 'yon. It's confidential. I know dapat hindi ko pinakialaman 'yon pero may parang may nagtutulak kasi sa akin na tignan ko ang laman." Sabi ni Lani.
"Okay. Anong nakita mo?" Tanong ni Lyca.
"It's the financial statement. Payrolls, and other financials of the company."
"Uh? So ano kung financial statement ang laman ng folder na 'yon. Malamang si Ms. Susan talaga ang maghahawak kasi siya ang head natin. Alangan naman na tayo. Eh nasa ibaba tayo." Sabi ni Lyca.
"Masyado mo namang dinown ang trabaho natin." Sabi ni Lani.
Lyca shooked her head.
"Okay, back to the topic. Considered na si Ms. Susan ang head natin at siya ang humahawak sa lahat ng financials ng kumpanya, siya ang nakahandle. Bakit sa nakita kong financial statements na maibibigay kay Mr. Henderson at ang hawak ni Ms. Susan ay magkaiba. At ang payroll natin na pipermahan ni Sir Russell ay iba sa hawak ni Ms. Susan." Sabi ni Lani at sumandal sa kinauupuan.
Napakamot naman ng batok si Lyca. "Hindi ko maintindihan ang sinabi mo."
Lingid sa kaalaman ng dalawang babae. Nakikinig pala sina Russell, Ace at Dylan na hindi napansin ni Lani at Lyca na naroon pala ang boss nila at nakatalikod sa kanila kaya hindi nila makilala.
"Sandali lang. Nahilo yata ako." Sabi ni Lyca. "Do'n tayo sa payroll. Anong magkaiba ang sinasabi mo?"
"Wait." Lani said and get her phone. "I took a picture of it. Tignan mo." Ipinakita niya kay Lyca ang nakuha niyang larawan. "Yan ang folder na pepermahan ni Sir Russell at ito naman ang hawak ni Ms. Susan. Ang baba ng amount ng pera na pepermahan ni Boss."
Lyca looked closely. "Matagal na kaya 'tong nangyayari?"
Lani shrugged. "Mag-iisang taon pa lang akong nagtatatrabaho doon. Ikaw,ah. Tatlong taon ka na sa Henderson's Company."
Umiling si Lyca. "Pero ngayon ko lang 'to nalaman. Wait." Lyca opened her laptop but then she remembered something. "Hindi ba isa dapat sa mga maghahawak ng payroll ay ang secretary ni Boss?"
Tumango si Lani. "Yep. At siya ang magpapaperma kay Boss."
"At si Ms. Susan ang naghahandle sa lahat ng financials. Hmm... mukhang naging doktor na siya." Sabi ni Lyca.
Sinegundahan naman kaagad ni Lani. "Hindi lang doktor baka attorney na rin. Alam mo 'yon, multi-tasking." Lani chuckled.
"Pero dapat na tayong bumalik sa opisina kasi malapit ng matapos ang break time. Baka sesantehin tayo kapag na-late." Ani Lyca.
Tumango si Lani. "Let's go."
Hindi namalayan ni Lani na naiwan niya pala ang phone niya.
Nang makaalis si Lani at Lyca, nagkatinginan ang magkakaibigan.
"So what now?" Tanong ni Dylan.
Nakakunot ang nuo ni Russell at mukhang may malalim na iniisip. Nakita naman ni Dylan ang naiwang cellphone sa mesa kaya tumayo siya at kinuha ang cellphone.
"I think this is Lani's phone." And he put it on the table.
Mabilis itong kinuha ni Russell at para sana tignan ang narinig na sinasabi ni Lani na larawan but unlucky, may password ang phone ng dalaga.
Russell sighed. Inilapag niya ang phone sa mesa and called his secretary. He needed to investigate.
Dylan on the other hand get Lani's phone and opened it. Napangiti si Dylan ng makitang ang picture ng dalaga ang wallpaper nito.
"Dy, huwag masyado. Baka matunaw." Nakangising sabi ni Ace.
"I have to go." Paalam ni Russell.
"Okay. Bye." Dylan said.
Russell snatched the phone on Dylan's hand.
"Hey!"
Russell looked at Dylan. "Kailangan ko itong ibalik sa empleyado ko. Una na ako sa inyo." Nagmamadaling lumabas si Russell ng coffee shop.
Napailing si Ace. "Dapat ang kotse ko na lang ginamit natin. So ngayon wala tayong sasakyan."
"Taxi?" Dylan said.
"As if we have a choice. Let's go."
Dylan shrugged. "I think we need to follow him. My bag was in his car."
Natampal ni Ace ang nuo at napailing.
"Puntahan na lang natin siya sa kumpanya niya."
Dylan shrugged. "Okay."
Lumabas si Ace at Dylan sa coffee shop. Nilakad nila mula sa coffee shop hanggang sa kumpanya ni Russell. It was just walking distance.
Pagdating nila sa kumpanya ni Russell. Sa exclusive elevator na sila dumaan patungo sa opisina nito.
When they reach Russell's office, abala ito habang nakaharap sa monitor na nasa gilid ng desk nito.
"Russell."
"Damn. Matagal na palang ginawa ng isang head ang ganitong anumalya sa kumpanya ko. Ngayon ko lang nalaman." Galit nitong saad.
Umupo si Ace at Dylan sa sofa.
"Lorenz, tawagin mo si Lani at Lyca. I need them to be here now." Utos ni Russell sa secretary nito.
"Yes, Boss."
Two minutes later, bumukas ang pinto ng opisina ni Russell at pumasok doon ang dalawang babae.
"Sir, pinatawag niyo po kami." Sabi ni Lyca.
"Yes. Sit down. Huwag niyo na lang pansinin ang dalawang taong nakaupo diyan." Seryosong sabi ni Russell.
"Uy! May pangalan kami." Sabi ni Ace.
"I know. But enough with that." Tumingin si Russell kay Lani at Lyca. "Narinig ko ang usapan niyo dalawa sa coffee shop kanina."
Nanlaki ang mata ni Lani at Lyca, nagkatinginan ang mga ito.
"We're dead." Lani muttered.
Dylan crossed his arms and can't help himself to stare Lani.
Lani have beautiful face, with black eyes, long eye lashes, heart shape lips and pointed nose. She have also a tanned skin and about 5'2 in height. And she have a slim body.
Dylan cleared his throat and looked away.
Hindi niya gusto ang nararamdaman niyang 'to.
Nov5456
BINABASA MO ANG
A Second Chance Love (COMPLETED)
Ficción GeneralDylan Sullivan | Lani Sandoval Dylan thought that after marriage, he will have a happy family, but to his disappoinment, he was wrong. He witnessed with his own two eyes, his wife was cheating on him, she's kissing another man. He loves his wife so...