Chapter 21

1.3K 52 4
                                    

LANI was out of stocked so she went to the grocery. Tinutulak niya ang push cart ng may bumangga sa kaniyang cart ng isa ring customer.

"I'm sorry." Ani ng lalaking nakabangga sa cart niya.

Tumango si Lani. "It's okay." She said and pushed her cart.

"Wait."

Nilingon ni Lani ang lalaki. "Yes?"

"You're a Filipina?" Anito.

Lani shrugged. "Obvious naman di'ba?"

Sa tingin ni Lani ay may lahing Filipino ang lalaking nakabangga. Half-half siguro.

"I'm Greg, by the way."

Tumango si Lani at muling itinulak ang cart. Nagtungo siya sa fruit section at kumuha ng mga prutas.

Hindi niya talaga gusto kung may lalaking nagpapakilala sa kaniya. Lani tsked. Kilala na niya ang galawan ng mga lalaki sa mundo. Magpapakilala tapos kukunin number mo. He will ask you for a date. Then kapag nakuha na nila ang gusto nila. Iiwan ka na parang walang nangyari.

Marami na siyang mga nakitang ganun. Sa nobela at pelikula pa lamang nangyayari na. Paano pa kaya kung sa totoong buhay? Naku. Mas malala.

Jusko!

Napailing si Lani. "Mga lalaki talaga."

Pagkakuha niya ng prutas. Nagtungo naman siya sa meat section. Chicken meat lang ang kinuha niya. Pero naalala niyang hindi pala siya marunong magluto kaya hindi na siya bumili ng karne.

Kumuha na lang siya ng mga instant noodles at can goods. Iyong mga pagkain na madaling lutuin ang kinuha niya. Aaminin niya. Hindi talaga siya marunong magluto.

She tried to cook once pero kamuntikan na niyang masunog ang kusina kaya mula no'n hindi na niya pinangarap pa ang matutong magluto.

Lani exhaled and looked at her cart. Nang makitang nakuha na niya lahat ng kailangan niya. Pumunta na siya sa cashier para magbayad.

"Padagdag."

Nagulat si Lani ng makita ang boss niya. Nalukot ang mukha ni Lani. "Boss naman. Ang yaman-yaman mo. Papabayaran mo pa sa akin 'yan." Reklamo ni Lani. "Ano ba 'yan?" Tanong niya pagkaraan.

Lani tsked. It's just a shaver.

"Don't complain. Ang laki ng nakuha mong pera sa akin ngayong buwan na 'to. Share your blessing naman." Ani Dylan.

"Wow, ah. Baka nakakalimutan mo. Pinaghirapan ko naman ang perang 'yon 'no." Sabi ni Lani at inirapan si Dylan.

Ibinigay niya sa cashier ang card at kaagad naman nitong isinuwipe sa machine.

"Here's your card, Ma'am."

Kinuha ni Lani ang card at inilagay sa loob ng bag.

Tumingin siya kay Dylan. "Patulong."

Nagkibit ng balikat si Dylan. "Okay." Binitbit nito ang dalawang plastic bag.

Si Lani naman ang bumitbit sa dalawang natira.

"Ihahatid na kita." Ani Dylan.

"No need. Makaabala lang ako sa 'yo." Sabi naman ni Lani.

"Iniiwasan mo ba ako?" Biglang tanong ni Dylan.

Nagtaka naman si Lani. "No. Baka nga makaabala ako sa 'yo. Magtataxi na lang ako pauwi."

Dylan sighed. "Ihahatid na kita." At nauna na siyang naglakad patungo sa kinaroroonan ng kotse niya.

A Second Chance Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon