"YOU like him, Lani." Lani said to herself. Umiling siya. "Hindi. Hindi ako pwedeng magkagusto sa kaniya. We are totally different. Lalo na sa estado ng buhay." Napatango si Lani sa sarili. "Be good and just focus in your work."
Napabuga ng hangin si Lani at itinutok ang atensiyon sa harap ng computer.
Napatingin siya sa desk ni Dylan. Wala pa ito at ang sabi sa kaniya ni Alisson, may meeting ito with the executives. Na maganda para sa kaniya para makapag-isip siya ng gagawin kung papaano iiwasan ang binate.
Tama. Iiwasan na lang niya ito bago pa lumala ang nararamdaman niya para rito.
Dylan like someone. Kaya habang maaga pa, kailangan niyang pigilan ang nararamdaman niya. Dahil alam niyang sa huli, siya rin lang ang masasaktan.
Trabaho ang ipinunta niya dito sa New York at hindi para lumandi. Lani sighed. Tama. Magtrabaho na lang siya.
Mga isang oras ang lumipas. Dumating naman si Dylan. Lani bowed her head. "Good morning, Sir." She greeted him casually and went to her work.
Natigilan naman si Dylan at napatitig kay Lani. Something is odd. He said to himself.
"Lani."
"Yes, Sir?"
Umupo si Dylan sa swivel chair. "You okay?"
"Perfectly fine, Sir." Sabi ni Lani at tumayo. Kinuha niya ang isang folder at lumabas ng opisina.
Napatitig naman si Dylan sa pintong nilabasan ni Lani. Something is really odd.
"Hey, Ali, please sign this." Sabi ni Lani ng makalapit siya sa desk ng sekretarya ni Dylan.
"Sure." Anito at kaagad na pinermahan ang papel. "Anyway, here is Sir Dylan's schedule for this week." Ibinigay nito sa kaniya ang isang bond paper.
"Okay. Ako ng bahala."
"Salamat." Sabi ni Alisson with her thick accent.
Parang si Dylan lang noong una. Ngumiti si Lani at bumalik sa loob ng opisina.
At para maiwasan niya ang tingin ni Dylan. Tumalikod siya rito.
Kumunot naman ang nuo ni Dylan habang nakatingin kay Lani.
May kakaiba talaga sa dalaga na hindi niya alam kung ano.
Dylan sighed. Baka gusto lang ni Lani ang magpokus sa trabaho nito kaya hinayaan na lang niya.
Tahimik silang dalawa habang ginagawa ang kanilang mga trabaho. And when lunch came. Lumabas si Lani ng opisina at nagtungo sa cafeteria ng company. Napabuga ng hangin si Lani habang nakatingin sa pagkain na nasa harapan niya.
"What am I suppose to do now? Iiwasan ko nga siya pero parang ang hirap naman." Sabi ni Lani at napatingin sa cellphone ng umilaw ito.
Yvette calling...
"Bestfriend." Aniya ng sagutin niya ang tawag nito.
Habang si Yvette naman na nasa kabilang linya at nagtaka. "Okay ka lang? You sounded different this time."
"Yvette, may sasabihin ako."
"I'm listening."
"Hindi ako makakain." Sabi ni Lani.
"Ano? Lani, huwag mo nga akong pinagloloko." Sabi ni Yvette na nasa kabilang linya.
"Yvette, I like him."
"Huh? You like who?" Tanong ni Yvette.
"Him." Ani Lani. "Alam mo na kung sino."
Yvette tsked. "Magtataka pa ba ako, Lani. The two of you are in the same office. Kayo lang ang nag-uusap. Saan pa nga ba 'yon pupunta?"
"Pero hindi ako pwedeng magkagusto sa kaniya. Hindi pwede."
"At bakit naman hindi pwede?"
"Yvette, we are totally different. Estado pa nga lang ng buhay, magkaiba na kami. Langit siya lupa ako. So I need to think of ways on how I will gonna stop this feeling for him." Seryosong sabi ni Lani.
Natawa naman si Yvette. "Pipigilan mo ang nararamdaman mo sa kaniya? Lani, pinagloloko mo ba ako? Sinasabi ko sa 'yo, the more na pipigilan mo 'yan, the more na mas lalalim ang nararamdaman mo sa kaniya."
"Yvette, you're not helping." Reklamo ni Lani.
"Hay naku, Lani. Magpasalamat ka at magkalayo tayong dalawa dahil kung hindi baka nabatukan na kita." Sabi ni Yvette.
Lani sighed. "Ano na ang gagawin ko ngayon?"
Napailing si Yvette. "Hindi ko alam sa 'yo, Lani. Pero sinasabi ko sa 'yo. Habang pinipigilan mo ang sarili mo na magkagusto sa kaniya, hindi mo namamalayan na nahuhulog ka na. Ang tanong ngayon, handa ka niya bang saluhin?"
"He like someone else. He even asked me how to court a Filipina."
"Oh my." Sabi ni Yvette. "Kung ganiyan naman pala iwasan mo na lang siya."
"Yon ang ginagawa ko pero parang ang hirap naman, Yvette."
Yvette sighed. "Kailangan ko na 'tong ibaba. May gagawin pa ako."
"Okay."
"Bye, Lani."
"Bye."
Napabuntong-hininga si Lani at inilapag ang cellphone sa mesa. Napatingin siya sa pagkain na hindi niya pa nagagalaw.
"Bakit hindi mo ginagalaw ang pagkain mo?"
Nagulat si Lani ng umupo si Dylan sa bakanteng upuan na nasa kaniyang harapan. Tumingin siya sa paligid nila at nakita niyang nakatingin sa kanila ang iba habang ang iba naman ay pasimpleng tumitingin.
Inilapag ni Dylan ang tray na hawak nito sa mesa. He start to dig in his food.
Nahilot na lang ni Lani ang nuo. Paano niya ito iiwasan kung ito naman ang lumalapit sa kaniya?
Kumain na lang si Lani at hindi siya tumitingin sa boss niya.
"Lani."
Hindi nag-angat ng tingin si Lani. "Bakit?"
"Okay ka lang ba? Kanina pa umaga na wala kang imik. May nangyari ba?" Tanong ni Dylan na may himig na pag-aalala.
Lani sighed. "Meron. Want to know the story?"
"If you're willing to tell me."
Binitawan ni Lani ang hawak na kutsara at tumingin kay Dylan. "I have a 'friend' and that 'friend' like someone and that someone like someone else."
Napakurap si Dylan. "Ahmm...then if that someone like someone else, better advice your friend to stop liking that someone."
"Mismo." Sabi ni Lani. "Tumpak. Ganun nga ang ginagawa ng kaibigan ko pero itong si someone na gusto niya ay lumalapit pa rin sa kaniya."
"Huh?" Reaksiyon ni Dylan. "Bakit pa siya lumalapit sa kaibigan mo kung may gusto na siyang iba?"
Lani shrugged. "Malay ko ba sa kaniya. Ang gulo, eh."
Ngumiti si Dylan. "Kumain ka na lang. Problema na 'yon ng kaibigan mo."
Lani rolled her eyes and continued her food.
Nang matapos silang kumain. Mabilis na bumalik si Lani sa opisina at hindi naman makapaniwala si Dylan na basta na lang siyang iniwan ng dalaga.
"Unbelievable." Naiiling na saad ni Dylan.
Lani...Lani...nagtataka na talaga ako sa mga kinikilos mo sa araw na 'to. Sabi ni Dylan at napabuntong-hininga.
May nagawa ba akong mali? Dahil parang iniiwasan mo ako.
Nov5456
Hi, guys. Announcement lang. If you want to read my novel 'Lunar Cursed' you can read it in Dreame. Just search the title or you can search my penname 'Novie R.' Free po siya at updated po siya everyday. Thanks and keep safe.
BINABASA MO ANG
A Second Chance Love (COMPLETED)
Ficción GeneralDylan Sullivan | Lani Sandoval Dylan thought that after marriage, he will have a happy family, but to his disappoinment, he was wrong. He witnessed with his own two eyes, his wife was cheating on him, she's kissing another man. He loves his wife so...