Three years later...
"SUSUNOD kaagad ako. I really need to talk to my mom and of course to look for temporary CEO." Ani Dylan.
Lani smiled. "I know. Sa Baguio ka dumeretso pagdating mo para sabay tayong uuwi ng Aurora. Sabi ko kasi kay tatay, sasama ka. And I don't want to disappoint him."
Ngumiti si Dylan. "Okay. Sige na pumasok ka na."
Lani kissed Dylan. "I love you."
"I love you too."
Hinila ni Lani ang travelling bag at pumasok na sa airport. Lumingon siya kay Dylan at kumaway lang naman ito. Lani also waved her hand.
Pagpasok niya sa eroplano at makaupo siya sa upuan niya. Huminga siya ng malalim.
At last, pagkatapos ng tatlong taon, makakauwi na rin siya. Makikita na niya ang pamilya niya. Sobrang miss na niya ang mga ito. Ilang pasko at bagong taon na hindi nuya nakasama ang mga ito. At ngayon siguradong makakasama na niya ang mga ito.
At kasama pa niya si Dylan. They're going also to celebrate their third anniversary in the Philippines with her family.
She's really excited to see her family. Pero kailangan niya munang hintayin si Dylan para sabay silang uuwi ng Aurora.
Mahaba ang biyahe niya. Mabuti na lang at nakapagdala siya ng libro para naman hindi siya mainip na nakaupo sa loob ng eroplano.
Mahaba ang oras ng biyahe.
Kaya hindi na siya magtataka kung pagdating niya sa Pilipinas. Matutulog siya buong maghapon hanggang sa makabawi ng lakas.
PAGDATING niya sa Pilipinas. Kaagad siyang kumuha ng flight patungong Baguio. Hindi naman nagtagal nakarating na siya sa Baguio. Pagkalabas niya ng airport. Isinuot niya ang sombrero. Napayakap siya sa kaniyang sarili nang maramdaman ang lamig.
Mukhang manipis ang suot niyang sweater.
Napangiti siya ang makita ang matalik na kaibigan na naghihintay sa kaniya.
"Yvette!"
Sinugod niya ng yakap ang kaibigan.
Gumanti naman ito ng yakap sa kaniya.
"Wahhh! I really miss you."
Yvette chuckled.
Kasama nito ang triplets na mahigpit ding yumakap sa kaniya.
Pero kailangan na nilang umalis sa airport dahil kailangan niyang magpahinga.
"So dito ka muna mag-kwarto. Hinanda ko 'to talaga para sa 'yo." Ani Yvette.
"Thanks, Yve."
Ngumiti ang kaibigan at napatitig sa kaniya. "Kahit pagod ka. You seems inspired."
Lani shrugged. "I'm really inspired."
"I hope I could meet Dylan in person."
"Susunod naman siya sa akin so makikilala mo siya. He also wanted to meet your triplets." Ani Lani.
Ngumiti lang si Yvette. "Sige na. Magpahinga ka na."
Tumango si Lani at kapagkuwan may biglang pumasok sa isipan niya. "Yvette, 'yong lalaki pala na kumausap sa 'yo kanina sa labas ng airport. Dati ko siyang boss ng pinagtrabahuan kong kumpanya bago ako pumunta ng New York."
"Ganun ba?" Napatango si Yvette. "I see."
Kumunot ang nuo ni Lani. "You okay? Bakit parang nag-iba ang timpla ng mukha mo?"
BINABASA MO ANG
A Second Chance Love (COMPLETED)
General FictionDylan Sullivan | Lani Sandoval Dylan thought that after marriage, he will have a happy family, but to his disappoinment, he was wrong. He witnessed with his own two eyes, his wife was cheating on him, she's kissing another man. He loves his wife so...