For those who requested for a special chapter. Here it is, guys. Enjoy reading.
HINDI mapigilan ni Lani ang matawa ng malakas ng makita kung ano ang ginagawa ng anak nila ni Dylan sa ama nito.
Napailing si Lani.
"Sweetheart, that's enough. May board meeting ang daddy mo bukas. Don't make him embarrassed." Aniya rito at lumapit sa mag-ama niya.
Nakahinga naman si Dylan. "Thanks, Hon."
"Masyado mo kasing ini-spoil kaya ganiyan." Naiiling na sabi ni Lani at kinarga ang anak.
"She's my only daughter."
"And that's not the card for you to spoil her."
"But---"
"No buts." Maydiing sabi ni Lani at tinignan ang asawa ng masama.
Napabuntong-hininga naman si Dylan.
"Mommy, look...it's pretty." Sabi ni Sweetheart sa ina nito habang itinuturo ang kuko ni Dylan na may nakalagay na cutex at ang nakakatawa dahil kulay red pa.
Napangiwi si Dylan. "Help, Hon."
"Tatanggalin ko 'yan mamayang gabi." Sabi ni Lani.
Dylan smiled. "Okay."
Napangiti si Lani at ibinaba ang anak nila ni Dylan. Their daughter's name is Sweetheart Sullivan. Hindi nga niya alam kung bakit Sweetheart ang pinangalan ng mokong sa anak nila. Hinayaan na lang niya ito.
Limang taon na rin silang kasal ni Dylan and their daughter's age is four.
Daddy's girl ang anak nila.
Too bad, hindi na siya pwedeng mabuntis kasi hindi kaya ng katawan niya.
Muntikan na nga siyang mamatay sa panganganak niya kay Sweetheart.
"Hon, Russell called. They want to hang out. Can I go?" Tanong sa kaniya ng asawa.
Tumango si Lani. "Okay. But you're mine tonight."
Ngumisi si Dylan. "Okay. Thanks, Hon." Kinuha nito ang susi ng kotse at lumapit sa kanila ni Sweetheart na nakaupo sa sahig. Naglalaro ng Barbie ang bata, eh.
Tinakpan ni Dylan ang mata ng bata bago siya hinalikan sa labi at ang bata naman ang sunod nitong hinalikan sa nuo.
Ngumiti si Lani.
PAGDATING ni Dylan sa mansyon nila Russell. Ipinasok niya ang kotse sa compound. Kaagad niyang nakita ang kotse ni Ace na nakaparada rin sa loob ng compound. Itinabi ni Dylan ang kotse sa kotse ni Ace.
Lumabas siya ng kotse. Sinalubong naman siya ng isang kasambahay.
"Sir, pumunta daw po kayo sa pavilion." Anito.
Tumango si Dylan at dumeretso sa pavilion.
Kaagad niyang nakita ang dalawang kaibigan na nag-iinuman.
"Dy, come here man!" Sigaw ni Ace.
Nang makalapit siya sa mga ito, umupo siya sa sofa at kinuha ang isang beer at binuksan.
Natawa pareho si Ace at Russell nang makita ng mga ito ang kuko niya.
"Man, what happened? Bakit ka naka-cutex?" Natatawang tanong ni Ace.
"Natuluyan ka na ba? Damn! What did Lani say?" Tanong ni Russell na natatawa rin.
Dylan rolled his eyes. "My daughter did this. I can't say no. She would just cry and I can't take it."
BINABASA MO ANG
A Second Chance Love (COMPLETED)
Fiksi UmumDylan Sullivan | Lani Sandoval Dylan thought that after marriage, he will have a happy family, but to his disappoinment, he was wrong. He witnessed with his own two eyes, his wife was cheating on him, she's kissing another man. He loves his wife so...