Chapter 24

1.3K 54 4
                                    

NAGISING si Lani na medyo mabigat pa rin ang pakiramdam niya. May konting hilo at sakit ng ulo pa rin siyang nararamdaman. Natigilan si Lani ng maalala si Dylan.

"Umalis na kaya ang mokong na 'yon?" Tanong niya sa sarili. "Mabuti naman kung umalis na siya."

Bumangon siya at bumaba sa kama.

Natigilan siya ng makaamoy siya ng mabangong aroma ng pagkain. Isa lang ang pumasok sa isipan ni Lani.

Lani sighed. "Andito pa pala ang mokong at pinakialaman pa niya ang kusina ko." Napailing siya at lumabas ng kaniyang kwarto.

Sa kusina siya nagtaungo at naabutan niya si Dylan na nakaharap sa kalan.

Lani cleared her throat.

Kaagad naman na lumingon si Dylan. Ngumiti ito.

Natawa si Lani ng makita si Dylan na nakasuot ng apron. "Bagay sa 'yo." Tukoy niya sa suot nito.

Namewang si Dylan. "Whatever." Kumunot ang nuo nito. "Bakit ka bumangon? Hindi pa okay ang pakiramdam mo."

"Paano mo naman nasabi na hindi maganda ang pakiramdam ko? Katawan mo ba ang katawan mo?" Balik ni Lani.

Napabuga ng hangin si Dylan at napailing. Muli niyang hinarap ang kalan. Naglakad naman palapit si Lani kay Dylan at sinilip ang niluluto nito.

"Hindi ko alam na marunong ka palang magluto." Sabi ni Lani.

Dylan just shrugged.

Umupo si Lani sa stool at nagtimpla ng kape.

Iniwan naman ni Dylan ang niluluto at nilapitan si Lani. Sinalat niya ang nuo nito at leeg. "May lagnat ka pa. Hindi ka pa dapat bumangon. Magpahinga ka na muna."

"Magiging okay din ako." Sabi ni Lani. "Sanay na ako."

Kumunot ang nuo ni Dylan. "Pumapasok ka ba na may sakit?"

Tumango si Lani. "Oo. Pero ngayon lang na malala ang lagnat ko at hindi ko kinaya."

Bakit hindi ko napapansin? Tanong ni Dylan sa sarili habang nakatingin kay Lani.

"Next time, huwag kang pumasok ng may lagnat. Baka kung ano pa mangyari sa 'yo." Ani Dylan at bumalik sa kaniyang niluluto.

Nagkibit lang ng balikat si Lani. "Okay." Labas ilong na sagot ni Lani.

"Bakit labas ilong ang sagot mo?"

Ngumiti lang si Lani.

Napailing si Dylan. "Kailan ka nga ba nakinig sa akin? Ang tigas ng ulo mo, eh."

Pagkatapos magluto ni Dylan. Siya na rin ang naghain. Hindi niya hinayaan si Lani na gumalaw.

"Infairness, ha," Sabi ni Lani. "Masarap kang magluto. Nakakahiya mang aminin pero hindi ako marunong sa pagluluto."

"Ayos lang naman sa akin." Sabi ni Dylan.

"Ha?" Nagtaka si Lani. "Ano ang ayos sa 'yo?"

Ngumiti si Dylan. "Ayos lang sa akin na hindi ka marunong magluto."

Natigilan si Lani. "Tigilan mo nga ako."

"Lani, narinig mo ba ang sinabi ko bago ka nakatulog kanina kung sino ang nagugustuhan kong babae?"

Nag-iwas ng tingin si Lani. "Hindi ko narinig at hindi ko rin gustong malaman."

"Are you jealous?" May namumuong ngiti sa labi ni Dylan.

Tinignan ni Lani si Dylan ng masama. "No."

"Really? Para kasing narinig ko na sinabi mo na...you..." Itinuro ni Dylan si Lani. "Like me." At itinuro naman ni Dylan ang sarili.

Hinampas ni Lani ang mesa. "Huwag mo akong pagtripan." Tumayo siya.

"Lani. Wait!" Hinawakan ni Dylan ang kamay ni Lani.

Inagaw naman kaagad ni Lani ang kamay niya pero mahigpit ang pagkakahawak ni Dylan.

"Bitiwan mo nga ang kamay ko." Inis na sabi ni Lani.

"Lani." Dylan said calmly. "You like me, right?"

"No." Nag-iwas ng tingin si Lani.

"Then look at my eyes and tell me that you don't like me." Seryosong sabi ni Dylan. "Look. Hindi ko alam kung bakit bigla kang nag-iba nitong mga nakaraang araw. Bigla ka na lang umiwas sa akin. Bakit, Lani? Bakit mo ako iniiwasan? May nagawa ba akong mali? May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan?"

Lani sighed. Hindi siya sumagot.

"Lani, sagutin mo ako."

"I'm not obliged to answer you." Sabi ni Lani.

"Sasagutin mo ako o hahalikan kita?"

Biglang tumingin si Lani kay Dylan. "I like you! That's the reason! Hindi ko gusto na mas lumalim pa ang nararamdaman ko sa 'yo kaya habang maaga pa iiwasan na kita! O ano? Nasagot ko na ba ang tanong mo?"

Tumayo si Dylan at sinapo ang mukha ni Lani. Hinalikan niya ang dalaga na hindi inaasahan ni Lani. Nanlaki ang mata ni Lani sa pagkabigla at mabilis na itinulak si Dylan.

"Bakit mo ako hinalikan?"

"Ang dami mong sinabi." Sabi ni Dylan.

Mabilis na sinampal ni Lani ang binata. "Hindi mo dapat ginawa 'yon."

Ngumiti si Dylan. "Bakit mo naman pipigilan ang nararamdaman mo sa akin? Why? Am I not the kind of your ideal man?"

"You like someone..." Ani Lani. "I'm going to rest. Paki-lock na lang ang pinto kapag umalis ka."

"Lani, ano ang sinabi mo? I like someone."

Lani sighed in defeat. "Hindi ba nagpapatulong ka pa sa akin kung paano ligawan ang isang Filipina?"

Biglang natawa si Dylan at napailing. "Lani." He smiled. "That woman that I was talking that I like is you."

"Anong ako?"

"Lani, you maybe good in business but you are naïve in the name of love."

Tinignan ni Lani si Dylan ng masama.

"Don't glared at me. I really like you I really do."

Umirap si Lani. "I don't believe you. Stop liking me, Dylan."

Kumunot ang nuo ni Dylan. "Why?"

"We're different. Langit ka, lupa ako." Sabi ni Lani. "Pagkatapos mong kumain. Umalis ka na. Magpapahinga na ako." Umalis ng kusina si Lani at bumalik sa kwarto nito.

Napaupo naman si Dylan at napasuklay sa sariling buhok. "What the hell? Basted kaagad ako. She like me, pero binasted niya ako." Hindi makapaniwalang napailing si Dylan.

Dylan sighed. "Lani. Lani. Lani. Did you know that I can get whatever I want. Hindi kita titigilan."

Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at tinawagan ang sekretarya.

"Sir?"

"Alisson, cancel also my appointments tomorrow."

"Okay, Sir."

Dylan ended the call. Tumingin siya sa pinto ng kwarto ni Lani.

"Sorry, Lani, pero hindi ako madaling sumuko sa isang bagay na gusto kong makuha. I'm sorry in advance pero hindi kita titigilan."

Niligpit ni Dylan ang mga pinagkainan nila ni Lani.

Habang si Lani naman. Hindi naman siya makatulog. Gusto pa niyang matulog baka sakaling paggising niya ay maayos na ang pakiramdam niya. Napahawak si Lani sa tapat ng kaniyang puso. Mabilis ang tibok nito.

That woman that I was talking that I like is you.

That woman that I was talking that I like is you.

That woman that I was talking that I like is you.

Pabalik-balik sa isipan ni Lani ang sinabi ni Dylan.

"The woman he likes is me and not someone else."

Lani sighed. "Ewan ko. Lagnat lang 'to. Matulog na nga ako para paggising ko makakapag-isip na ako ng maayos."

Nov5456

A Second Chance Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon