Chapter 14

1.4K 67 5
                                    

TAHIMIK na nakatingin si Dylan kay Lani na abala sa table nito. Mag-iisang buwan na rin itong nagtatrabaho sa kaniya. Malaki rin ang naitulong sa kaniya ni Lani para muling bumalik ang mga empleyado niyang nawala, pati na rin ang mga investors nila. Bumalik ang iba at may mga bagong investors rin.

Slowly, naibalik rin ang mga nawalang profits ng kumpanya. Dylan sighed in contentment while looking at Lani.

She's indeed a hardworking employee.

Dahil kahit anong ipinapagawa niya dito, wala itong reklamo.

Dylan smiled.

Mabilis na itinuon ni Dylan ang atensiyon sa screen ng laptop ng makita niyang tumayo si Lani at naglakad palapit sa kaniya.

"Sir, ito na po ang pinapagawa niyong project proposal. Basahin niyo po at kung may hindi kayo gusto, you can tell it to me para mapalitan ko." Ani Lani.

"Hmm... okay. Thank you." Kinuha ni Dylan ang folder at kaagad na binuklat at binasa.

Habang si Lani naman bumalik sa table nito.

Tahimik naman na pinag-aaralan ni Dylan ang proposal na ibinigay ni Lani. By this proposal, they can gain more profits and investors. Kailangang bumalik ang mga nawala sa kumpanya dahil sa kagagawan ni Arriane at ng asawa nito.

Napapatango si Dylan habang binabasa ang proposal ni Lani. Nakuha nito ang mga gusto niyang mangyari. At nameet rin nito ang gusto niya kung paano mapataas ang sales nila.

Tinanggal ni Lani ang suot na eyeglasses dahil naluluha siya sa matagal niyang pagtitig sa screen ng laptop. Sumasakit na ang mata niya pero kailangan na niyang tapusin ang dapat niyang tapusin.

"Lani."

Kaagad na tumingin si Lani sa amo. "Yes, Sir?"

"You can go out to have lunch." Ani Dylan. Kanina pa niya kasi pinagmamasdan ang dalaga at napansin niyang nagpupunas ito ng luha.

Mukhang masakit ang mata nito dahil sa matagal nitong pagtitig sa screen ng laptop nito.

Ngumiti si Lani. "Thank you, Sir."

Tumango lang si Dylan.

Kinuha ni Lani ang bag at palabas na siya ng opisina ng muli siyang tawagin ng amo. "Lani."

Muling humarap si Lani kay Dylan.

"Wait. Let's have lunch together." Ani Dylan at mabilis na tumayo.

Kinuha nito ang cellphone at ibinulsa. "Let's go." Aniya kay Lani.

Natigilan naman si Lani. "Sigurado po kayo?"

"Yep." Pagtango ni Dylan at hinawakan ang siko ni Lani para alalayan. "Let's go. Nagugutom na ako."

"Okay, Sir." Pasimpleng binawi ni Lani ang siko na hawak ng binata dahil nakaramdam siya ng pagkaasiwa. Hindi siya komportable sa hawak ni Dylan.

At ang hindi talaga nagpapakomportable sa kaniya ay ang mabilis na pagtibok ng puso niya.

Lani sighed and followed her boss.

Pumasok silang dalawa sa elevator. Dylan pushed and the first floor button.

Huminga naman ng malalim si Lani at sumandal sa dingding ng elevator.

Sumulyap naman si Dylan kay Lani. Dylan smiled to himself and sighed. He must admit to himself. He's attracted to Lani. Hindi dahil maganda ito kung hindi dahil sa potential nito sa trabaho. Na kahit anong ipagawa niya, wala itong reklamo.

Lani was a kind of independent woman.

Napansin niya 'yon dahil nakakaya nito ang lahat at minsan nagtatanong rin siya kay Russell tungkol kay Lani.

A Second Chance Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon