NGINITIAN ni Lani si Dylan ng umupo io sa harapan niya. Inilapag nito ang hawak nitong tray na may lamang pagkain sa mesa.
"Hindi mo ako hinintay." Anito.
Ngumiti lang si Lani. "May kausap ka kanina, eh. So nauna na akong kumain ng lunch. I'm hungry." Kapagkuwan napatingin siya sa mga empleyado na nakatingin sa kanila.
Mabilis naman na nag-iwas ang mga ito ng tingin.
Napailing si Lani.
"Hayaan mo na sila." Sabi ni Dylan.
Nagkibit ng balikat si Lani. "Na siya nga ang ginagawa ko."
Dalawang buwan na rin mula ng maging sila. Dylan was so nice to her and he's a real gentleman. He didn't force to do the things she doesn't want to do. Hinahayaan lang siya nito sa mga gusto niyang gawin.
But of course, even they are a couple, they are still professional when it comes to work. Kapag nasa loob sila ng opisina. Employee at Boss ang turingan nilang dalawa. Pero kapag nasa labas na sila, ayun, they are a couple.
Lumalabas rin sila tuwing day off niya.
Pero hindi pa niya nasasabi sa mga magulang at kapatid niya ang tungkol kay Dylan. Kay Yvette niya pa lang ito nasabi.
Lani sighed.
Napatingin naman si Dylan kay Lani. "You okay? May problema ba?"
"Hindi ko pa nasasabi sa pamilya ko ang tungkol sa 'yo." Aniya. "Hindi ko alam kung paano ko sabihin sa kanila. Baka kasi iba ang isipin nila tungkol sa akin. Ayaw ko naman na sabihin nila na pumunta lang ako dito para lumandi."
Hinawakan ni Dylan ang kamay ng kasintahan. "Hey. Look at me. Don't think too much, Lani. I understand. Okay, kung hindi mo pa kayang sabihin sa kanila ang tungkol sa akin. Huwag muna. Makakapaghintay naman ako."
Ngumuso si Lani. "Talaga?"
Tumango si Dylan.
"Kahit matagal?"
"Oo naman." Ngumiti si Dylan. "Sige na. Kumain ka na. May meeting pa tayo mamaya para sa launching ng bago nating produkto. Huwag mo munang isipin ang tungkol sa akin. Makakapaghintay 'yan. Hindi naman ako nagmamadali."
Ngumiti si Lani. "Thank you."
"Welcome."
Nagpatuloy silang dalawa sa pagkain at ng matapos silang kumain. Bumalik na sila sa office ni Dylan at sabay silang nagtungo sa meeting hall.
Lani listen attentively to the meeting and take down important notes.
Nang matapos ang meeting at makalabas ang lahat ng head ng bawat department. Si Lani at Dylan lang ang tanging naiwan. Napatayo si Lani at nag-inat.
"Tired?" Tanong ni Dylan.
"Hindi naman masyado. Sanay na ako sa mga meeting na ganito pero talagang mano-nosebleed ako sa English. Mabuti na lang at naturuan ko si Alisson ng kaunting tagalog kaya medyo dinudugo ang ilong ko kapag siya ang kausap ko."
"And how about me?"
Ngumiti si Lani. "Okay na 'yong tagalog at accent mo. Pwede mo ng kausapin si Sir Russell ng tagalog."
Natawa si Dylan. "I'll do that." He shooked his head and looked at Lani.
"So, what's your plan after the meeting?" Tanong ni Lani.
Ngumiti si Dylan. "I told Alisson not to accept appointment."
Nagtaka si Lani. "Huh? Why? Kaya naman pala wala siyang binigay sa akin na schedule mo maliban sa meeting na 'to."
BINABASA MO ANG
A Second Chance Love (COMPLETED)
General FictionDylan Sullivan | Lani Sandoval Dylan thought that after marriage, he will have a happy family, but to his disappoinment, he was wrong. He witnessed with his own two eyes, his wife was cheating on him, she's kissing another man. He loves his wife so...