Chapter 27

1.4K 56 4
                                    

"HI, MA. Hi, pa. Hi, bro. Hi, sis." Bati ni Lani sa pamilya niya at kumaway sa screen ng laptop. Naisipan niya ang mga itong tawagan pagkauwi niya.

"Hi, anak. Kumusta ka diyan?" Tanong ng ina.

"Kumakain ka ba ng maayos?" Tanong naman ng ama niya.

"Ate, okay ka lang ba?" Tanong ng pangalawa niyang kapatid.

"Mukha kang pagod, Ate." Ani naman ng bunso.

Ngumiti si Lani. "Okay lang naman ako ditto, Ma. Kumakain po ako ng maayos, Pa. Kagagaling ko lang sa trabaho kaya medyo pagod ako."

"Dapat nagpapahinga ka na, anak." Sabi ng mama niya.

"Okay lang, Ma. Kaya ko pa naman. Naisipan ko kayong tawagan. Na-miss ko kayo, eh. Natanggap niyo ba 'yong pinadala ko?" Tanong niya.

"Oo, anak. Sa katunayan, ginamit naming 'yon para sa tuition fee ng mga kapatid mo."

"Mabuti naman po." Sabi ni Lani at tumingin sa mga kapatid. "Kayong dalawa, mag-aral kayong mabuti."

"Opo, Ate."

"Eh, anak, may itatanong lang ako." Sabi ng papa niya.

"Ano po 'yon?"

"Totoo bang may umaaligid sa 'yo diyan?"

Kaagad naman na tumingin si Lani sa paligid niya bago ibinalik ang tingin sa screen ng laptop. "Papa, wala naman po akong kasama dito."

Natawa ang mga kapatid niya pati na ang mama niya.

"Anak, ang ibig sabihin ng papa mo kung may nanliligaw ba sa 'yo diyan?" Tanong ng mama niya.

Lani sighed. "Hindi ko po alam sa inyo kung bakit kayo nagtatanong ng ganiyan. Sige po. Magpapaalam na po ako. Gusto ko na po kasing magpahinga." Ayaw pa niyang sabihin ang tungkol kay Dylan. Saka na lang.

"Oh, sige, anak. Mga-iingat ka diyan, ah."

"Opo. Kayo din po."

"Bye, Ate."

Kumaway si Lani at ngumiti.

Pinatay na niya ang video call.

Tumayo si Lani at nag-inat.

"Kapagod." Aniya. Nagbihis siya at nahiga na siya sa kama.

Hindi na siya kumain ng dinner dahil pagod talaga siya at gusto na niyang magpahinga.

But then biglang tumunog ang cellphone niya. Inabot ni Lani ang cellphone sa bedside table. Tumaas ang kilay niya ng makita ang text ni Dylan.

'Eat dinner.'

Napangiti na lang si Lani at hindi nag-reply. dahil kapag nag-reply siya at sinabi niyang hindi siya kumain, kukulitin lang siya ni Dylan or else pupuntahan siya nito kahit gabi na. Ipinikit niya ang mata at natulog na. Pero hindi naman siya makatulog.

Actually pumasok ang isipan niya ang mga nangyayari sa kaniya dito sa New York. Maglilimang buwan na siya at sa limang buwan na 'yon. Ang daming nangyari.

Yeah. Madaming nangyari talaga. Isa na doon si Dylan.

Napailing si Lani. Dylan started to court her two months ago. Panliligaw? Eh, mas nauna pa nga ang halik kaysa sa panliligaw nito.

Lani sighed. Sa loob ng dalawang buwan. Tahimik niyang inoobserbahan si Dylan. Mula sa mga galaw nito hanggang sa pananalita nito. Masasabi naman niyang mabait si Dylan. And he never take advantage on her.

Palagi siyang inaalagaan ng binata. Minsan sinusundo siya nito para sabay silang pumasok sa kumpanya. Then sometimes hinahatid rin siya nito pauwi. Ilang beses na rin niyang nakasama ang ina ni Dylan sa isang dinner or di kaya lunch. Mabait naman ang ina ni Dylan at komportable siya rito.

Napabuntong-hininga si Lani at napatitig sa kisame.

Dylan was nice. But she's afraid to admit the truth, na habang lumilipas ang mga araw na kasama niya ito at inaalagaan siya, mas lalong nahuhulog ang loob niya rito. Inaamin niya na malalim na ang nararamdaman niya kay Dylan. Natatakot naman siyang umamin. Hindi niya rin alam kung bakit. Baka dahil siguro sa takot siyang pumasok sa isang relasyon.

NEXT DAY.

Hindi na nagulat si Lani ng Makita si Dylan na nakaupo sa sofa nang makalabas siya ng kwarto niya. She gave him a duplicate key. May tiwala naman siya dito na wala itong gagawing masama sa kaniya.

"Ang aga mo yata." Sabi ni Lani.

"Morning." Bati ni Dylan at ngumiti. "Lagi naman akong maaga na pumupunta dito di'ba?"

Nagkibit na lang ng balikat si Lani at nagtungo sa kusina. Nagtimpla siya ng kape. Sinilip niya si Dylan na nakaupo pa rin sa sofa. "Dy, coffee?"

"Sure."

Nagtimpla si Lani ng isa pang kape at dinala ito sa sala. Inilapag niya ito sa center table.

"Coffee."

"Thanks."

Tumango si Lani.

Tahimik lang silang nagkakape sa sala hanggang sa basagin ni Dylan ang katahimikan.

"Ang tahimik mo."

Tumaas ang kilay ni Lani. "Ano naman ang sasabihin ko? Wala akong maisip na sabihin."

Dylan just smiled.

Napailing si Lani. "Iwan muna kita dito. Maghahanda lang ako." Tumayo si Lani.

Tumango si Dylan. "Hihintayin kita."

Napatingin bigla si Lani kay Dylan. 'Hihintayin kita.'

Napakurap si Lani at pumasok sa kaniyang kwarto dala ang hindi niya pa nauubos na kape niya.

Ngumiti naman si Dylan at inubos ang kape.

Napatingin si Dylan sa cellphone ni Lani na nakapatong sa sofa. Inabot niya ito at binuksan. Dylan was surprised that Lani's phone doesn't have password.

Hindi niya ugaling makialam sa may gamit ng may gamit pero naintriga siya sa cellphone ni Lani. Tumingin siya sa pinto ng kwarto ni Lani. Alam niyang matatagalan pa ito. Matagal gumalaw ang mga babae, eh. Dylan smiled and opened Lani's phone.

Pumunta siya sa gallery app at tinignan ang pictures na nandoon. Pictures lang naman ng pamilya nito ang laman ng phone nito. Picture ng kaibigan ng kaibigan nitong si Yvette at ang triplets na anak nito. May nakita rin siyang solong picture ni Lani.

Napangiti na lang si Dylan habang tinitignan ang mga pictures sa cellphone ni Lani.

Hindi na tinignan ni Dylan ang ibang laman ng app ng cellphone ni Lani. Ibinalik na lang niya ito sa sofa.

Maya-maya at lumabas na si Lani sa kwarto nito at nakapagbihis na ito.

Dylan chuckled.

"Bakit ka tumatawa diyan?" Tanong ni Lani.

"Your hair..." Sabi ni Dylan. "Is messed."

Umirap naman si Lani. "Malamang. Hindi pa ako nakakapagsuklay, eh."

Bumaba ang tingin ni Dylan sa hawak ni Lani na suklay. Tumayo siya at lumapit sa dalaga. Inagaw niya ang hawak nitong suklay at sinuklay ang buhok ni Lani na ikinagulat naman ng dalaga.

Napatitig si Lani kay Dylan.

Dylan combed her hair gently. Nasa likuran niya ito.

"Thanks." Sabi ni Lani.

"Welcome. Ang haba ng buhok mo, ah." Komento ni Dylan.

"Hindi ko na nga napapagupit since dumating ako dito."

"Bagay naman sa 'yo ang mahabang buhok. Huwag mo ng paggupitan." Sabi ni Dylan.

Ngumiti naman si Lani. "Okay."

"You're so cute." Sabi ni Dylan at pinisil ang tungki ng ilong ni Lani.

Lani chuckled.

"You ready? Let's go. Let's eat outside." Dylan said.

Tumango si Lani. "Okay."

Nov5456

A Second Chance Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon