NAGBABA ng tingin si Lani ng makitang tinignan siya ng ina ni Dylan mula ulo hanggang paa. Nagulat si Lani ng hawakan ng ina ni Dylan ang baba niya at itinaas ang mukha niya.
"Chin up, my dear." Ani ng ina ni Dylan.
Alanganing ngumiti si Lani. Unang tingin pa lang, alam na ni Lani na istrikta ang ina ni Dylan pero kahit may edad na, maganda pa rin naman.
Tumikhim si Dylan. "Mom, you're making Lani uncomfortable."
Doon lang naman ngumiti ang ina ni Dylan. "Am I?" Anito habang nakangiti na sa kaniya. Tumawa ang ina ni Dylan. "Don't be, my dear. I'm Daniela."
"Nice to meet you, Maa'am."
"Nonsense. Call me 'Mom'."
Nagulat si Lani. "Ho?"
Ngumiti si Dylan at inilapit ang bibig sa tenga ni Lani. "Sundin mo na lang siya."
"Pero..."
Umiling si Dylan.
Ngumiwi si Lani at tumikhim. Tumingin siya sa ina ni Dylan. "Mom."
"That's so cute." Pinisil nito ang psingi niya. "Let's eat."
Habang kumakain, nag-uusap ang mag-ina habang tahimik lang naman si Lani na kumakain at nakikinig sa usapan ng dalawa.
"Lani."
Napa-angat ng mukha si Lani nang tawagin siya ng ina ni Dylan.
"Po? Ahmm...why, mom?"
"How did you and my son meet?" Tanong nito.
"Ahmm..." Tumingin si Lani kay Dylan at tumango lang naman ito.
"We met in the Phillippines, Mom." Lihim na napangiwi si Lani. Hindi siya komportableng tawagin na 'mommy' ang ina ni Dylan.
"Really? When was that?"
"After my divorce with Arrianne." Sagot ni Dylan.
Napaismid ang ina ni Dylan. "Good thing that you two divorce already."
Ngumiti si Dylan.
"When will be your wedding?" Tanong ng ina ni Dylan habang nakatingin kay Lani at Dylan.
"Ha?" Nagulat si Lani at tumingin kay Dylan. "What wedding?"
Natigilan naman si Dylan. "Mom, stop it. Lani and I are not in a relationship."
"Nonsense. I like Lani for you. And Dylan, it's not bad for you to be in a relationship again." Ani ng ina ni Dylan.
"Mom." Nahilot ni Dylan ang sentido. Ang mommy niya talaga. Minsan hindi talaga nito mapigilan ang sarili na magsalita. Like what the heck? Kaharap pa nila si Lani. Dylan sighed and continued eating while shooking his head.
Nagbaba naman ng tingin si Lani para itago ang ngiti niya sa labi.
Pagkatapos ng dinner. Unang umalis ang ina ni Dylan. "Enjoy you night, you two." Sabi ni Daniela bago umalis.
"Mom!" Dylan hissed.
Tumawa lang naman ang ina ni Dylan at hinalikan si Lani sa pisngi. "Bye, my dear. See you soon again."
Ngumiti naman si Lani.
Nang makaalis ang ina ni Dylan. Napabuntong-hininga na lang si Dylan at tumingin kay Lani. "Pagpasensiyahan mo na lang si mommy. Ganun na talaga siya kapag natutuwa siya."
Ngumiti naman si Lani. "Nakakatuwa ang mommy mo. Pareho sila ng mama ko."
"Really?"
Tumango si Lani at ngumiti. "Hmm..."
BINABASA MO ANG
A Second Chance Love (COMPLETED)
Ficção GeralDylan Sullivan | Lani Sandoval Dylan thought that after marriage, he will have a happy family, but to his disappoinment, he was wrong. He witnessed with his own two eyes, his wife was cheating on him, she's kissing another man. He loves his wife so...