Chapter 25

1.5K 59 3
                                    

HINDI umalis si Dylan sa condo ni Lani hangga't hindi nagiging maayos ang pakiramdam nito.

"Maayos na ang pakiramdam ko. Maaari ka ng umalis." Sabi ni Lani.

Ngumiti si Dylan. "Paano kung ayaw ko pang umalis?" Tanong ni Dylan.

Lani sighed. "Please, Dylan."

Si Dylan naman ang napabuntong-hininga. "Hindi ka ba komportable?"

Nag-iwas ng tingin si Lani. "Hindi ko alam."

Ngumiti si Dylan at hinawakan ang kamay ni Lani. "Hindi mo naman kailangang pigilan ang nararamdaman mo para sa akin."

Binawi ni Lani ang kamay niya na hawak ni Dylan. "Hindi mo alam kung ano ang sinasabi mo, Dylan. We're totally different. Sa estado pa nga lang ng buhay."

"Does it matter?" Dylan asked. "Wala namang kaso sa akin 'yon."

Bumuntong-hininga si Lani at napailing. "Hindi mo naiintindihan ang mga sinasabi mo, Dylan."

"Then explain why you are avoiding me even you like me?" Seryosong tanong ni Dylan.

Lani deeply sighed. "Listen, Dylan. I came from a poor family, you should know that. We are different in our status of life. You're rich and I'm poor. Hindi mo ba iniisip ang sasabihin ng ibang tao, ng mommy mo? Ng mga kaibigan mo? Ng mga tao sa paligid mo? Siguradong pagtatawanan ka nila kapag nalaman nila na nagkagusto ka lang sa empleyado mo---hmm..."

Naputol ang sinasabi ni Lani ng biglang kabigin ni Dylan ang batok niya at hinalikan siya nito ng madiin.

"Hmm...mmm..." Pilit na tinutulak ni Lani ang binata pero the more na tinutulak niya ito the more naman na dinidiinan nito ang paghalik nito sa kaniya.

The kiss lasted for few seconds. Mabilis na lumayo si Lani kay Dylan nang maghiwalay ang labi nila pero mas mabilis si Dylan at ipinalibot niya ang braso sa beywang ni Lani.

Dylan smirked. "Trying to get away from me."

"Let me go." Sabi ni Lani.

"Why would I?"

Naningkit ang mata ni Lani dahil sa inis niya kay Dylan at hinayaan na lang ito dahil natatakot siya na baka halikan na naman siya nito.

Pero infairness, ah. Ang lambot ng labi niya.

Lani, ano ba?!

Muntikan ng batukan ni Lani ang sarili dahil sa mga pinag-iisip niya. Hindi siya dapat nag-iisip ng ganun.

"Lani," Dylan started and sighed. "Really? Iniisip mo ang ibang tao. Don't think of them. Just say you like me and ignore them." He stared at Lani's eyes.

Nag-iwas ng tingin si Lani. Pero hinawakan ni Dylan ang baba niya at muli nitong pinagharap ang mukha nilang dalawa. Lani was half comfortable and half not comfortable in their closeness.

"Lani, look at me." Sabi ni Dylan. "I like you no scratch that. I'm falling for you. No. Not falling because I already fell inlove with you noong una kita nakita sa Pilipinas. Hindi ko lang maamin sa sarili ko noon. Lani, please, stop thinking of other people and think only of me. Only me, Lani."

Napahawak si Lani sa tapat ng kaniyang puso dahil bigla na lang bumilis ang tibok ng kaniyang puso.

"You okay?" Nag-aalalang tanong ni Dylan ng mapansin nito ang paghawak niya sa tapat ng kaniyang puso.

Biglang natawa si Lani at tumango. Kapagkuwan napailing siya.

Nagtataka naman si Dylan sa kinikilos ni Lani pero hindi niya pa rin binibitawan ang dalaga.

A Second Chance Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon