A/N: Happy Reading!!❤️❤️❤️
Nagising si Roxanne na niyuyogyog ng kapatid na si Jennie ang balikat niya.
"Ate! Gising!" Ani Jennie na tila ba naiinis.
"Hmn! Bakit ba?" Tanong ni Roxanne sa kapatid na pumupungay pa ang mga mata.
"May mga bisita ka po." Sagot ng kapatid.
Nilingon niya ang kapatid na babae na salubong ang mga kilay. "Sino?"
"Sina ate May at ate Nannie!" Sagot ulit nito.
"Anong ginagawa nila dito? Teka!? Anong oras naba?" Aniya.
Hinanap ng mga mata niya ang cellphone niya para tignan ang oras ng magsalita ang kapatid. "Seven-thirty na po... Ng umaga."
Malalaki ang mga matang tumingin si Roxanne kay Jennie. "Umaga? Nakatulog ako ng ganon kahaba?" Tila hindi makapaniwalang sambit sa sarili.
Siguro dahil sa dami ng iniisip ng dalaga sa buong maghapon natulogan niya nalang. Hindi rin naman kase sapat ang tinulog niya kahapon ng hapon.
At least ngayon nakabawi na siya ng tulog.
"Tss! Akala ko nga di kana magigising e."
Masama niya itong tinignan. Tila kase may ibang pinapahiwatig sa salitang 'hindi na magigising'.
Napatikom naman bigla ang kapatid ng bibig.
"Tss! Lumabas na nga. Mambubuwisit ka na naman e." Taboy niya sa kapatid.
"Lumabas kana. May bisita ka diba--"
"Oo! Narinig ko kaya lumabas kana." Sigaw ng dalaga sa kapatid na babae na nagsisimula na namang mainis.
"Okay!" Ani Jennie na paramg wala ng ng umalis ito.
Napapikit at napailing iling nalang si Roxanne dahil sa kapatid niyang tinalo pa ang panganay kung makipag-usa sa kaniya.
Nagsisisi talaga siyang bumalik pa sa bahay na ito.
Ng matapos ayusin ang pinaghigaan niya ay lumabas na ang dalaga para harapin ang mga kaibigan.
"Oh! Roxanne nandito kana pala. Tara kain." Masayang bungad sa kaniya ni Nannie.
"Malamang kakain ako. Samin yan e." Sambit niya bago naupos sa bakanteng upoan. Akala niya dadalaw lang ang dalawa, makikikain rin pala.
"Tita! Grabe! Ang sarap po talaga ng luto niyo. The best kayo." Muli ay sabi ng bumalik sa pagkain.
"Tss! Masarap naman lahat sayo." Ani May-Annie na pinapanood kumain si Nannie.
"Bakit ikaw! Hindi kaba nasasarapan?" Tanong ni Nannie sa kaibigan.
Grabe! Talaga ang dalawang to. Kulang nalang magtalo ng dahil sa pagkain.
"Siyempre masarap!" Sagot ng kaibigan. "Actually! Dito lang ako nakakakain ng matinung pagkain. Tss! Sa bahay kasi parang lutong karenderya ang kinakain namin araw araw." Tila nagsusumbong na sabi ng kaibigang si May-Annie.
"Tss! Bakit naman. Pagkain rin naman yon." Tanong ni Nannie.
"Hindi ko nga gusto. Ayoko ng luto ng mga katulong kaya minsan mas gugustohin kong magpadeliver nalang." Anito.
"E ang mommy mo?" Muling tanong ni Nannie.
"Hayys! Nakalimutan mona ba? Ang mommy ko kahit kailan hindi kame pinagluto ni Daddy, kase hindi naman siya marunong magluto. Pritong isda na nga lang sunog pa." Kwento nito.
BINABASA MO ANG
MARRYING THE MANIAC
FanfictionFirst time to writer. Sana may sumuporta at sana may magkagusto, kahit feeling ko jejemon ako magsulat. hahaha